Maagang nagising si Uno sapagkat maaga siyang pinatawag ng kaniyang mga magulang. Hindi na siya nagtataka doon sapagkat alam niyang sinabi na ni Azel ang sinabi nito sa kapatid niyang si Fyra. Wala na rin naman siyang gana pang tumutol sa mangyayaring engagement sapagkat nawalan na siya ng gana na ipaglaban pa ang sariling kalayaan. Bago siya lumabas ng kaniyang kwarto ay napatingin pa siya sa kaniyang relo. Alas sais na ng umaga at sa mga oras na ito ay paniguradong paalis na si Isabela. Ganitong oras kasi ang usapan na ihahatid siya ng isa nilang staff sa port kung saan ito sasakay ng barko pabalik ng Manila. Wala na siyang balak pang magpakita sa dalaga, at kakausapin na lamang niya ito sa oras na makabalik na rin siya ng Manila. Kailangan na lamang niyang tanggapin na wala na siyang

