Isang maalinsangang init ng hangin ang bumungad kay Isabela nang makalabas siya ng airport. Wala pa rin yatang ipinagbago ang Pilipinas kahit na apat na taon na ang lumipas. Ganoon pa rin ang klima at simoy ng hangin. Bitbit ang dalawang maleta ay naglakad siya palabas upang hanapin ang sinasabi ng kaniyang Tiya Crista na susundo sa kaniya. Nang makilala niya kung sino ang susundo sa kaniya ay hindi niya napigilan ang mapangiti. Agad siyang lumapit doon at mahigpit na niyakap. “Mateo, kumusta ka na?” masiglang tanong niya sa binata. Si Mateo ang kapitbahay niya dati at halos kasabay niyang lumaki noon. Pinagkakatiwalaan na ito ng kaniyang ama sapagkat ito na rin ang kanang kamay ni Mr. Zaavedra sa Pilipinas. Marami pa rin kasing business ang kaniyang ama sa Pilipinas kaya kinailangan ni

