[Kyle POV]
ALARM RINGING~
Ay nako, oras nanaman para tumakbo dahil kailangan bumangon kahit medyo tinatamad at antok pa.
Ako nga pala si Kyle Villaflor 25 years old. Araw-araw ako nagigising ng 5:00 am. Ganito lagi kaaga dahil kasama sa routine ko na mag-jogging palagi. depende sa akin kapag sobrang tinatamad na ay talagang hindi ko magagawa.
Habang palabas ako sa aking kwarto ay naabutan ko si nanay Fel, siya ay matagal na naming kasambahay ni tita.
"Good morning, Nanay Fel," bati ko.
"Ay goodmorning anak ang aga mo nanaman ah," sambit niya.
"Ganon talaga, Nay, baka manaba ako hahaha," tugon ko.
"Ay sus 'wag ka mag alala maganda na katawan mo," pambobola niya.
"Ay nako, Nay, nang bola kapa."
"Hindi ah," sagot niya.
"Sige na, Nay, baba nako, nakita niyo po ba yung sapatos ko? Kanina ko pa po hinahanap hindi ko makita," tanong ko habang palinga-linga sa bawat sulok.
"Ay andon sa baba, nak, sa gilid ng pinto."
"Ayown salamat po," sagot ko.
"Sige na, mag iingat ka."
Si Nanay Fel ay maituturing na mabuting tao. Siya na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata lalo na kapag wala si Tita dahil pumapasok ito sa trabaho. Tamang pasaway lang kung minsan kay Nanay, ngunit hindi naman ako kagaya ng iba na talagang matigas ang ulo.
Pagpunta ko ng kusina ay nakita ko rin si Tita na naghahanda sa pag-alis niya.
"Oh, Kyle, jogging ka na?" tanong ni Tita.
"Opo, Tita," sambit ko.
"Oh sige mag iingat ka ha."
"Opo Tita saglit lang naman po ako tatakbo." nginitian ko ito.
Siya nga pala si Tita Mae, ang nagpalaki sa akin simula nang iluwal ako ni Mama.
Nakakalungkot isiping namatay si Mama sa panganganak sa akin dahil hindi niya nakayanan ang paglabas ko.
Kaya naman siya na ang tumayong ina para sa akin dahil wala na rin pwedeng mag-alaga sa akin. Iyon ang sabi ni Tita. Matagal nang iniwan si Mama ng Tatay ko noong pinagbubuntis pa lang daw ako ay iniwan na raw kami at kapag tinatanong ko kung bakit kami iniwan ang sagot niya'y hindi rin daw nila alam ang rason.
Bukod pa riyan, wala na rin daw sila balita roon simula nang iniwan kami nito. At 'yon ang kwento ko sa likod ng mga nakaraan kaya naman sina Tita na ang tumayong mga magulang ko.
Pagkatapos ng usapan namin ni tita ay hinanap ko agad ang sapatos ko kung saan ako itinuro ni Nanay at andito nga. Pag-suot ko ay agad ko nang binuksan ang gate at lumabas.
Kahahakbang ko pa lamang ay dama ko na ang malamig na simoy ng hangin. Buti na lang ay subdivision itong tinitirahan namin at bibihira lang makakita ng tao lalo sa ganitong oras. Iwas pollution at init.
Habang naglalakad ako pabilis nang pabilis ay inuunat ko ang aking braso at leeg para mas lalong magising hanggang sa sinimulan ko na tumakbo ng dahan-dahan.
Mahigit kumulang apatnapu't minuto lang ang lagi kong tinatakbo paikot-ikot dito sa subdivision araw-araw. Bakit? Dahil ayon sa pag-aaral, nakakatulong daw ito para ma-reduce ang risk sa heart disease. Marami pang ibang benefits ang pagtakbo tulad ng stamina at pagbabawas ng timbang.
Matapos ang halos cuarenta minutong pagtakbo ay naisipan ko nang maglakad para makapag-cooldown ng maayos ang katawan ko sa pagtakbo. Naglalakad ako pabalik sa bahay nang mapansin kong nagwawalis si Sam, isa sa matalik kong kaibigang babae. Magkatapat lang ang tinitirahan namin.
"Uy, Sam, ang sipag ah," sambit ko habang naglalakad papasok ng gate namin.
"Ay nako maganda na sana umaga ko kaso nasira," pagbibiro nito.
"Pagbutihan mo iyan, pangit." pang aasar at tuluyan akong pumasok.
Siya nga pala si Sam dati ko pa siya nakikita dito sa subdivision namin ka-edad ko lang siya.
Sa totoo nga niyan sabay ang birthday namin hahaha, what a coincidence hindi ba? Una ko siyang nakita noong 8 years old ako'y natuto na akong lumabas pero hindi pa kami nagpapansinan. Bata pa ako noong napansin ko na tuwing sasapit ang aking kaarawan ay mayroon din handaan sa kanila.
Tinanong ko si Nanay Fel noon kung ano kaganapan sa bahay na katapat namin at bakit parang may handaan din sa kanila? Ang sagot niya'y pareho raw kami ng kaarawan noong batang babae na si Sam. Hindi ko pa malimutan kung paano ako inaasar ni Nanay Fel at sinabi na baka raw kami ang magkatuluyan.
Hindi rin ako makapaniwala na magiging mag-kaibigan kami ni Sam dahil noong bata pa kami, kapag dinadala kami sa playground kasama ang mga Yaya namin ay hindi naman kami nag papansinan. Naging kaibigan ko siya noong 1'st year college kami, at nagkataon pa na magkaklase kami at parehong walang kakilala.
Nagulat pa ako noong 1'st day namin sa school dahil tinawag niya ako at siya ang nagsabi na tabi raw kaming umupo. Siguro namukhaan niya rin ako kasi lagi kami nagkakatinginan sa subdivision 'pag nagwawalis siya. Hanggang sa sabay umuwi tapos sabay na rin pumapasok.
Nagulat pa nga si Nanay Fel noong naikwento ko sa kanya. Hanggang sa 2'nd, 3'rd and 4'th year college ay sabay kami palagi mag-enroll. Walang palya ang pagsasama namin bilang magkaibigan dahil kada semester or year ay nagiging mag kaklase talaga kami hanggang mag-graduate kami ng college. Nakapag tapos kami parehas sa kursong Bachelor of Science in Information and Technology at iyon ang kwento namin.
Pag sarado ko ng gate ay na-abutan ko si nanay Fel na nagdidilig ng halaman.
"Nanay, Fel, umalis na po ba si Tita?" tanong ko.
"Ay oo, anak, kanina pa," sagot niya.
"Ay sige po, Nay, maliligo lang po," sagot ko.
"Sige, anak, nag-luto na ako nang makakain mo roon," sambit niya.
"Ay salamat po." sabay ngiti kay Nanay.
Alam na alam na ni Nanay kung ano ginagawa ko araw-araw kaya bago ko pa magawa ang ibang bagay ay inuunahan na niya ako.
Pagkatapos ko na hubarin ang sapatos ko ay itinabi ko ito kung saan itinabi ni Nanay para hindi ko malimutan. Akmang aakyat na ako nang biglang sumulpot si Nanay Fel.
"Onga pala, nak, tumawag ang tita mo at pinaaabot sa 'yo ito." isang short brown envelope ang inabot niya sa 'kin. Agad ko itong binuksan at doon ay tumambad ang mga mahahalagang papeles at dokumento.
Aggreement paper
Hindi ko pa man binabasa ay alam ko na.
"Alam mo na ba ang gagawin mo riyan, anak?" tanong ni Nanay Fel.
Agad naman akong tumango. "Salamat, nay. Ako na po bahala rito."
Ang mga papeles na ito ay para sa kasunduan namin ni Manager Sergio tungkol sa pag-sponsor ko sa clothing business niya at kailangan ko na itong pirmahan bago ipasa kay Tita. And yes, lahat ng perang nalikom ko noon sa pagtitinda ng damit habang nag-aaral ay ipinahiram ko sa kaniya.
Si Manager Sergio ay kakilala ni Tita at noong panahon wala akong mapaggamitan ng pera ay sakto namang walang pondo ang kumpanya ni Sergio. Sa bandang huli ay nagkaroon kami ng kasunduan na palalaguin niya ang pera ko in jus 5 months, kapag wala pa ring progress ay ititigil na niya ang clothing business.
Iyon din ang rason kung bakit wala akong work dahil suhestiyon ni Tita na ilaan ang limang buwan ko sa pagpapahinga at pagpaplano since may magpakukunan ako.
Matapos ang ilang miutong pag-iisip ay naisipan ko nang umakyat at pumasok sa kwarto para kumuha ng towel at pamalit ko. Hanggang sa ako'y naligo na.
Nang matapos ako maligo ay pumunta na ako sa kusina para kumain at andito na rin si Nanay Fel. Ito kasing bahay na ito ang laki-laki pero tatlo lang kaming nakatira kaya kami lang lagi ni Nanay Fel ang andito.
Boring talaga dito sa bahay lalo kapag wala akong ginagawa. Bigla ko naisipan na puntahan si Sam tutal wala naman ako ginagawa rito sa bahay.
"Uy, Sam, aga mo nagising ah," sambit ko.
"Sino kaya sa atin ang maaga nagising?" sagot niya.
"Araw-araw naman ako ganito hindi kapa nasanay. Siya nga pala, lumabas na ba si Jake?ang alam ko gantong oras nilalabas niya aso niya," tugon ko.
"Hindi ko napansin. Ay ayan pala oh," pagtuturo niya.
Pag lingon ko ay si Jake nga kasama ang aso niya na inilalakad niya tuwing umaga.
"Morning tol. Oy ikaw, Sam, aga mo ngayon ah," bungad nito sa 'min.
Si Jake nga pala ay kaibigan din namin ni Sam. Kung mapapansin ay magkatatabing-bahay lang kaming tatlo at lagi magkakasama lalo kapag may gala.
Ito naman si Jake ay gawain talaga na ilabas ang aso niya sa ganitong oras.
Gusto ko rin mag-alaga ng aso kagaya ng kanya, ang kaso lang ay mahirap alagaan ang Siberian husky at saka tingin ko hindi ko rin kaya alagaan.
"Oo nga sabi sayo, Sam, kala mo ako lang naka pansin," sambit ko.
"Tigil-tigilan niyo ako," sagot niya.
"Uy, Kyle, napansin mo yung sasakyan na 'yon? Kanina pa 'yon parang 'di naman taga-dito 'yan," puna ni Jake.
Agad din kaming tumingin ni Sam kung na saan ang sasakyan.
"Onga no, ngayon ko lang napansin wala pa 'yan kanina." pinakatitigan ko ito.
"Ay kaninang pag pasok mo, Kyle, bigla dumaan 'yan pero di ko pinansin. Kanina pa nga pabalik-balik yan parang naliligaw," sagot ni Sam.
"Baka naman may dadalawin lang," sambit ni Jake.
"Ay ayan na. Mukhang dito ata hihinto 'yan at baka mag tanong," sambit ni Sam. Hindi nga siya nagkamali dahil huminto ang sasakyan sa harap ni Jake.
Sa sandaling bumaba ang bintana ng kotse ay agad tumambad ang isang babaeng tisay ang kutis ngunit sa itsura ay kaagad mapupuna na isa siyang Filipina.
Nang magtama ang mata namin ay bigla na lang akong napatitig, itim ang mata nito at makapal ang kilay. But there is something undescribable in her eyes. Natauhan na lang ako nang magsalita siya bigla.
"Ay good morning po, mag tatanong lang po kung saan dito 'yong bahay ni Kyle Villaflor or ni Mae Villaflor? Kanina pa po kasi ako naghahanap ang sabi ng guard taga-rito raw sila sa, Block 23."
Napatingin sa 'kin sina Jake at Sam. Ako at si Tita ang pangalang binanggit niya. Gayunpaman ay halata sa mukha nito ang pagkadismaya, siguro'y mula kanina ay nag hahanap hanap na siya.
"Bakit niyo po sila hinahanap?" pagtataka ko.
Nagulat kaming tatlo, bakit alam niya ang pangalan ko at saka si Tita? Paniguradong magkakilala sila. Ngunit, ano naman kaya ang rason?