Chapter 29 Anastasia POV "Tasyo, baka maganda kung dalhin natin sya sa hospital. Mag Apat na buwan ng walang malay ang babae," sabi sa isang babae base sa kanyang boses ay matanda na ito. Nais ko bumangon ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. "Paano kung hinahanap sya sa mga taong gumawa sa kanya Lucy!" sabi naman sa isang lalake mukhang matanda na rin ito. Kaya minulat ko ang aking mata ngunit biglang sumakit ang aking ulo na parang ma biniyak ito. "Ahhhhhh! Ang sakit!" sabi ko habang hawak ko ang aking ulo dahil sa matinding sakit. Hanggang hindi ko alam ang susunod ng yayari. Kinaumagahan. Muli akong nagising ngunit wala akong maalala kung sino ako. Hanggang may pumasok na isang matandang babae kaya agad ko itong tinanong. "Sino ka? A-at sino ako?" tanong ko sa kanyang

