Biglang napabangon si Isabela nang maalimpungatan siya. Napahawak pa siya sa kaniyang ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. Muli siyang napahiga at napapikit habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi na kasi niya maalala kung paano siya nakabalik sa kwarto niya. "Dinalhan kita ng lomi at pain reliever." Napakagat siya sa kaniyang labi nang marinig ang seryoso at malamig na boses ni Uno. Mas pinili na lamang niyang huwag magmulat ng mata dahil mas lalo lamang nadadagdagan ang kirot ng ulo niya kapag ginawa iyon. "May get together kami ng highschool batch. It's up to you kung gusto mong sumama o dito ka na lang. Sinabihan na kita dahil baka kung ano na naman ang sabihin mo sa akin," dugtong na sabi pa ng binata. Napalunok si Isabela nang tuluyan na niyang maalala ang disk

