Chapter 3

1063 Words
Nang maka ahon ako ay kaagad silang lumapit at iniabot ang tuwalya, hindi ko pa din alam kung nasan na si Kuya. Pinaupo nila ako sa gilid habang abala sila sa kung anong bagay, yung iba ay may tinatawagan na kung sino at pinapabalik na ang mga ito. "Ah..... Nasaan po si Kuya Ridge? " tanong ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng kinakaupuan ko. "Naku Ma'am! kanina ka pa po kasi hinahanap ni Sir, nauna po siyang umahon at ng malaman na hindi ka umaahon ay mabilis siyang bumalik sa ilalim" What?! Nasa tubig pa din si Kuya?!!! "Ang problema po namin ay hindi po siya nagpalit ng tanke, kanina pa po tapos ang thirty minutes at hindi pa po naahon si Sir Ridge" sabi pa ng isa sa kanila. Shit! "Kuya can you give me another tank of oxygen? " tanong ko pero umiling lang ang ito. "Pasensya na Ma'am ang bilin po kasi ni Sir wag kayong pababain ulit pagnaka ahon na kayo" "But I need to save my brother! kanina pa tapos ang thirty minutes pero wala pa din siya! Don't tell me to wait here if he shows up or not! " inis kong sigaw sa kanila pero wala pa ding nagbigay sakin ng tank kaya napilitan akong kunin ang luma kong tank. "Ma'am -" naputol ang pagsigaw nila ng may biglang umahon sa harap namin. "Kuya! " kaagad akong lumapit sa kanya at binigay ang tuwalya na nasa balikat ko pero di niya yun tinanggap. "I don't need that " malamig niyang turan bago ako talikuran at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng yacht. Kita ang awa sa mata ng mga taong nakapaligid samin di ko alam kung para sakin ba o kay Kuya dahil bumalik ulit siya sa dagat para hanapin ako. I tried smiling at them para hindi naman mahalata ang pagkapahiya ko sa hindi pagtanggap ni kuya sa towel na binigay ko sa kanya. Hindi ko na ulit nakitang lumabas si kuya sa kwartong pinasukan niya kanina kaya pumasok na din ako sa kwarto na nakalaan para sakin pabalik na kami sa dalampasigan. Kahit nang makabalik na kami sa cottage ay hindi pa din kumikibo si kuya kaya mas lalo akong naguilty sa ginawa ko dapat pala di ko na dinala ang camera na yun para di na ako natuksong kumuha ng mga pictures. "Are you okay? Kanina pa kayo hindi kumikibo? " I almost forgot na kasama pala namin sila Mom and Dad ngayong dinner. "We're fine Mom napagod lang sa diving kanina " sasagot na sana kaso nauna si Kuya kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkain at bumuntong hininga. "Pang sampung buntong hininga mo na yan anak may problema ba bunso? " si Daddy. "Ah... None Dad" mahina kong usal habang nakatingin kay kuya na abala sa pagkain. "By the way we will be going home tonight dahil may meeting kami out of the country so kayo muna maiiwan sa bahay and if you need something don't hesitate to call us okay? Ridge? " Mom said while looking at us. He nodded "Yeah " "And Reese? " Tumango lang ako at nagpaalam ng mag aayos na ng mga gamit I can't stand him! Naguguilty ako lalo pag nakikita kong galit si Kuya! Damn lalo siyang gumagwapo pag galit. Those eyebrows na laging magkasubong pag naiinis o nagagalit sakin, Those eyes na lagi akong sinasamaan ng tingin pag may nagawa akong kalokohan at nahuli niya ako. Those lips f**k! I need to get out of here bago pa tuluyang malason ang utak ko ng kung ano ano! Bumalik ulit ako sa cottage ko at nag ayos na ng gamit. Hindi madami ang dinala kong gamit kaya mabilis kong naibalik ang mga yun sa maleta ko. Nagbihis na din ako bag luamabas ng cottage na ginagamit ko. When Mang Tony saw me walking towards our car ay mabilis niyang kinuha ang maletang dala dala ko. Wala pa sila sa sasakyan kaya nag antay pa ako ng ilang segundo bago kami umalis. Inabala ko ang sarili sa pagtingin at pagkalikot sa phone ko. Kahit anong laro na ang ginawa ko habang nag aantay sila. Nang makita ko silang papunta na sa sasakyan ay itinago ko na ang phone ko sa bag. Walang imikan ulit kami ni Kuya Ridge mukhang mahihirapan akong sumuyo sa kanya. I don't mean to stay longer in that freaking ocean, sadyang nagandahan lang talaga ako sa corals kaya medyo natagalan ang pag ahon ko. Nagkunwari akong tulog sa biyahe at dahan dahang hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Wala naman akong narinig na kahit anong reklamo kaya nag stay muna ako sa balikat niya. "Sorry na please " malambing kong bulong sa kanya. Inangat ko ang ulo ko para makita ang itsura na. Naka kunot noo niya lang akong tinitigan saka tinulak ang mukha ko sa balikat niya. Bad! "Sleep I'll wake you up when we arrive" Sinunod ko ang sinabi niya nakaramdam din kasi ako ng pagod sa pag dive kanina kaya mabilis akong kinain ng antok. "Hoy! Gising na aba nilalawayan mo na ang balikat ko! The fvck? Are you fvcking kid para mag laway habang tulog?! " dinig kong sabi ni kuya bago maramdaman ang malakas na pag untog ko sa bintana ng sasakyan. Fuck! That hurts! "Aray! Dahan dahan naman sa pag gising sakin! Anong akala mo sa ulo ko bato ha?! " sigaw ko sa kanya habang hawak ang ulo ko na sumasakit. Piste ka kuya! Madapa ka sana mamaya o kaya naman mahulog ka sana sa hagdan ay sakin na lang pala, mahulog ka sana sakin! Kaming dalawa na lang ni kuya ang umuwi dahil nag paiwan daw sila Mom and Dad kanina sa Airport at dederetso na sa meeting nila out of the country. "Yaya palagay na lang po ng gamit ko sa kwarto ako na mag aayos niyan" "Yes ma'am " Dumiretso na ako sa kwarto at naligo bago mapagpasyahang magpahinga. Bukas ko na lang guguluhin si Yna sa mga school works namin. Dala ata ng sobrang pagod kaya mabilis akong nakatulog nagising lang ako ng tawagin ako ni Manang para sa dinner pero umakyat ulit ako ng kwarto pagkatapos kumain para ipagpatuloy ang pagpapahinga ko. Si kuya naman daw ay kanina pa nasa study room at hindi pa daw lumalabas sa study room simula kanina, baka may tinatapos na project.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD