Diane's POV Kakatapos ko lang magwalis sa sahig ng inuupahan kong apartment. Napakabait ng landlady dahil tinulungan niya pa akong mag-ayos dito sa loob. May ilang furniture pa siyang pinagamit sa akin dahil sakto raw na may bagong bili siyang gamit sa bahay mula sa pinadalang pera ng kanyang anak galing sa Europa. At wala siyang ibang paglalagyan non kaya ibinigay niya na lang sa akin. Napatingin ako sa pinto ng aking apartment nang may kumatok doon. Dali-dali kong niligpit ang mga panglinis sa bahay bago ko 'yon binuksan. Isang nakangiting matandang babae ang bumungad sa akin na may hawak-hawak na isang mangkok ng sabaw. "Magandang umaga, hija!" Masigla niyang pagbati sa akin na kaagad ko namang ikinangiti. "Magandang umaga, Aling Helen." Nakangiti kong saad atsaka siya pinapas

