Kahit sinabi ni Charles kagabi na “See you tomorrow,” hindi pa rin niya alam kung paano niya mapapapayag si Lolo Carlo na isama sila ni Clarence sa swimming pool ni Uncle Alexander sa Zambales lalo na ang napakalayo non. Suntok sa buwan kung papayag ito pero kilala niya ang lolo niya na mahilig sa long ride. Kung saan-saan sila nito pinapasyal. Buong magdamag siyang nag-isip ng dahilan pero wala siyang maisip kahit isa. Kaya kinaumagahan, pagkagising pa lang, agad niyang sinabihan si Clarence. “Kuya, please, tulungan mo naman ako. Think of a solution!” reklamo ni Charles habang humihikab pa. Habang inaayos ni Clarence ang suot niyang long-sleeved shirt, hindi man lang siya tumingin sa kapatid. “Charles, nagpa-DNA test na tayo, diba? Napatunayan ng hindi siya si Daddy. Bakit mo pa rin ini

