Tahimik ang buong classroom nang marinig ang boses ni Charles. Agad na napalingon ang lahat ng bata sa kanya. Tanging si Hazel lang ang nanatiling nakaupo, sobrang tahimik, at halos hindi makagalaw. Kilala niya ang boses na iyon — si Kuya Charles! Pero… hindi na siya pwedeng makipaglaro sa kanila.. Matagal na niyang dinelete ang mga WeChat account nina Charles at Clarence. Hindi siya naglakas-loob na aminin na kilala pa niya sila. “Charles, what’s wrong?” tanong ni Teacher Wena, litong-lito. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng bata na “Hazel.” Napatitig si Charles sa likod ni Hazel. Lahat ng bata ay napalingon na, pero siya, hindi man lang lumingon. Kanina, nakatingin lang si Charles sa gilid kung saan naroon si teacher, pero ngayon ay diretso na sa unahan ang tingin niya, s

