CHAPTER 1

926 Words
KABANATA 1   Sam Angeles “Nasa akin na ang project niyo.” Aniya ni ma’am pagkapasok na pagkapasok sa classroom namin. Binuksan ni ma’am ‘yong medyo makapal na folder atsaka kinuha ang mga papel. Natahimik kami bigla. Tanging ang paghinga lamang namin ang naririnig ko at sa tingin ko maririnig ko rin ang pagtibok ng puso ko. Halatang kinakabahan sila—ay hindi, kinakabahan talaga kami. Mahirap nanaman ba ang project namin para sa semestre na ‘to? Mabubutas nanaman ba ang mga bulsa namin at aagiwin ang mga wallet? Ang hirap talagang maging Culinary student, paunahan maubos ang pera. Nagsimula ng ipamigay ni ma’am ang mga papel. “Ang proyektong ito ay para na sa lahat ng subject kaya pagbutihan niyo, maliwanag ba?” Tumango kaming lahat. Kinakailangan ko na sigurong maghanap ng part time job dahil sigurado ako na mabubutas talaga ang wallet at bulsa ko. Hindi naman pwede na palagi akong aasa sa kumupkop sa akin. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si ma’am. Tiningnan niya muna ako bago ibigay sa akin ang papel. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang panginginig ng kamay ng propesor namin sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa mga papel. Bakit nanginginig ang mga kamay niya? Nagkibit balikat na lang ako. Sinimulan ko ng basahin ang nakasulat sa papel. Una kong nakita ang pangalan ko sa itaas na bahagi ng papel at kasunod nito ay ang section namin. Muntik ng magdugtong ang kilay ko ng mabasa ko kung ano ang magiging proyekto namin. Stalking, iyan ang nakasulat sa papel. Nilapit ko sa mukha ko ang papel baka kasi nagkamali lang ako ng basa. Akala ko ay namamalikmata lang ako pero hindi, stalking talaga ang nakasulat. “Naatasan kayong subaybayan at alamin ang buhay ng taong nakaatas sa’yo. Iba’t-ibang klase ng tao na namumuhay sa mundo. Hindi ka pwedeng umayaw sa proyektong ito dahil ito ang magiging basehan namin kung makakakapagtapos ka ba o hindi—ano daw? Anong klaseng project ‘to?” Bakit ganito ang project namin? Teka project ba talaga ‘to? Kasi parang hindi. Ang inaasahan kong proyekto ay magkakaroon kami ng expo at kami ang magluluto ng mga ibebenta namin o hindi kaya ay magtatayo kami ng parang maliit na kainan dito sa loob ng campus. Iginala ko ang aking tingin, kung ano ang naging reaksyon ko ay ganun din ang sa kanila. Gulat, pagtataka at inis ‘yan ang nakita ko mga mukha ng kaklase ko. Anong klaseng proyekto ang pinapagawa sa amin? Sinundan ko ng tingin si ma’am na pabalik na sa harapan. Nanginginig pa din ang kamay niya. “Sa ikalawang pahina ng papel ninyo malalaman kung sino ang taong inatas sa inyo.” Nakakunot ang noo ko ng ilipat ko sa ikalawang pahina ng papel. Harris Tucker Smith, ‘yan ang nakasulat sa papel. Sino naman ito? “Ma’am, ito po ba talaga ang magiging proyekto namin? Parang hindi naman kasi makatarungan. Culinary student kami at hindi secret agents. Nasaan ang hustisya?” Aniya ng class president namin.   Tama siya, Culinary student kami at malayo sa kursong kinuha namin ang proyektong pinapagawa niya.   “Wala na akong magagawa dahil hindi naman ako ang nag-isip ng proyektong ito. Galing sa dean ang papel na hawak niyo ibig sabihin ay wala na akong karapatan na ibahin ang pinapagawa sa inyo. Maski ako ay hindi nagustuhan ang naging desisyon ng dean.” Mas gugustuhin ko pang maubos ang inipon kong pera para sa pagluluto kaysa sa gawin ang proyektong ito. Hindi kaya sinapian ang dean namin kaya pinagawa ito sa amin? Padabog kong nilapag sa lamesa ang papel. Bumuntong hininga ako. Mukhang wala na talaga kaming magagawa. Dalawang buwan na lang at graduate na kami ayaw naman naming bumagsak. Nanatili kaming tahimik habang pinapaliwanag sa amin ni ma'am ang gagawin. Kinakailangan talaga naming gawin ang proyektong 'to dahil kung hindi ay babagsak kami at liliit ang tiyansa na makapagtapos kami. Argh! Ang sakit sa ulo! Kaagad kaming nagkumpulan pagkalabas ni ma'am. Hindi kami makapaniwala na ito ang magiging proyekto namin, ang mang i-stalk. "Kailangan ba talagang gawin? Like, hello? Anong koneksyon nito sa kurso natin?" Aniya ni Paula, isa sa mga kaklase ko. "Hindi ka ba nakikinig? Hindi tayo g-graduate kapag hindi natin ginawa ang project." "Balik 4th year tayo, imbes na nakapagtapos na tayo." Bumuntong hininga kaming lahat. Mukhang wala nga talaga kaming choice kundi ang gawin ang proyektong 'to.   ...   Kasalukuyan akong nakatambay sa library ng campus. Nakaharap ako sa laptop at abala sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa taong nakatoka sa akin. Wala talaga akong kaide-ideya kung sino ang Harris Tucker Smith na ‘yon kaya pagkatapos ng klase ay dumiretso ako dito. Mabuti na lang at mabilis ang wifi. Pinindot ko ang search pagkatapos kong i-type ang pangalan na niya. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ang mga resulta. Napanganga ako sa mga nabasa. Sikat pala siya? Laman siya ng mga balita. Isa siyang bilyonaryo at kinakatakutan ng lahat dahil sa ugali nito. Sa ibabang bahagi nakalagay ang litrato niya. Alam ko na kung bakit palaging may issue ang lalaking ‘to. Gwapo siya, hindi ko iyon maipagkakaila. Matangos ang ilong niya at sakto lang ang kapal ng kilay niya na siyang bumagay sa mapungay niyang mata idagdag pa ang kaputian niya. Naghanap pa ako ng makukuhanang impormasyon pero pauli-ulit lang ang mga nababasa ko at karamihan ng sites ay pribado. Napasabunot na lang ako sa sarili. Paano ko kaya ma-iistalk ang lalaking ito? Mukhang mahihirapan ako dahil mayaman ‘to at sigurado ako na marami siyang bodyguard. Ano ng gagawin ko?                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD