“Josephine, apat na taon ka ng nakatira sa bahay na iyon, ni minsan hindi pa ako tumira roon. How could it be that I made an enemy?” mahinahong sagot ni Monica sa kabilang linya. Matapos siyang ipakasal ni Papa Carlo noon sa anak nito ay binigyan siya nito ng bahay. Sayang kung matengga lamang, kaya ipinarenta niya iyon. Tahimik si Josephine ng ilang segundo bago muling nagsalita, halatang may kaba sa boses. “Ang ibig mong sabihin, may masamang tao na ako ang target? Monica, don’t scare me. Babae lang ako, may anak pa ako!” “Don’t panic,” sagot ni Monica, pinipilit niyang gawing steady ang tinig. “Tell me exactly what happened.” Nanginginig ang boses ni Josephine. “Oh my… baka ako talaga ang sinusundan! Dalawang araw pa lang ang nakalipas, pinadalhan ako ng asawa ko ng annulment agree

