Artemis POV "Are we going to live with daddy??"excited na tanong ng anak ko.. kaya tumango na lang ako... Naguguluhan ako hindi lang dahil sa mga nangyayari kundi pati na rin sa nararamdaman ko... Pati nga ang setup namin ngayon magulo eh. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko makita ang sarili ko at ang anak ko na makakasama ko sa bahay ang babaeng yon... Yun ang napagusapan kagabi... At nakita na rin ako nung buong M6, lahat sila nagulat at di makapaniwala maliban lang kay Michael na syang nagkwento at nagpatunay na hindi ako patay... Hay ewan ko ba kung saan nila nakuha yung bangkay na ipinacremate nila, yun isa payun, I dont know and i dont have any idea kung sino ang pasimuno nun at alam kong hindi sila Sean ang may gawa non. I know them for how many years at di ko magagawan

