15-Deadly Caught “Ysla! Ysla! May mga pulis—h-hinahanap ka!” Sabi ng nanay Silly ni Ysla. Kasalukuyang naglalabada sa ilog kahit namimiligro ito sa maaaring dulot ng kemikal na hinuha ng lahat ay bunga ng seketrong pagmimina ng mga Ademar sa tuktok ng bundok Tahor. Kaya ang mga kalalakihang Apyaw ay pilit na pinasok ang construction ng water dam upang malaman ang totoong pakay ng mga ito. Maikling shorts na bigay ni Sanny at blouse ang suot niya ngayon—at basang-basa siyang umahon upang salubungin ang mga pulis. Pulis? Hindi maiwasang mabahala ng dalaga nang marinig ang sigaw ng nanay niya. Pero ‘agad na pumasok sa isipan niya ang imahe ng isang galit na galit nasi Blaire Ademar. Before she could’ve asked, tanaw na niya ang tatlong pulis kasunod ng nanay Silly

