22 Azaylie's POV Pagkatapos kong aminin ang nararamdaman ko ay nilampasan niya ako. Napatitig na lang tuloy ako sa harap ko at napabuntong hininga. Pait na napangiti bago sumunod sa paglalakad sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala siyang imik. Pati sa pagkain namin ng umagahan ay tahimik siya. Bigla akong nahiya sa ginawa kong pag-amin sa kanya kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Napatitig na lang ako sa kanya habang seryosong inaayos ang mga target. "Your posture," seryosong sambit nito nang magsimula na kaming dalawa. Sinunod ko siya at inalala ang posturang tinuro niya sa'kin kahapon. May hawak siyang stick at ginamit niya iyon para iangat ang baril na hawak ko para maitutok ng maayos. Masyado siyang seryoso at wala sa isip ko ngayon ay asarin o inisin man siya.

