26 Sa pag-aakalang nasa dining area nag lahat ay agad akong tumungo roon, pero halos umawang ang labi ko nang makitang si Yrony lang ang nandoon habang nagluluto. Napasulyap siya sa'kin nang mapansin ako, pero agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Tumalikod ako at plano na lang na pumunta sa labas, pero naramdaman ko na ang paghawak nito sa kamay ko at halos mapapikit nang iharap niya ko sa kanya. Para akong napapasong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko bago lumayo. Umawang ang labi nito sa ginawa ko. Hinuli nito ang tingin ko, pero nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan pagkatapos ng nangyare at pagkatapos kong maalala ang tungkol sa narinig ko. Sinubukan ko ulit umalis, pero hinarangan niya ako. Nanatili akong nakayuko habang nasa harap ko siya. "Do we hav

