24 Nasa balcony kaming lahat at nakalatag na ang mga beer sa lamesa. Marami ring nagmamahaling mga pagkain sa harap na animo'y pinaghandaan talaga nila na mag-iinuman ngayon. "Tara sa kwarto," mahinang bulong ko kay Denver. Gustong-gusto ko na talagang mag yosi kaya kanina ko pa siya kinukulit na pumunta na sa kwarto niya, para roon niya ibigay yung yosi, ramdam ko kasi na takot din itong mahuli siya nh kuya niya. Kung pwede lang na dito na lang, pero alam ko na magagalit si Yrony, pero ano ba kasing pakealam niya kung mag yosi ako? Mukhang alam talaga ni ni Denver kaya kanina pa niya ako sinasabihan na manahimik. "Just drink a beer for now, okay? Mamaya na yun," bulong nito at nagawa pa niyang lumapit para walang ibang makarinig sa sinabi niya. Napasimangot ako. "Hindi ko alam na

