Sa wakas ay hindi na napigilan ni Monica ang sarili. Mula sa upuang kinalalagyan niya, tinitigan niya ng seryoso sina Charles at Clarence, na parehong nakatungo at halatang kinakabahan. “Sabihin ninyo sa akin nang totoo,” mahinahon pero matigas ang tono niya. “Sino ang nagsabi sa inyo tungkol sa taong si Alexander Ferrer na nag-imbita sa inyo?” Nagkatinginan ang magkapatid. Si Charles ang unang nagsalita. “We only know his first name, Mommy but we don’t know his full name.” Totoo naman iyon—nakalimutan na talaga niya ang buong pangalan ni Uncle Alexander. Pero si Clarence, bagama’t naaalala, ay nagdalawang-isip. Napansin kasi niya na parang sobrang interesado si Mommy at si Lolo Carlo sa lalaking iyon. Parang may alam silang hindi nila alam. Could it be that Mommy already knows this U

