Chapter Ten
Heir
Malapit ng matapos ang klase namin sa humanities pero imbes na ma-stress ay naging masaya ang araw na ito dahil sa kwela at magaling naming Professor na si Ms. Mendoza.
Lahat kami ay masayang nagtatawanan sa buong klase pero ni isang ngiti ay hindi ko nakita sa mukha ni Escarcega. He just sit there facing the board with his poker handsome face.
Masaya kaya sa mundo niya? Parang ang lawak lawak kasi at ang layo ng nasa isip niya. Ano nga kayang iniisip niya?
Napaigtad ako ng makita ang paglingon niya sa'kin. He scowls at me. Pero imbes na tarayan ko siya ay isang matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya. Napataas pa ang isang kilay nito dahil sa ginawa ko.
"Weirdo." He utter while shaking his head.
"I know." Consistent parin ang ngiting sabi ko.
What's with me today? Pakiramdam ko ay hindi na ako natatakot sa kanya. Teka, bakit ko ba kailangang matakot? Hindi naman siya multo.
"Okay class, just review for tomorrow's recitation. Review review din kapag may time." Konyong sabi ni Ms. Mendoza habang inaayos ang mga gamit niya.
Tapos na ang klase at as usual, mabilis na lumabas ang katabi ko para pumunta sa lungga niya.
"Huy Bea!" Nilingon ko ang tumawag sa aking pangalan at doon nakita ko si Gabriel.
"San ka pupunta? Don't tell me..."
"Oo Gab, I need to talk to him. I need to go to the rooftop now!" Nagmamadaling sabi ko saka siya tinalikuran.
"Hep! Hep!" Maagap ang kamay na pigil nito sa'kin.
"Why?! I need to g-"
"Rooftop?! No Bea!" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito.
"You can't go there!" Halos pinagtitinginan na kami ng mga studyante sa paligid dahil sa napalakas na boses nito.
Bakit ba ang weird niya? Eh pupuntahan ko lang naman si Escarcega? I need to apologize to him.
"And why? I'll talk to you later Gab okay? sige na baka hindi ko siya maabutan don!" Hinaklit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sinundan parin ako nito.
"You can't go there! It's Seve's Rooftop! Walang ibang pwedeng pumunta dun kung hindi siya at mga kaibigan niya lang Bea!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito.
Paanong naging kanya ang rooftop ng building one? Gusto kong sumagot pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.
"It's in our handbook. Oh gosh don't tell me hindi mo pa nabasa?" Hinila ako ni Gab papunta sa isang sulok para doon kausapin.
I opened my bag para kunin ang makapal na pulang handbook na naglalaman ng lahat ng kailangan mong sundin at malaman tungkol sa Campbell.
"Page 399." Turo ni Gab.
Mabilis kong binuklat 'yon at tinungo ang pahinang sinabi niya.
"All rooftop's are strictly prohibited. It's owned by the CEO's Heir Sebastien Fraser Escarcega..." Blah blah blah!
Mabilis ang mga mata kong pinasadahan ang mga nakasulat doon at binabasa lang ang mga importante.
"Anyone who will be caught will be suspended or expelled." Malinaw na pagpapatuloy ko.
I feel like my tongue was cut off after reading the handbook! Expelled?! CEO? Pakiramdam ko ay nahihilo na ako!
Bakit nga ba ngayon ko lang naisipang buklatin ang handbook na ito? Akala ko ay ang page 1-50 lang ang rules sa librong 'to pero marami pa pala akong hindi nakita.
"So you mean..." Natotoreteng tanong ko kay Gabriel.
"Yes, they own Campbell International University Bea and many more!" Parang nalaglag ang panga ko sa sahig dahil sa sinabi ni Gab. Like literally!
Am I dreaming?
Paano ko makakausap si Escarcega ngayon? Ang anak ng may-ari at tagapagmana ng lugar na kinatatayuan ko?
Parang biglang naging mas malayo ang mundo namin. Talagang malayong malayo. Mala ibang universe na!
Lutang ang kaisipang sumama ako kay Gab. Wala na akong nagawa kung hindi ang samahan siyang pumunta sa cafeteria at kumain.
Sa loob ng pananatili ko sa Campbell ay talagang si Gab lang ang palagi kong kasama.
Nagkita kami sa cafeteria ng building three noong ipinagtanggol ko siya sa mga bastos na lalaking tennis player.
They were making fun of him. His weight exactly. May katabaan kasi si Gabriel but that doesn't give them the ticket to insult him.
Halos maluha na siya no'n kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong sawayin ang mga nambu-bully sa kan'ya. Naubos ang lahat ng english na natitira sa pagkatao ko, maipagtanggol ko lang siya.
Sa totoo lang gwapo naman itong si Gabriel. Kahit na mataba siya ay umaangat parin ang kagwapuhan niya. Palibhasa kasi ay may lahing German.
He has a clean cut hair na bagay na bagay sa cute niyang mukha. His skin is fair that really suits him. His eyes were blue and wide finished with a thick long lashes.
Kaya lang hindi kami talo.
"Bea." Napahawak pa si Gab sa kamay ko at saka itinuro ang kung sino sa likuran ko.
There he is, slaying his Campbell uniform like an Adonis!
Ngayon ko lang siya nakita dito sa baba ng Campus. Kung hindi kasi sa rooftop at classroom ay wala ng ibang lugar para magkita kami.
Wait... is he...
Sebastien dropped a brown rectangle shaped box on our table and just walked towards the cafeteria's exit.
Naiwan kaming nakatulala ni Gabriel sa pintuang nilabasan ni Sebastien. Humalukipkip ako. What was just happened? Napatingin ako sa brown na box na inilapag nito sa lamesa namin.
"Michel Cluizel!" Manghang sabi ng kaharap kong si Gab.
Yes, it's a chocolate.
"Chocolate? For what?" Takang tanong ko.
"Chocolate yes. But this is not just your ordinary chocolate Bea. It's one of the most expensive chocolate in the world! And for what? I don't know! " Sinipat ni Gab ang chocolate.
Bakit naman ako bibigyan ni Escarcega nito? Namalikmata ba siya? Baka nagkamali lang siya.
Mabilis kong kinuha ang chocolateng hawak ni Gabriel at agad na lumabas sa lugar na 'yon.
I need to bring this back to him! At alam ko kung nasaan siya ngayon.
I don't care kung ma expelled ako. Wala na akong pakialam. Dali-dali kong tinahak ang daan papunta sa elevator na patungo naman sa rooftop. Ilang saglit pa ay narating ko rin 'yon. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang mabigat na pintuang nasa harapan ko.
Unang hakbang ko palang sa rooftop ay nakita ko na siyang nakaharap sa malawak na tanawin ng Campbell.
"Escarcega." Tawag ko sa kanya. Napalingon ito pero agad ding bumalik ang tingin sa school ground.
Naglakad ako papalapit sa kanya pero hindi ako gaanong lumapit sa kanya. May nasa tatlong dipa ang layo ko rito.
"Para saan 'to?" Matapang na tanong ko.
"You're so brave para bumalik pa rito." His tone was straightforward.
Fuck! Mae-expel na talaga ako this time! Ang kulit mo Beatrice! Sigaw ng utak ko.
"I... I just want to give this back to you." Nauutal na sabi ko.
Napahakbang ako pabalik ng humarap ito sa'kin. He put his hands inside his pockets saka ako tinignan from head to toe.
"Why would you give it back to me? It's yours." Ma-otoridad niyang sabi.
"For what?" Tanong ko rito. Nag-iwas ito ng tingin sa'kin.
"Para saan 'tong chocolateng 'to Mr.Escarcega? Can you just give me a reason bago man lang ako ma-expel dito sa Campbell?" Imbes na sagutin ako ay isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Damn! He looks hot with that smirk! Ngayon ko lang nakitang umarko ng ganun ang labi niya.
Lumakas ang t***k ng puso ko ng makitang papalit ito sa'kin. Nang marating niya ang pwesto ko ay maingat niyang hinawakan ang kamay ko. Yung kamay kong nagkaroon ng bruise dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak.
He lift my sleeves up to see my bruises. Kakaibang kilabot ang naramdaman ko ng marahang hawakan ni Sebastien ang pasa doon. Imbes na bawiin ko ang kamay ko ay hinayaan ko lang ito. Pakiramdam ko ay nagiging estatwa na ako sa harapan ng gwapong adonis na ito.
"You should put more ice in here." Napatitig ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatitig din sa'kin.
Fuck! I should've done that! Sa ginawa ko kasi ay mas lalo lang tumibok ang puso ko.
Siya ba talaga ang nasa harapan ko? Para akong natatangay sa mga mata niya. I felt like I was into his world.
Nagising lang ako sa mga imahinasyon ko ng tumikhim ito. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Kaya ko na. Gagaling din 'to. I get bruises all the time." Nagsalubong ang kilay nito dahil sa sinabi ko.
"So the chocolates?" Pag-iiba ko ng usapan.
"It was part of my apology." Iwas tinging sabi niya.
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Sebastien. So talaga palang para sa'kin ang mga ito at seryoso ang paghingi niya ng sorry kagabi. Pero ang sabi ni Gab ay mahal ang ganitong klaseng chocolate? I must research on this later.
"But you don't have to, your sorry is enough." Sabi ko sabay abot sa kanya pabalik ng hawak ko.
Imbes na abutin iyon ay tinalikuran na ako nito at naglakad papunta sa isang mahabang couch sa kaliwang bahagi ng rooftop.
"Seve!" Tawag at habol ko sa kanya.
Napahinto siya dahil sa sinabi ko. Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa'kin ng muli siyang humarap.
"What did you just call me?"
"S-seve?" Nauutal na pag-uulit ko.
"Only my friends can call me that." Masungit niyang sabi.
"I'm sorry Sebastien and I'm sorry for following you here. It's all my fault kaya ka nagalit. And I swear, hindi ko alam na bawal ang ibang studyante dito. Hindi ko nabasa ng buo ang handbook"
"Rule number ten, you should read the entire handbook before the start of your first day here." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
Napakagat labi nalang ako.
Wala pa sa kalahati ang eskwela pero ang dami dami ko ng naviolate na rules.
"I-i'm sorry! At kung ma-eexpel man ako ay tatanggapin ko." Putol putol na sabi ko sa kanya.
Tears started to run down my face when I realize the consequences of my actions.
Ayokong ma-expelled. I worked so hard para lang makapasok dito. Hindi ko kayang mawala nalang ang lahat ng ito dahil sa pagiging reckless ko. I don't want to disappoint my family. Lalo na si Papa. He worked hard for this too.
Napatigil lang ako sa paghikbi ng marinig ko ang mapanuksong tawa ni Sebastien.
Parang batang pupungas pungas ang hitsura ko.
Why the hell he's laughing! Hello? Totoong luha ang mga 'to! Siguro nga ay masaya siyang mawawala na ako sa eskwelahang 'to.
"Akala ko ba matapang ka? You faced my anger and sneak into my place twice. Don't you think it's too late for a punishment? Fix yourself and go home." That was the last words that came out of his mouth before entering the lavish door.
Mabilis kong inayos ang sarili ko. Pinunasan ang mga luha ko. Where is he?
So... hindi ako ma-eexpel? Anong ibig niyang sabihin?
Do I need to thank him this time?