Diane's POV "Ayos lang ba sa'yo ang isang kwarto?" Tanong sa akin ni Liera nang makapasok ako sa isang bakanteng kwarto niya rito. She's owning a condo unit with 2 bedrooms. Buti na lang at walang laman 'tong isang kwarto niya kaya nakalipat kaagad ako. "Oo naman, salamat Liera ha?" Tugon ko sa kanya atsaka ito niyakap matpaos kong ibaba ang aking dalang bagahe. "Ano ka ba, wala 'to. Nag-order kaagad ako ng kama para sa'yo pero baka bukas pa yun dadating. Di bale, pwedeng-pwede ka namang matulog sa kama ko ngayong gabi." Kaagad akong tumango sa sinabi niya habang nakangiti. Tumunog ang cellphone ni Liera kaya dali-dali rin itong lumabas sa aking silid para sagutin 'yon. Napabuga ako nang hanging habang nakatingin sa nag-iisang bintana rito sa kwarto. Kahit labag sa kalooban ko ang u

