28-Sent Away And I was right there beside him all summer long, and then the time we woke up to find that summer had gone. – Taylor Swift- Ysla: Nagtrabaho ako ng mabuti sa loob ng walong oras. Hindi rin ako nag-abala sa imbitasyon ng mga bago kong kaibigan na kumain sa labas para mananghalian. Maging siya ay parang walang planong mag-break sa trabaho. Walang nais magsalita sa’ming dal’wa. Kung may gusto siyang ipagawa o ipakuhang mga papers ay kay Cathy niya ito hinahanap. Kaya panay ang kulit sa’kin kung bakit hindi ako ang utusan. Well, I don’t even know. Mas mabuti ngang gan’to—iwas gulo. “What the hell are you doing here?” Nagulat ako sa biglang nagsalita. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng pamilyar sa’kin ang tabas ng dila. Si Ricca. “Blaire’s se

