Monday
First day of summer and it seems like matatapos ito na sobrang boring.
Walang akong balak magbakasyon kasi nga? San ba ako magbabakasyon? Sa kamag-anak ko? Eh nasa iisang lugar lang naman kami, dzuuh.
Expect what? Ganito magiging routine ko araw-araw...
GISING. LIGO. BIHIS. KAIN. NOOD NG K-DRAMA. IYAK. KAIN ULIT. UPDATE NG STATUS SA sss, IG, TWITTER. TAPOS KAIN ULIT. MAGSISIBIM. MAGBIBIHIS. MATUTULOG.
Diba ang galing?
-----fast forward----
Thursday
Oh diba? Umabot pa ko ng buhay ngayong Huwebes? Akalain niyo yun? Hays. Minsan nakakamiss ring mag-aral eh. Yung tipong ang routine mo dati ay Bahay, school, clinic, canteen, room. Yung ganon? Hays.
At dahil alam niyo na routine ko, kakain nalang ako, di bale ng tumaba ako basta payat pa rin ako. Kuha mo? Ako di eh. Sige
Beeeeep! Beeeep!
And yeah nababasa niyo, may bumubusina. Wala akong pake kung tricycle o jeep yan. Wala namang may auto sa kapitbahay namin, at lalong sa kamag-anak namin.
Poor kami oo, poooor.
So wala din naman akong pake kung anong mangyayari sa paligid kaya sumilip ako sa bintana-- oo sumilip ako, wala talaga akong pake, ganon.
So yun nga, may nakita akong sasakyan sa labas, ang creepy naman kung wala. At lumabas mula dito ay isang napakagwapong lalaki, pormado, matangos ang ilong, ang ganda ng katawan, napaka manly, at higit sa lahat-- iyon ay bunga lamang ng aking imahinasyon. Gagung utak 'to, sige shabu.
Lumabas mula dito ang isa sa mga kaibigan ng kuya ko, syempre ano pa ba? May itsura, tsaka kuya lang hahaha, di ako ganon karupok mga hangal.
Tiningnan ko lang at yun may pinag-uusapan sila, parang--- teka, no, di ako ready :
Pinagkakasundo na ata ako ng kuya ko, minsan lumilingon siya sa kwarto ko, syempre di niya ako makikita mula sa labas. Narinig ko kasi dati na may gustong maikasal sa akin, like what the foor diba? Partida panget ako, syempre pambihira yun. So balik tayo sa kasalukuyan-- para sa kuya ko, kung ano man ang inyong pinag-uusapan, kung pinagkakasundo mo man ako, ipapaalala ko lang sayo na marunong akong magsindi ng posporo at syempre mabait ako susunugin kita. Nagmamahal, di kamahal-mahal.
"Kirsten! San ka?" Tawag ng kuya ko. Sh*t di pa ako handa pero kailangan kong tanggapin. "Yes hello madalang pipol? Nasa kwarto ako!" Yes hello, sagot ko yan.
"Halika! Bilis!" sabi pa niya. Ay hala demanding, siya na gustong ipagkasundo ako tas napakademanding, hays. "Heto na!" tugon ko, syempre mabait ako, as always.
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ko kung nasaan sina kuya at kaibigan niya. "Yes amigos? I'm here, what's poppin' bro? Hey kuya, you hanap me? Yes i'm here, dubidapdubidap." Sabay tapik ko sa likod ng kuya ko at kuya Reyn-- yes Reyn pangalan ng kaibigan niya, alangan namang yung halaman ang tinapik ko tas Reyn pangalan-- ulul pwede din. So weird haha.
"Umayos ka," pagbabanta ni kuya. Like tf! Ganon ako kausap, di pa nasanay ugok. Well kung nagtataka kayo sa totoo kong ugali, uhmm syempre basahin niyo hanggang huli to know me better and deeper para mas maging close tayo, dzuuuh~
"Charot lang ya, 'to naman" sagot ko sa kanya. Nga pala muntikan ko ng makalimutan, my Kuya's name is Tim, yaks, hahahaha Tim Ledoux, ganon. Ang weird pala.
"Hi Kirsten, may sasabihin ako--,"
"Wait!"
Bigla ko agad pinutol ang sasabihin ni kuya Reyn, uunahan ko na siya, jusko di pa ako ready. "Kuya Reyn kung yan ay dahil sa ipinagkasundo ako ng kuya ko sayo, please, di pa ako ready, di ko alam anong mangyayari sakin kapag ganun, kuya not now-- oo gwapo ka, i adore your attitude also, pero ang bata ko pa--"
"En-en," sambit ng kuya ko, at syempre ano pa ba? Malapit na siyang bumuga ng apoy, dragon, ganon. "Yes Kuya Reyn may sinasabi ka?" change mood tayo hahaha baka di na ako makabalik sa kwarto ko ayoko nun.
"Haha pre may pinagmanahan talaga," sabi pa ni kuya Reyn. "By the way Kirsten, ang pinag-usapan namin ng kuya mo ay tungkol sa kasal natin." Teka? Ano? Did I just heard kasal? Gagu noooo T^T. "Di, joke lang haha, iba talaga eto na," pagbibiro niya, pautanginmo, sige basahin niyo.
"May camp kasi magsisimula next week, bagay ka dun, and ma-e-enjoy mo, kuya mo sana yun kaso gurang na yan, no offense bro haha, pero Kirsten pumayag ka ha? Di ko tatanggapin kapag humindi ka. Libre lahat, ang bayad, ang pagkain, pati mga gamit nakakailanganin," Tuloy tuloy na sabi ni Kuya Reyn, oh focc, libre lahat mga frens.
"May mga damit ba na ibibigay na libre sa'min kuya? Libre lahat eh, ano?" Walang pagdadalawang isip na tanong ko. Tiningnan ako ng masama ni kuya, syempre haha. "Sige bobohan mo pa, ba't nga ba kita naging kapatid?" Tugon ng kuya ko.
"Syempre iniluwal tayo ng ating ina, binuo nila papa, ganon, Science kuya, Sayans, now, who's bobo?" sagot ko, syempre may respeto ako niyan. "Bahala ka nga," tugon ng kuya ko sabay nagbigti-- sharot, umalis, pumasok ng bahay, haha kala niya.
"Haha tinalo mo kuya mo. Unang beses kong nakitang nagwalk-out yun ah. Basta Kirsten, tatagal ng tatlong araw ang camp, magbaon ka ng damit mo, ikaw na bahala kung dadalhin mo buong aparador mo, magdala ka ng tent at kung ano pang pangangailangan mo. Sige una na ako," at tuluyan na ngang binawian ng buhay si kuya Reyn. Lol. Bobo din pala si kuya Reyn, magbarkada nga sila ni kuya, walk-out daw tas sa loob naman ng bahay pumasok si kuya, hala walk-in yun, walk-in..................................................................................................................
Waley!
Ganda ganda ng mundo tas sinisira ko lang, buhay ko 'to mga hangal.
So yun nga, di ko alam pero na-e-excite na ako, libreng pagkain-- kalain niyo yun?
Pero basta may nararamdaman akong doon ko mahahanap forever ko, spoiler ako sa sariling buhay ko kaya nasasaktan minsan, papalag? Sa totoo lang, iniisip ko talaga anng klaseng camp yun, sana di na gaya nong dating camps na nasalihan ko, ni wala man lang libreng tubig don, sa camp kaya na 'to meron? Sana pagkain din. Naku, puro pagkain na naman. Kitakitas nalang tayo sa camps mga abangers ha?