Kabanata 11

1134 Words
"What?! Napapayag mo si Maeve?!" Napapalo pa si Winston sa mesa nang sabihin ni Levine ang news na iyon. Maging si Caide ay medyo hindi din makapaniwala. Kakaiba talaga ang kaibigan niya ‘pag gusto talaga gagawan ng paraan. Napalakad-lakad si Winston sa harap ng dalawang kaibigan. “Paano mo napapayag ang tigres na ‘yon? Bli-nack-mail mo?” Napailing si Levine sabay ngisi. “No. Wala kayong bilib sa akin? Kahit amazona mapaaamo ko,” proud nitong sambit. Of course, knowing that Maeve was prideful, she takes the bait. “So paano nga?” “I told her na natatakot s’yang mahulog sa akin so we made a bet.” Napaupo siya ng maayos. “Ang unang tao na ma-fall saming dalawa ay talo at gagawin nito ang ipapagawa ng nanalo. Simple as that.” “Simple? Lev, nakataya ang puso mo dito. I think ikaw ang mahuhulog sa sarili mong bitag,” reply ni Caide. Levine chuckles. Paano naman nasabi ng kaibigan niya? Him? Gonna fall first for that amazona woman? Please, hindi gano’n ang tipo n’yang babae. Kaya nga ‘yon ang pinili niya dahil alam n’yang hindi niya ito magugustuhan, oo nakakaakit ito pero hanggang attraction lang ang pagtingin niya. Sino ba naman ang hindi sa ganda at sexy nito, siguradong maaattract ang mga lalaki. “You sure about that, Caide? Gusto mo bang mag-bet din tayo?” suggest niya. “Tss. No, man. We’re just thinking about this possibility.” “Possibility? Ang posibilidad lang ay mananalo ako.” “‘Di mo din sure,” sagot ni Winston. Hindi niya alam kung siya lang ang nakakapansin o pati din si Caide pero parang denial ‘tong kaibigan nila, eh. Ininom ni Levine ang isang can in beer. Tss. Si Maeve ang unang mahuhulog sa kanya. Both of them gonna play with fire. So who is gonna burn first? ----- MMC Planning Department “Guys, may nakita ako.” “Ano na naman ‘yan Jade? Baka nonsense ulit ‘yan. Magtrabaho na lang tayo,” ani ng babaeng sumagot kay Jade. “No! It was about that newbie girl na inilipat for secretary ng Vice President.” Mabilis na nagkumpulan ang mga ito palibot kay Jade. Hot topic talaga si Maeve sa kanila. Newbie pero nakuha bilang sekretarya na mas mataas pa sa kanila. “Ano ‘yon?” “May bad news ba?” Even Daine who is doing some typing focuses her ears on her colleague’s chika. Bad trip siya nitong week dahil hindi niya matyempuhan ang Vice President sa kahit anong floor. Hindi din siya pwedeng pumunta sa office nito dahil ano ba ang gagawin niya doon? Mapapahiya lang siya ‘pag nagkataon. “No. Nadinig ko sa ibang department. Nakita daw na magkasamang umuwi sina Maeve at Vice President noong nakaraang araw.” “‘Yon lang? Baka naman kasi may importante silang lalakarin. Syempre, she’s the secretary so it’s not shocking kung magkasama sila.” “Hindi noh! Magkasama din silang mag-dinner dahil nasundan daw nila ang kotse nito at tumigil sa isang restaurant. So, kailangan magkasabay mag-dinner ang secretary at boss? Sa tingin mo walang namamagitan sa dalawa? And in the first place bakit sila mag-di-dinner na magkasama?” “They are dating?” “More on secretly dating.” Binagsak ni Diane ang stack ng papeles ng malakas sa mesa kaya napatingin ang lahat doon. “Diane?” Pinigilan ni Diane na hindi mainis sa maiingay na ‘to. “Ah… pasensya na. Pagod lang siguro ako kaya bigla kong naibagsak,” anito at ngumiti ng pagod. “You should rest. Gusto mo bang tulungan ka namin?” Unexpectedly, nagtaray si Jade at nagsalita, “Palagi mo na lang siya tinutulungan she can’t even finish some paper works dahil sa ginagawa niyo. Let her do it, may trabaho din naman na naka-assign sa inyo.” Diane narrowed her eyes at Jade. This b***h! Kinakalaban ba siya nito? Who the hell Jade thinks she is? Then, she turned teary eyed like Jade hurted her. “M-may problema ka ba sa akin, Jade? ‘Wag mo silang isama kung galit ka sa akin. Kasalanan ko naman.” Yumuko ito at tumalikod na para ipagpatuloy ang ginagawa but her eyes sharpen and she was gritting her teeth. “Ano ka ba Jade! Huwag mong ganyanin si Diane. Kusa namin s’yang tinutulungan at isa pa napakabait niya.” Jade rolled her eyes. “Ewan ko sa inyo. Pero sa tingin ko talaga nag-de-date si Maeve at Vice, ang swerte talaga ng babaeng ‘yon,” she sighed. “Hmp! Malandi lang ang babaeng ‘yon,” one of them sneered out of jealousy. “Hindi din ‘yan magtatagal. Pinaglalaruan lang ‘yan ni boss. Maeve doesn’t deserve a man like our Vice President.” ----- Dahil nga may nakakita sa dalawa at na-tsismis ito sa kompanya marami ang nag-aabang kung matingnan kung totoo nga ba ito. Maging si Kate ay hindi tinantanan sa tanong na ito at sinasagot niya na lang ay wala s’yang alam. She, too, was shocked to hear the news. She means, si Maeve at ang VP secretly dating, si VP? Mukhang kailangan niya ding kausapin si Maeve kung totoo nga ba ang kumakalat na balita sa kumpanya. Hot topic na naman si Maeve at dadami ang mga babaeng maiinggit dito. Gosh! Maeve was awesome! She was debating inside kung good or bad ba ito sa kaibigan. Kilala kasi ang VP nila bilang flirty baka pinaglalaruan lang nito ang kaibigan niya. But knowing Maeve, baka maisagot pa nito ay, “Two can play a game.” Dali-dali silang nag-ayos at bumalik sa kanya-kanyang pwesto nang marinig na tumunog ang elevator. Then, the topic for their day stepped out with his secretary! Napatulala ang iba. Oh my god! Bagay na bagay ang dalawa parang hindi pang-secretary ang datingan at awra ni Maeve she looks like the wife of their Vice President lalo na’t magkatabi ito. Lumakad paharap ang team leader ng marketing department. “Vice President, may kailangan po ba kayo?” tanong nito na may ngiti. Kailangan magpa-good impression sila dito. “No. I’m just visiting,” sagot ni Levine na nakapamulsa pa. ‘With your secretary?!’ ani sa isip ng mga nasa marketing department. “Ah, you can call me, boss if you have something to ask.” Umatras ang team elader at binigyan sila ng space para maglibot-libot sa floor nila. Napahinga ito ng malalim at napahawak sa dibdib nito. Haaa! Buti at walang problema, lagot ‘pag nagkataon. So their boss was just visiting with his secretary? Ginawang date ang paglalakad-lakad sa loob ng kumpanya? “Okay.” Levine looks back when he notices that Maeve was behind him, walking. “What are you doing there? Come beside me,” ani nito at kinuha ang kamay ng dalaga at naglakad papalayo sa marketing department. Their jaws drop and their eyes widened at the sight! Confirm. The two were dating. Hot topic na naman ito! They quickly fetch their phone and chat with their other friends in different departments. Maraming puso na naman ang nadurog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD