Kaya pa ni Monica na tanggapin na hindi muna siya makakaalis ngayon pero ang hindi niya matanggap ay ang sinabi ni Alexander na “Magpahinga ka na lang at enjoyin mo ang lugar.” “Mr. Alexander, are you kidding me?” mariing sabi niya habang pinipigilan ang sarili. “May mga dapat pa akong tapusin! Hindi ako pwedeng mag-relax habang marami akong trabaho.” Tahimik lang ang lalaki, matikas ang tindig, parang isang estatwang hindi natitinag. “Kung sa trabaho ang pag-uusapan,” kalmadong sagot ni Alexander… “Mas abala pa ako kaysa sa’yo. My daughter is waiting for me at home but still, I can’t leave. Kung may paraan lang na makaalis dito agad ay bakit hindi ko gagawin?” Ang nakakainis, sa kabila ng sinabi nito ni katiting na kaba ay wala sa mukha niya. Parang wala lang. How can he be so calm?

