CHAPTER 15: A CONNECTION BEYOND REASON

1075 Words

“Darwin, tawagin mo ang doktor!” nanginginig ang tinig ni Alexander habang mahigpit na hawak si Hazel na halos mawalan ng malay. “Opo, Sir!” mabilis na sagot ni Darwin, at dali-daling lumabas para tumawag ng doktor. Sa loob lamang ng ilang segundo, nagkagulo na sa buong mansyon—nagmamadali ang mga katulong, tumatakbo ang mga guwardiya, at nag-uunahan ang lahat para matulungan ang batang si Hazel. Sa gitna ng kaguluhan, walang nakapansin kay Monica na naroon sa may pintuan. Hindi rin siya lumapit, bagkus ay nanatili sa gilid at pinanood si Alexander na bitbit si Hazel paakyat. May kirot sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag. Bakit ba ako nag-aalala nang ganito? bulong niya sa sarili. Ni hindi ko pa nga lubos na nakikilala ang batang iyon, pero parang may koneksyon ako sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD