Raze Seryoso ang tingin ko sa daanan habang naglalakad na para bang may kaaway. Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong nagmura sa isipan ko. That freaking Lei, that stupid needs to grow up! Napaismid ako habang nakakunot ang noo. Hindi ko namalayan na tumabi na pala sa akin sa paglalakad si Haritha habang sinusundan namin si Xena. "Nakakatakot ka na nga makatingin, pati mukha mo, nakakatakot na rin." Walang ganang kumento ng babaeng katabi ko. Mas lalong kumunot ang noo ko nang tapunan ko siya ng tingin. Nanatili siyang nakatingin sa daan habang kinakausap ako. "Lei is not the only one who should grow up, take a look at yourself." Dagdag niya na parang nababasa ang nasa isip ko. Napaismid ako bago ipasok ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ko. "But he needs it the most,

