“Kailangan ba talagang umabot sa ganyan, Uno?!” Nailayo ni Uno ang kaniyang cellphone mula sa tainga niya. Kausap niya si Dos na panay ang tawag sa kaniya dahil sa bigla na lamang niyang pagkawala. Sinabi na niya dito ang ginawa niya kaya naman galit na galit ito mula sa kabilang linya. “Ano bang dapat kong gawin?” walang emosyong tanong niya sa kakambal. “Simple, niligawan mo na lang sana siya. Hindi iyon kailangan mo pa siyang kidnap-in,” sagot naman ni Dos sa kaniya. Napabuntong hininga si Uno. “Alam mo namang hindi ako marunong manligaw, hindi ba?” kaswal na sambit naman niya. Never pa siyang nanligaw. Hindi rin siya ganoon ka-showy kaya nga nasayang ang apat na taon sapagkat mahirap mang aminin, ngunit natotorpe siya pagdating kay Isabela. “D*mn Uno! Makakasuhan ka sa ginagawa m

