CALISSA
"Sa amin na kayo sumabay, Ven," rinig ko mula sa isang bampira na dumating kanina mula sa labas ng kotse. Mag-isa lang ako sa sasakyan habang hinihintay sila matapos sa kanilang pag-uusap. Nakarating na kaya sa mansyon ng Federlean si Ama? Ganoon ba kaimportante ang kaniyang pinuntahan upang hindi ako isabay sa kaniya? I rarely venture outside the mansion, and this would have been the first time I could have accompanied him to an occasion, pero mas pinili pa rin niyang umalis.
Hindi ko alam ang dahilan pero malayo ang loob sa akin ni Ama. Noon akala ko'y abala lamang siya sa kaniyang trabaho kaya't hindi niya ako mabigyan ng oras o kahit kumain lang kami nang sabay sa hapag, However, as time passed, his demeanor and attitude towards me remained constant. Pakiramdam ko'y gumawa si Ama ng malaking pader na itong naging dahilan para mas mapalayo kami sa isa't-isa. May pagkakataon na kailangan ko ang aruga ng isang Ama pero kailan man ay hindi niya ipinaramdam sa akin 'yon. May inuutusan siyang mga bampira na bantayan ako pero hindi ito sapat para sa akin dahil ang presensya niya ang gusto kong maramdaman.
He fulfilled his responsibilities as a father, kahit hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya. Natuto akong maging kuntento sa maliliit na bagay na kaya at hindi niya kayang iparamdam. Mahal ko siya bilang Ama kaya kahit hindi ko malaman ang kaniyang rason ay naiintindihan ko siya.
"Lady," I snapped back to reality upon hearing Morven's voice. Minulat ko ang mata at tiningnan siya, nakatayo siya sa aking gilid habang hawak ang pinto ng kotse. Dumungaw ang isang bampira sa loob ng kotse kaya nagkatinginan kami.
"So this is your type, Ven!" the vampire exclaimed, glancing teasingly at Morven. Walang gana naman siyang tiningnan ni Morven at tinulak lang ito paalis at muling humarap sa akin.
Morven extended his hand to assist me in getting out of the car. Hindi ko ito inabot at bahagya lang siyang nginitian. Pumunta si Morven sa unang sasakyan namin at kinuha doon ang clutch purse bag ko.
"Where are the Rogues?" I whispered to myself as I noticed that the Rogues were nowhere to be found.
"Hinayaan na namin. Hindi naman sila makakatakas dito dahil malapit na ang teritoryo ng mga Federlean," the vampire who spoke earlier in the passenger seat of their car approached me. He was wearing a cape, with a long-sleeved black polo underneath, paired with trousers as his lower attire. His hair was impeccably styled, and his eyes had a captivating shade of brown. Ang una mong mapapansin sa kaniya ay ang ngisi niyang hindi ata natatanggal sa kaniyang labi.
"I'm Silas, my Lady," nilagay niya ang isang kamay sa dibdib and slightly bowed his head. Nang iangat niya ang tingin sa akin, he stared into my eyes for a few seconds before averting his gaze. Silas walked towards their car and took a seat in the passenger side. Nang makalapit si Morven sa akin ay pumunta na rin kami sa sasakyan nila.
"Saan ako?" Morwena suddenly asked. Napatingin ako sa loob ng kotse and realized that it was only a four-seater, kaya wala na siyang puwedeng upuan.
"You can sit in my lap, if you want," Silas suggested. He chuckled softly when Morwena didn't respond to him. Morven reached for the backseat door and opened it.
"Back off, Silas. Doon ka na sa second vehicle, Morwena," Morven instructed, pointing to the vehicle Morwena was initially in. Nasa driver seat na ang natirang bampira. Apat kanina ang kasama namin na ngayo'y naging isa na lang. Hindi ko na tiningnan ang mga kasama naming bampira na ngayo'y wala ng mga puso. Pumasok na ako sa kotse at hinayaan ang magkapatid na mag-usap dahil pinipilit ni Morwena na sumabay sa amin.
"Ikaw na lang ang sumabay kay Greg! Ako na dito kay Calissa!" mas malakas na sigaw ni Morwena. Palihim akong ngumiti dahil sa kaingayan niya. She even mentioned my name, showing her persistence to join me in this car.
I turned my gaze back to the pair of eyes that had been watching my every move. Walang emosyon ang kaniyang mata na nakatuon sa akin, hindi rin niya iniwas ang tingin kahit nakatingin na ako sa kaniya. He was also wearing a cape, while his inner attire consisted of a blue long-sleeved polo. His eyes shared the same color as Silas, pero ang isang ito ay para namang pinagkaitan ngumiti. His hair was disheveled, partially covering his left eye.
"He's Dale, my younger brother," nahalata siguro ni Silas ang titigan namin ng kapatid niya sa rear view mirror ng sasakyan. I nodded as a response.
"Hindi pa rin ba kayo tapos mag talo jan? The occasion must have already started," nainip na rin ata si Silas and decided to intervene in the twins' argument. I observed that Morwena's facial expression indicated an imminent release of tears. Pilit pa rin niyang kinakausap ang kapatid na si Morven, hinahatak pa niya ang braso ng kapatid para hindi makapasok sa loob ng kotse.
"Morven, just let her come with me," for a moment, Morwena's eyes widened upon hearing my decision before a broad smile spread across her face. Malakas na hinatak ni Morwena ang kambal paalis sa tapat ng pinto at pumasok sa kotse.
"Alis!" ang huling sabi ni Morwena kay Morven at sinarado ang car door.
Silas' brother didn't wait for Morven to get into the adjacent car and started the vehicle. The car had a black exterior, but upon entering, I noticed a combination of dirty white and brown hues inside.
"Are we almost there?" Morwena asked. Nilingon siya ni Silas at ngumisi muna bago sumagot.
"Probably in about half an hour, nandoon na tayo," binuksan ni Morwena ang bintana sa bandang puwesto niya kahit nakabukas naman ang air condition nitong sasakyan. Namayani ang katahimik sa amin, I watched as the wind gently brushed against Morwena's hair, causing it to become disheveled. It was already dark kaya halos ang mga ilaw na lang sa daan ang nahahagilap ng mata ko.
I heard a sudden burst of laughter from Silas, kaya napatingin kami ni Morwena nang sabay sa kaniya. Bigla niyang tinapik sa braso ang kapatid na nagmamaneho.
"Naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Morven," saad niya. Hinarap niya ang katawan sa amin kahit nakakabit pa rin ang seatbelt. I averted my gaze and chose to close my eyes instead. Tainga naman ang ginagamit sa pakikinig.
"Kaarawan ni Dale noon at sa Avalon ginanap. Maliit pa siya nito. Syempre, madami ang dadalo at isa na ang pamilya Asturias doon. Nang lumalim ang gabi ay hinanap namin si Dale para makipag kilala sa iba pang bampira tutal ay kaarawan naman niya 'yon," he abruptly stopped storytelling dahil tumawa na naman siya.
"Hindi namin siya agad nakita dahil sa laki ng masyon. When we saw him, he was at the back of the mansion, engaged in a verbal fight with Morven." I heard him struggling to hold back his laughter as he spoke. Gayon rin ang kasunod na pagbungisngis ni Morwena.
"Do you know what they were arguing about?"
"Ano?" tanong pabalik ni Morwena.
"It was a large Rapunzel doll," parehas na humalgapak ng tawa si Silas at Morwena. I suppressed the urge to smile, so I just grinned instead.
"Bakit?" Morwena was in the midst of laughter when she asked this.
"What did Morven say to you again, Dale?" tanong ni Silas sa kaniyang kapatid.
"He thought it was a girl's birthday, at dapat daw akong magpasalamat kasi niregaluhan niya ako non," sagot ni Dale. Mas lumalakas naman ang tawa nang dalawa habang ako ay hindi na napigilan ang ngumiti.
"Dale then said to Morven, 'I'm not gay, so why would I accept your gift? And do you really expect me to thank you?' may huli pang sinabi si Morven dito kay Dale,"
"Stop," Dale interrupted Silas, signaling him to stop whatever he was about to say next.
"Morven said, 'really? You look like a girl. Can I kiss you?' I knew that Morven was just teasing him, but it was funny and epic at the same time," minulat ko ang mata nang matapos mag bahagi ng kuwento si Silas. Perhaps he did it to prevent us from getting bored during the journey. Nasaktuhan lang na ang kapatid niya ang nakita kaya ito ang binahagi niya sa amin na kuwento.
I didn't know anything before about Morven's playful nature, dahil tuwing magkasama kami at binabantayan ako ay isang ekspresyon lang ang makikita sa kaniyang mukha, kundi ang pagiging seryoso.
I glanced at Dale through the rearview mirror at pinansin ang kaniyang itsura. Morven's statement about Dale resembling a girl was indeed true, dahil sa soft feature nito, thin eyebrows, long eyelashes, smooth complexion, and naturally rosy lips. It's amusing to think that he is one of the Maraquins, the vampire warriors of this city. Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa katawan ng isang mandirigma, malayo ang katawan ni Dale sa mga iyon dahil payat ang lalaking bampira na ito. Sa tingin ko nga'y isang hatak lang sa kaniya ng kapatid ay agad na matatangay siya. Habang ang katawan naman ni Silas ay matipuno.
"What?" muling nagsalita si Silas.
"Ano?"Morwena responded. Silas, on the other hand, turned towards us with a smirk on his lips, pointing to the cellphone pressed against his ear.
"Akala ko ako," mahinang bulong ni Morwena pero narinig ko pa rin. Tumahimik na lang ulit siya at tumingin sa labas ng bintana.
"What? Are you serious?" biglang sumeryoso ang boses ni Silas. I looked at him with curiosity, noticing that the smirk on his lips had vanished.
After a while, he laughed again. Instead of paying attention to Silas's changing mood, I decided to look out of the window.
"Who's the lucky vampire then?" I felt a gentle tap on my shoulder from Morwena, and as I turned to face her ay may hawak siyang baso na ngayo'y may lamang dugo. Where did she get it?
"Gusto mo?" I shook my head in response. Walang halong gatas ang dugo kaya ayoko itong inumin. Ako lang ata ang bampira na may hilig sa gatas. Narinig ko pa ang bawat paglagok niya sa iniinom. Uhaw na uhaw.
"Waverton? What do you mean? Walang babae sa pamilya nila maliban kay Philomena," napansin ko na nasa bungad na kami ng gate, kailangan pa pumasok ng kotse dito at tyaka ko pa lang natanaw ang mismong double door ng mansyon.
"We're here," huling saad ni Silas sa kausap before ending the call. Nang tumapat ang sasakyan sa harap ng mansyon ay bumaba na rin ang magkapatid. Morwena was about to open the door on her side nang biglang bumukas ito. Inilahad ni Silas ang palad sa harap ni Morwena para siguro'y alalayan siya. Inabot niya ito at lumabas ng kotse. Dale did the same for me.
May dalawang bampira na lumapit at may sinabi sa magkapatid. May dala silang armas kaya ang hula ko ay kawal sila rito. They had a sword sheathed in a scabbard, nakalagay ito sa kanilang gilid habang hawak nila ang hilt ng sword.
Kung malaki ang mansyon namin, apat na beses ang laki ng masyon ng Federlean.
The mansion stood tall and imposing, its architecture a blend of Gothic elegance and mysterious allure. Its exterior was adorned with intricate details, with ornate gargoyles perched on the edges of the roof, their stony gazes seemingly guarding the secrets within.
Surrounding the mansion was a well-maintained garden. Thorny vines twisted around the iron gates, adding a touch of wildness to the otherwise meticulously manicured landscape. The garden seemed frozen in time, with roses in deep shades of crimson and black, their petals holding an otherworldly beauty.
As I stood before the vampire mansion of our ruler, a shiver ran down my spine, a mixture of fascination and trepidation. The exterior of the mansion spoke of its secrets, beckoning me to explore further, yet cautioning me of the dangers that lurked within its walls.
"Shall we head in?" tanong ni Silas sa amin. Nauna silang maglakad sa akin dahil tiningnan ko pa ang daan kung saan kami nanggaling, napansin ko kasing hindi na namin kasunod ang isa pang kotse na alam kong nandoon si Morven.
Binalik ko ang tingin kila Morwena na ngayo'y nakapasok na sa malaking double door ng mansyon. Yumuko ang mga kawal bago pa man ako makalapit sa kanila.
I was taken aback as a strong hand abruptly grasped my wrist, forcefully pulling me away from the vicinity of the guards. Naalarma rin ang mga kawal ngunit nang tingnan nila ang mapangahas na humila sa akin ay bigla lang rin silang yumuko. Hindi ba nila ako tutulungan?
He moved swiftly and took large strides, leaving me with no choice but to follow him. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin pero mas humihigpit lang ito.
"Sto--," I was about to speak when he suddenly stopped at mabilis na humarap sa akin, dahil sa ginawa niya ay tumama ang noo ko sa kaniyang dibdib. Napapikit ako sa sakit, pakiramdam ko ay sa bakal tumama ang noo ko.
Kunot noong idinilat ko ang mata habang hawak ang aking noo. Sana'y hindi ko na lang ginawa dahil ang bumungad sa akin pag bukas ng mata ko ay ang lapit ng mukha nito sa'kin ngunit kusa kang mapapatigil dahil sa mata nito, walang buhay ang mga 'yon.
"Stop resisting," napalunok ako nang marinig ang boses niya.
If the breeze's gentle touch chilled my skin, the resonance of his voice sent an even colder shiver through my entire being.