“Mr. Ferrer…” Mahina pero malinaw na sambit ni Monica nang makita niya ang lalaki. Kilala niya agad ang tinig nito, ang tindig, pati ang presensya. She had seen him once before, sa isang malaking banquet na dinaluhan din ng ilang kilalang tao sa business circle. Pero noon, hindi sila nagkakilala ng personal. Nakita lang niya ito mula sa malayo, kalmado, refined, at may kakaibang aura na hindi madaling makalimutan. Ngayon, habang kaharap niya si Nathan, mas lalo niyang na-realize na hindi ito basta ordinaryong lalaki. Ang boses nito ay mas banayad kaysa sa narinig niya sa telepono; may halong lambing at sophistication. Hindi siya mukhang tipikal na negosyante. Sa halip, para siyang isang guro—refined, calm, and almost too polite. “Just call me Nathan,” magalang nitong sabi, sabay abot n

