29 - Bisita

1702 Words

29 Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog noong gabing iyon. Binabagabag ako ng lahat ng sinabi niya sa'kin. Bakit? Hindi ba niya naisip si Venus? Ang magiging anak nila? Gulong-gulo ako sa kanya. Naguguluhan ako kasi ramdam ko naman na mabait siya, pero bakit kaya niyang sikmurain ang lokohin ang magiging ina ng anak niya? Hindi naman siguro sira yung pandinig ko noong gabing narinig ko siyang ka video call yung Venus na yun hindi ba? Rinig na rinig ko na pinapauwi niya si Yrony kasi kailangan niya ito dahil buntis siya, kaya bakit? Napasinghab ako dahil talagang naguguluhan na ako at hindi ko na alam ang iisipin ko. Alam ba niya na dakitang cheater ang Yrony na iyon? Na kahit magkakaanak na sila, ginugulo niya ang isip ko? Nakagat ko ang labi ko at muling bumalik sa'kin iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD