Chapter 2

2487 Words
Bumaba siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Bumaling siya sa lalaking sumalubong sa amin. “Hindi siya nagpakilala sa akin kaya hindi ko akalain na siya si Prinsesa Thana. Ipagpaumanhin ninyo ang inasal ko at nang aking mga tauhan.” Nakayukong sambit niya. May dumating na kalesa at tumigil sa harapan namin. “Kung ganun ang nangyari prinsipe Devon, mas mabuting kay King Geraldo niyo na lamang ipaliwanag ang nangyari. Ako nga pala si Luke ang namumuno sa mandirigma ng Arezan.” Tugon nito sa kanya at yumuko. Pagkatapos ay lumapit naman siya sa harapan ko at yumuko habang hawak ang kanang dibdib nito. “Prinsesa Thana, lumipat na po kayo sa kalesa upang maihatid na kayo sa inyong silid.” Inilahad ni Prinsipe Devon ang kanyang palad sa akin. Aalalayan niya siguro akong bumaba. Kahit naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari ay sinunod ko siya. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang palad at bumaba ako sa kabayo. Napayakap pa ako sa kanya at nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin din siya sa akin. “Salamat.” Binitawan niya ako at nagtungo na ako sa kalesa. Para akong si Cinderella na ihahatid sa palasyo. Ang kaibahan lang hindi mukhang kalabasa ang sinakyan ko dahil napapalibutan ito ng ginto at pulang rosas hindi rin mukhang mga daga na nagkatawang tao ang nakasakay sa kabayo. Iniisip kong baka nanaginip lang ako. Imposibleng magkaroon ng ganitong mga bagay sa tunay na mundo. Imposibleng magkaroon ng Prinsipe na kasing guwapo ng lalaking yun. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya. “Sana makita pa kita ulit! Babye!” Paalam ko sa kanya. Nagkatinginan silang tatlo dahil naiwan pa doon ang lalaking nagpakilalang si Luke. “Manong saan mo ako dadalhin?” tanong ko sa lalaking nagpapatakbo ng kabayo. Lumingon siya at yumuko. “Sa bulwagan ng inyong palasyo mahal na Prinsesa Thana.” Sagot niya sa akin. Taray ng panaginip ko! May prinsipe may prinsesa may palasyo at may kalesa! Kapag kinuwento ko ito kay Beth siguradong—natigilan ako nang maalala ko ang huling nangyari sa akin sa building. Yung pagtakas ko sa matandang yun. Yung nakakatakot na karanasan na yun at ang pagsilip ng kulay pulang buwan. Panaginip lang kaya ang lahat ng ito? Hindi kaya— tinignan ko ang mga darili kong puno ng dugo. Nasasaktan ako kaya imposibleng panaginip lang ang lahat ng ito. Pero nasaan ako? “Anak!” “Thana!” Napatingin ako sa harapan nang marinig kong bulalas ng mga tao. Saka ko pa lamang napansin ang lalaki at ang babae pati na rin ang mga naka-itim na lalaking kagaya nang sumalubong sa amin kanina. Tumigil ang kalesa at lumapit ang babae sa akin. Sobrang ganda niya para siyang dyosa pero hindi bagay ang itim niyang damit na hangang talampakan sa kanya. “May sugat ka? Sino ang may gawa niyan? Saan ka nangaling?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin na halatang may pag-alala. “Magpatawag kayo nang mangagamot sa palasyo!” Sigaw naman ng lalaking katabi ng babaeng Maganda kanina. Siguro nasa thirty’s lang sila pero ano naman kaya ang kanilang role sa panaginip ko. Inalalayan akong bumaba ng lalaki at hinawakan naman ng babae ang kamay ko. “Mabuti pa maglinis ka muna ng katawan mo tapos saka natin gamutin ang sugat mo.” Wika niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Sobrang bigat na din kasi ng damit ko. Bakit kasi ganito ang suot ko? Namangha ako sa bahay na bumungad sa akin. Wala akong alam pagdating sa mga ganitong bahay pero para siyang antic house or old mansion pero halatang matibay ang bawat detalye nito. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang malawak na pasilyo. Marami ding chandelier kahit umaga naman dito. May kulay itim na kurtina na nakatakip sa mahabang bintana pataas at meron ding malawak at itim na sofa. Pero mas naagaw ng attensyon ko ang mahabang hagdan na napapalibutan ng kulay pulang rosas ang railings nito. “Dalhin niyo siya sa kanyang paliguan.” Utos ng babae sa mga babaeng sumalubong sa amin at yumuko din. Lahat sila ay naka-itim din kahit ang labi nila ay maitim yun siguro ang lipstick na gamit nila. Sumunod ako sa kanila dahil yun ang sabi ng babae. Pagpasok ko pa lamang sa isang malaking kuwarto ay bumungad sa akin ang isang bathub. Pero hindi kagaya ng bathub na nakikita ko sa mga movies. Nasa gitna ito ng kuwarto at parang maliit na swimming pool na kasya lang ang tatlong tao. “Huhubarin na po namin ang damit niyo mahal na prinsesa.” Nakayukong sabi sa akin ng isang babae. “Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Sabi ni Queen Lana kailangan niyo munang maglinis ng katawan.” Seryosong sagot din niya sa akin. “Queen Lana? Siya ba yung kausap ko kanina?” Napatingin silang tatlo sa akin. Bukod kasi sa kanya may dalawa pa kaming kasama dito. Yung isa ay naghahanda ng damit sa harapan at yung isa naman ay naglalagay ng mga talulot ng bulaklak sa bath tub. “Wala po ba kayong naalala?” Sunod-sunod akong umiling sa kanya. Tinangal ko ang tali ng damit ko. “Kaya ko na mag-isa, ewan niyo na lang ako. Hindi naman ako bata na kailangan pang paliguan.” Nakangiting sabi ko sa kanya naguguluhan niya akong tinignan pero sa huli ay nagpaalam sila sa akin at lumabas ng kuwarto. Saka ako lumusong sa tubig at naligo. Ilang minuto din akong nagbabad sa tubig. Pero hindi ko na nararamdaman ang sakit ng sugat ko. Nang kapain ko ito ay wala na akong masalat na sugat. Nakakapagtaka…hindi kaya may healing properties ang tubig na ito? Kanina pa ako nahihiwagaan sa aking panaginip. Pero nag-eenjoy ako dahil may nakilala akong guwapong prinsipe. Sana lang ay matagal muna akong magising para makita ko pa siyang muli. Pagkatapos kong punasan ang sarili ay nagbihis na rin ako ng kulay pulang damit na hinanda nila para sa akin. Hangang talampakan ang haba nito at nakalokang wala silang hinanda na bra kundi isang puting pambaba lang na kung tawagin ay breeches na sinusuot pa noong 1600’s. Nang pagmasdan ko ang kabuohan sa harapan ng salamin ay nagulat ako nang makita ko ang aking sarili. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Wala na ang matabang pisngi ko at napalitan ito ng manipis at mamula-mulang balat. Ang labi ko ay parang galing kay salamat doc sa pagiging pouted. Ang kilay ko ay kasing itim ng uling pero hindi makalat. Sobrang haba din ng eyelashes ko na bumagay sa kulay black na eyeballs ko. Kaninong mukha ito? Namalayan ko na lamang ang pagpasok ng mga babae kanina. “Princess Thana, nasa kuwarto niyo na po ang doctor na titingin sa sugat niyo. Kailangan niyo na rin pong lumabas dahil pinapatawag na po kayo ni Queen Lana sa kanilang bulwagan upang salubingin si Prinsipe Devon.” Napalingon ako sa kanya dahil narinig ko ang pangalang Devon. “Puwede mo ba akong kurutin?” tanong ko na ikinagulat niya. “May nagawa po ako?” Lumuhod silang tatlo sa harapan ko. “Huwag niyo po kaming patayin! Sumusunod lang po kami sa utos. Patawad po!” Nagulat ako sa inasal nilang tatlo na halos isubsob na ang mukha sa sahig. “Anong ginagawa niyo?” Usisa ko sa kanila. Lumapit ako sa babaeng nagsalita at inalalayan ko silang tumayo pero nakayuko pa rin siya. “Hindi ako criminal, masama ang pumatay.” Wika ko sa kanya. “P-po?” “Haist, ang sabi ko dalhin mo na ako sa aking kuwarto kasi baka maligaw ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Pinauna ko siyang lumabas ng paliguan. Hindi pa ako handing gumising sa panaginip ko kaya sasakyan ko muna ang mga nangyayari sa paligid. Lalo pa’t makikita ko ulit ang estrangherong lalaking yun. “May nararamdaman ka pa bang iba bukod sa naging sugat mo, mahal na Prinsesa Thana?” Usisa ng doctor sa akin nang tignan niya ang pulsuhan ko. “Wala na po doc, kusang naghilom ang sugat ko sa dibdib. Baka po may healing yung tubig na pinagliguan ko kanina.” Normal na sagot ko sa kanya. Lumingon siya sa tatlong babae na nasa gilid ng malambot kong kama at sunod-sunod na umiling ang mga ito. “Puwede ko po bang malaman kung ano ang ginagawa niyo sa labas ng palasyo at kung paano kayo nasugatan?” Magalang na tanong niya sa akin. Natigilan ako at nagsimulang mag-isip. Pero kahit anong isip ko wala akong maalala bukod sa pagdilat ko ay nasa harapan ko na ang mga nagdala sa akin dito. “Hindi ko po alam doc…kung wala po akong maalala hindi kaya—nabagok ang ulo ko sa bato tapos nagkaroon ako ng amnesia sa panaginip?” tanong ko sa kanya. “Kakausapin ko muna si King Geraldo at Queen Lana sa kundisyon niyo. Kailangan ko na pong umalis.” Wika niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hindi siguro siya tunay na doctor kaya hindi niya alam kung ano ang mga sinabi ko. Inayos ng mga babae ang buhok ko at nilagyan din ako ng make-up sa mukha. “Kailangan ko pa ba yan? Maganda na naman ako kaya puwede bang hindi na ako maglagay niyan?” Tanong ko sa kanila. “Anak, kailangan mong maging maganda at kaakit-akit sa harapan ng yong mapapangasawa.” Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Yumuko naman sila sa harapan niya. Pero mas nagulat ako nang sabihin nya yun. “Mapapangasawa? Sino? Yung lalaking yun?” “Isa siyang Prinsipe sa kanlurang palasyo. At siya ang nakatakda mong pakasalan. At isa pa, nakita ka niya sa ganung kalagayan kaya nakakahiyang humarap ulit sa kanya na hindi ka maayos tignan.” Wika niya sa akin. Hinayaan ko sila sa nais nilang gawin para hindi na mas humaba ang usapan. Pero habang patungo kami sa sinasabi nilang bulwagan kung nasaan ito ay hindi ko maiwasan na mapa-isip. Paano kung hindi ito panaginip? Paano kung tunay na nalipat ang kaluluwa ko sa babaeng ito? Bumalik sa isipan ko ang nangyari bago ako mahulog sa building. “Sinusumpa ko… sa susunod kong buhay…hindi na ako magiging mahina…bibigyan ko ng katarungan ang lahat ng kalupitan…at pagbabayarin ang mga taong masasama…” Impossibleng nabuhay akong muli… Mabilis akong umilag nang may maramdaman akong muntik nang tumama sa akin. Bumulusok ang mahaba at matalas na patalim sa malaking puno. Lulan kasi kami ng Kalesa dahil nasa kabilang dulo pa daw ng mansion ang pupuntahan namin. Parang bulang mabilis na nagpulasan ang mga lalaking nakaitim na nasa tabi lang namin kanina. Iisang dereksyon ang tinungo nila. Kung saan galing ang patalim. “Palibutan ang prinsesa at si Queen Lana!” Narinig kong singhal ng isang lalaki na naghatid din sa amin. “Anong nangyayari?” Seryosong tanong ng babae sa tabi ko na nakilala kong si Queen Lana. Hindi ko makita sa mukha niya ang pag-alala at nakakapagtaka din na mabilis kong naiwasan yung patalim nang ganun lang!” “May nakapasok na kalaban, may natira pa daw sa lahi ng Brekkas. At nakapasok sila upang maghiganti. Pero huwag po kayong mabahala. Naka-alerto ang lahat ng dracons sa maaring mangyari sa palasyo.” Imporma niya sa akin. Napatingin ako sa mga lalaking sumulpot sa harapan namin. Nilabanan sila ng mga naka-itim na bantay namin. “Anak, huwag kang bababa—Thana!” narinig kong sabi niya sa akin. Nakababa na kasi ako sa kalesa. Hindi ko maintindihan ngunit biglang uminit ang aking pakiramdam. May naamoy akong dugo. Masarap na dugo, mula sa taong may balak na gumawa ng masama sa amin. Nawala ako sa aking sarili. Namalayan ko na lamang na isa-isa na silang bumulagta sa harapan ko. At inuubos ko na ang dugong nagmumula sa kanilang katawan hindi ko binitawan ang huling lalaking napaslang ko hanga’t may masaganang dugo pang lumalabas sa kanyang katawan. “Thana!” Natigil ako at bumalik sa aking sarili. Binitawan ko ang lalaking kanina lang ay sakmal ng mahahaba kong pangil. Napatingin ako sa duguan kong daliri na may mahahabang kuko. Nag-angat ako ng tingin sa mga taong lumapit sa akin. Isa na rito si Prinsipe Devon. Nakita niya…nakita niya kung paano ko pinatay ang lalaking hawak ko. “Thana anak, ayos ka lang ba?” Umiwas ako sa tangkang paghawak sa akin ni Queen Lana. “H-hindi ako si Thana… hindi ko siya pinatay…hindi ko alam kung paano ko nagawa yun…” nangingilid ang luhang sambit ko. Pinagmasdan kong muli ang aking mga kamay at tumingin ulit ako kay Devon. “Hindi…impossible…” “Thana!” Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Pero gusto ko nang lumabas sa panaginip na ito. Hindi ito ang gusto ko! Ayoko nito! Ilang sandali ay tumigil din ako sa pagtakbo nang bumungad sa akin ang mataas na talon ng tubig. Dinig ko pa ang malakas na lagaslas ng tubig at ang pagbagsak nito sa malalim na basin. Umakyat ako sa itaas ng talon nang walang kahirap-hirap. Nilakasan ko ang loob ko hangang makarating ako sa itaas nito. Ito lang ang paraan para magising ako sa panaginip na ito kaya kung paano ako nahulog sa building ganun din ang gagawin ko ngayon! Kailangan ko nang tumalon dahil naririnig ko na ang pagtawag nila. “Jusko! Ibalik niyo ako sa aking mundo. Ibalik niyo ako sa pinagmulan ko!” Walang pagdadalawang isip na nagpatihulog ako sa talon. Sana pagising ko ay nasa katawan ko na ako! Pumikit ako at hinanda ang sarili sa pagbagsak ko sa tubig. Ngunit hindi yun nangyari. Bagkus may naramdaman akong humawak sa akin kaya napadilat ako at bumungad sa akin ang guwapo niyang mukha. Habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Sa bilis nang pangyayari namalayan ko na lamang na buhat na niya ako at nasa ibabaw na kami ng malaking bato. Na-ambunan pa kami ng kaunting tubig mula sa talon. “Bakit mo ako niligtas? Hayaan mo akong mamatay nang sa ganun magising ako sa aking nakakatakot na panaginip.” Wika ko sa kanya. “Nagpunta ako dito para makilala ang babaeng pakakasalan ko. Hindi para makipaglibing sa mga magulang mo.” Sambit niya. “Hindi ako si Thana. Hindi ako ang babaeng yun. Yung ginawa ko kanina hindi ko alam kung anong nangyari…natatakot ako…natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot akong malaman na totoo ang lahat ng ito…” Humihikbing sabi ko sa kanya. “Wala akong paki-alam kung hindi ikaw si Thana, pero tatangalin ko kung ano man ang takot mo.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Siniil niya ako ng halik sa labi, hindi lang siya simpleng halik dahil para niyang inuubos ang natitirang lakas ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. Sa malalim niyang halik na ngayon ay sinasabayan nang taksil na labi ni Thana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD