(Alliana's POV)
"hello?Larry?"
[Hello myloves.. asan ka??]
napakunot ang noo ko... Ano bang kailangan ng taong to sa kalagitnaan ng gabi?
"Nasa bahay. Hoy anong problema?napano ka?"sabi ko
[Hahahaha I'm fine... I'm just checking on you.....]
"Ah ganun ba??akala ko kung napano ka na"
[*hik* Alliana *hik* tingin *hik* ka *hik * sa labas]
"Hoy napano ka?nalasing ka ba??hoy anong sinasabi mo?"
[......]
"Larry hoy.. sumagot ka nga bakit nasa labas ka ng bahay?di ka pa ba umuuwi?"tanong ko
[......]
"Hoy Larry sagot!hoy Larry!!"
[......]
Kinabahan ako kasi di sya sumasagot... kaya sumilip ako sa labas....
Tapos nakita ko syang nakasandig sa kotse nya habang nakatingin sa bintana ng bahay.. tapos ngumiti sya nung nakita nya ako.. siraulo talaga tong lalaking to no
[Alliana baba ka may sasabihin ako...]
"Hoy disoras na ng gabi "
[Please.. mabilis lang.Promise..]
Napabuntong hininga ako. Sige na nga...
"Hay oo na !!oo na!!nakakabadtrip ka alam mong natutulog yung tao eh.. psh.. pasalamat ka mahal kita.."binulong ko yung mga huli kong sinabi..
[Ha?did you say something?]tanong nya
"H-ha wala yun no.. o sya sige bababa na ko.. tumahimik ka na dyan at baka magising pa sila mama..."sabi ko
Kaya lumabas na ako ng kwarto ko at dahan-dahang bumaba at lumabas na ako ng bahay...
Naabutan kong syang abot-tenga ang ngiti... gwapo talaga tong fiance ko....hihi secret lang yun ha...
"O anong problema mo??at ginising mo ako ng disoras ng gabi?"tanong ko
"Heehehe pwede mo ba kong samahan dyan-dyan lang sa tabi??.."tanong nya tapos ngumiti.. siraulo talaga
"Aba't anong natira mo at ganyan ka?"tanong ko
"Hehe sige na puhlease..."sabi nya na parang nagmamakaawa... sira
Kaya sinamahan ko sya.. pero pinasakay pa nya ako sa kotse nya kita mong mga kalokohan ng taong to... hahahahahaa
Sinakyan ko na lang kung anong kalokohan ang gusto nya...
"Oy akala ko ba dyan dyan lang sa tabi? Bakit parang ang layo naman yata ng pupuntahan naten?"tanong ko
Ngumisi lang sya.. siraulo talaga to
Pero kinabahan ako kasi parang nakita kong may mga sumusunod samen
Waaaaahhhhhh...... meron nga....
" L-larry.. m-may sumusunod saten.."sita ko sa kanya
"Sh*t... mga walangya yang mga yan .. hindi ko akalain na mahahabol nila ako.. aist..!"reklamo nya
Teka anong sinasabi nito??
"h-hoy teka anong sinasabi mo ha??"naguguluhang tanong ko
"Mga kalaban yan aish!!"sabi nya
nanlaki ang mga mata ko...
"Aaaaahhhhhhhhhhh!!!!!"sigaw ko
"Hoy bakit ka ba sumisigaw dyan ha??! Kita mong nasa ganitong sitwasyon na tayo tapos ikaw sisigaw sigaw ka lang dyan?!!"tanong nya
"Waaaaahhh panong di ako sisigaw eh nasa ganitong sitwasyo. Tayo alangan namang tumawa ako dito diba?!! waaaaahhh ... hinahabol nila tayo Larryyyy!! Bilisan mong magdrive!! Waaaah ayoko pang mamatay!!! pag ako namatay di na ko papayag na ikasal na sayo sige ka!!!"sigaw ko
Kinakabahan na talaga ako!! Waaaahhhh... huhuhuhuhu ayoko pang mamatay!!!
pero...
"Waaaahhhh!! Bakit tumigil tayo ha?!!"sigaw ko
"Aish nawalan tayo ng gasolina patay....."sabi nya at parang binuhusan ng tubig waaahhh
Naubusan kami ng gasolina so ibig sabihin...
*Crash*
"waaaahhhhh.... huhuhuhuhu wag nyo kaming patayin please.. waggggg.. sya na lang patayin nyo sige na pleaseseeeee"sabi ko habang nakapikit...
May limang lalaki kasi na bumasag ng bintana sa gilid ni Larry....
"Hindi namin kayo sasaktan basta sumunod lang kayo samen"sabi nung lalaking nakablack suit.. kaya napatingin ako sa kanila... teka parang pamilyar yung pin sa damit nila ah...
Aish wag mo ng isipin yung pin Alliana waaah isipin mo kung pano ka makakatakas dito
Kaya binuksan nila yung pinto ng kotse at nilagyan ako ng piring tapos pinaglakad kami....
"Malayo pa tong lalakarin namen at-----"napatigil ako sa pagsasalita nung naramdaman kong may nagtutok ng matigas na bagay sa tagiliran ko.... huhuhuhu sabi ko nga tatahimik na ko....
Naramdaman kong tumigil kami sa paglalakad...
"Kung gusto nyo pang mabuhay oo lang ang isasagot nyong dalawa okay?"sabi ng lalaki kaya tumango na lang ako.
"You. Ms. Alliana Mendoza.. Will you take Mr. Larry Ed Morales as your beloved husband ....??"tanong ng lalaki
Nagtaka ako teka meron bang ganun??nasa sitwasyon kaming ganito tapos yan pa ang itatanong ng
lalaking yan??
"Hindi mo ba napapansin na nasa ganitong sitwasyon na kami tapos-----"
"O-oo"sagot ko... huhuhu..
Ang ganda kasi, ang date ng marriage ko at death anniversary ko ay iisa huhuhuhuhu...
"You Mr. Larry Ed Morales will you take Ms. Alliana Mendoza as your beloved wife?? "tanong ulit nya
"Oo"sagot ni Larry
"I now pronounce you as husband and wife..." sabi nung lalaki
Imbis na matuwa ako ay napaiyak ako huhuhuhu.. mamatay na ako
May pinapirmahan samen... maya maya
Naramdaman ko na lang na tumahimik na ang paligid at natanggal na ang piring sa mga mata ko pero di pa rin ako dumidilat ... huhuhu ayokong makita kung pano nila kami papatayin huhuu...
"Hey dumilat ka na wala na sila.."narinig kong sabi ni Larry
Kaya dumilat ako at saktong pagkadilat ko.. wala na nga sila...
At kaming dalawa na lang ang nandito...
"Teka lang wala na sila?? whoo. Akala ko matutuluyan na ako dun ah.. huhuhu akala ko mamatay na ako.. mabuti na lang at di pa.."sabi ko
"Its alright"sagot nya
Kaya hinampas ko sya
"alright?! Eh hihimatayin na ako sa.nerbyos tapos alright lang?!!"sigaw ko
"Woah chill ka lang"sabi nya
"Sino ba yung mga yon ha?!!"tanong ko
"Mga tauhan yun ni Kurt"sagot nya
"Ah tauha---- ANO?!! TAUHAN NYA LANG PALA YON?! HA?!!TAPOS PINAGMUKHA MO KONG TANGA!! HINDING HINDI NA AKO MAGPAPAKASAL SAYO---- hhmmmmmpp"
Hindi ko na napagpatuloy yung sasabihin ko kasi bigla bigla na lang nanghahalik
Maya maya bumitaw sya at nagsalita
"I love you Mrs. Morales... dont worry kahit hindi bongga yung kasal.naten ngayon.. papakasalan paren kita ulit.. okay?"sabi nya
Ngumiti ako
"I love you too. Mr. Morales"sabi ko
Hihihihi magasawa na kami...
(Kj's POV)
"Are you excited Caitlyn?"tanong ko sa anak ko...
May program kasi sila ngayon eh... Family Day daw hehehehe.... Teka ilang family day na ba ang napuntahan namen?? Hmmm.. tatlo ata o apat. Ewan.. basta ganun...
"Yes mommy and I'm very proud to show my mommy to them hihihihihi"sabi nya
Bumaling naman ako sa isa...
"Eh ikaw Chad excited ka na ba??"tanong ko..
Pero sumimangot lang sya.. Sinusumpong ata ang baby ko ah...
"I'm not excited tch.. its just like doing some stupid things, and i don't want that, I want to read and write"sabi nya.. Di ko pa pala nasasabi sa inyo hehehe.. Bookworm tong si Chad. Ewan ko ba kung kanino nagmana tong batang to.. hahaha
Hindi namna ako palabasa pati na rin si kurt hindi rin naman palabasa yun eh...
"Bakit naman?? Eh masaya kaya yun.. at tsaka ayaw mo ba kaming makasama ha?"tanong ko
Nagiba yung itsura nya
"Its not like that mom.. I just wanted to learn... and Im not fond of those things"sabi nya
Napangiwi na lang ako sa sinagot ng anak ko..
"Chad, you know what Family Day is the best activity in your whole school year.. You know why? Its because you re with your family while playing games and its a very big opportunity for you to take... Kasi maraming bata dyan na nangangarap na makasama yung mga magulang nila sa family day, pero sad to say that their parents are not there to be with them.. And you re very blessed becauss we're here, why dont you enjoy it??" Litanya ni Kurt....
Hehehehe.... ang galing talaga nitong asawa ko magsalita.. kahit di ko maintindihan okay lang basta ba makumbinsi nya lang tong si Chad
"Okay I'll try"sabi nya kaya napangiti ako.... kami
"So lets go.."sabi ni Kurt at sumakay na kami sa kotse...
After 30 minutes nakarating na kami sa school nila
"Oh hello Chad and Caitlyn hehehe.... Im happy youre here. So did you bring youre parents with you?"tanong ng teacher
"Yes teacher"sagot ni Cait
Lumingon sila samen
"Teacher this is our dad and this is our mom"sabi ni Cait
Tiningnan nya kami pero napansin kong napakatagal nang tingin nya sa asawa ko... Teka lang
"Uhm h-hi.. u-uhm hi Mr. Rivera... I'm Jessica their teacher "pagpapakilala nya at inipit ang buhok nya sa tenga at aba hoy nandito yung asawa o...
Aba't gusto ata ng gulo niton babaeng to...
Makikipagshake hands sana sya kay Kurt pero kinuha ko na ang kamay nya... kaya medyo nabigla sya
"Nice meeting you Teacher Jessica so san kami pwedeng umupo ng ASAWA KO"sabi ko at inemphasize ko talaga.. hmmsya na bahala umintsindi
Tinuro nya yung uupuan namen kaya binilin na namen sa kanya ang kambal at umupo na kami sa unahan para mapicturan ko ang dalawa pag nagsalita na sila hihihi...
Pagkatapos ng speech nila dumiretso na sa mga games.. hahahaha sa una ayaw sumali ng mag ama.. syempre sino pa ba edi ang Kurt at Chad hahaha ang mga kill joy ng mga yan
Sobrang saya ng mga games. ... may mga napanalunan kami pero natalo din kami sa iba...nahuli si kurt eh ang kupad kumilos... sira talaga
Maya- maya pinaupo ko muna yung kambal at si kurt sabi ko kasi bibili pa ako ng tubig tapos meryenda nila....
Pero habang naglalakad ako may nalampasan akong lalaki... pero laking gulat ko nang dahil sa sinabi nya
"Kierra"sambit nung lalaki
Teka sino to?!