Khloe Amelia's POV "Khloe, narinig ko na sasali ka raw sa karera sa darating na linggo," si Tita habang nasa hapag kainan kaming apat. Si Mister Hariente, Hades, Tita at ako. Wala pa si Neandro na nakaupo palagi sa pwesto ni Tita kaya hindi pa kami nagsisimulang mag-almusal. Kalat na kalat na talaga sa buong hacienda ang balita na sasali nga ako. "Opo, Tita," sagot ko. "Ang galing naman. Ang sabi sa akin ng mga trabahador ikaw daw ang pinakamagaling na babaeng hineta. Kahit ang mga magagagalin na hinete raw sa'yo na tataya," tuwang-tuwa saad ni Misis Nirvana. Kahit na nakakasama ng loob na hindi ko nakuha ang suporta ni Neandro, masaya pa rin ako na nakuha ko ang suporta ng mama nila. "Maglalabas na ako ng pera at sa'yo ko ipuupusta ang taya ko hah," nakangiting sa

