Khloe Amelia's POV Wala pang araw gising na agad ako pati si Neandro. Ang kulay kahel na kalangitan na simbolo ng isang araw na pagising pa lang. Ang sarap pagmasdan ang pagtaas ng araw na parang isa rin simbolo na dapat tayong magpatuloy hangga't hindi natatapos ang misyon natin sa mundo. "Inaantok ka pa?" Napalingon ako kay Neandro na nasa likod ko habang ang mga kamay niya ay nasa unahan ko at dahan-dahan siyang nagpapatakbo ng kabayo. Ayaw niyang sumakay kami ngayon sa tig-isang kabayo kaya nasa harapan niya ako ngayon. "Hindi na. Maaga naman akong natulog kagabi," sagot ko sa kanya. Maganda ang simoy ng hangin na sumasalubong sa amin. Sariwa at mukhang umaayon sa amin ang panahon. "Saan ang punta natin? Nalagpasan na natin ang Maria Falls kung nasaan ang tree house," saad ko sa

