1st Scene:
February 14, 2040
Enchanted Kingdom
* Kasalukuyan nasa EK kasama sila Dale, ang kanyang Kuya na si Ford at ang asawa at mga anak nito, It is their yearly tradition pag Valentine's day. Kasalukuyan silang kumakain ngayon at kakatapos lang magrides ni Dale at mga pamangkin nito.
Habang sila ay kumakain at nagk-kwentuhan, sa kabilang table ay may nagp-propose na lalaki sa kanyang kasintahan, sa harap ng pamilya rin nito. Nang um-oo at nag sabihan ng "I love you", may sumulpot na 'di mawaring halimaw at nilamon ang mga ito.
(Lahat ng tao ay nagpapanic)
Maya-maya, lumitaw na naman ang mga creature na yun at may kinain na sakay sa tuktok ng Ferris-wheel. Agad binitbit ni Ford, Chandria at Dale ang mga bata at tumakbo papuntang parking lot. Pagkarating sa sasakyan agad silang pumasok at pinaandar.
2nd Scene
* Ilang araw na ang lumipas ngunit mas lalong lumala ang sitwasyon. Ulitimo mag heart reacts on any social media sites, kahit sign language, codes na may equivalent sa I love you, nasaan man ang magpahayag nun ay, nilalamon ng 'di pa rin maipaliwanag na creature.
Sa tahanan nila Dale, Tinatakpan nila ang mga bibig ng mga bata pag uumpisahan na nila ang salitang "I". Kita ang galit at frustation sa mga mata ni Ford at ang lungkot at bahid ng unti-unting pagkawalang pag-asa sa mga mata nila Dale at Chandria.
(Voice over) Dale: Malaking adjustments, sobrang laking adjustments. Yung mga salita na dati, pwede mong sabihin kahit 'di mo meant, ngayon, kahit gaano mo kagustong sabihin, hindi mo na pwedeng sabihin. Yung mga bagay na tinake advantage natin, ngayo'y wala na.
Marami na rin ang nasawi sa buong mundo. Ang laking naging pagbabago nito. Ang dating makulay at puno ng pag-ibig, naging puno ng katatakutan at trahedya. Naging normal na rin sa akin ang makakita ng mga taong nilalamon ng mga halimaw. (News on the background)
Pero mas naaawa ako sa mga kabataan. Hindi na nila mararanasan ang mundong aking kinagisnan. 'Di na nila matatamasa at malalaman kung ano nga ba ang pagmamahal. (Medyo naiiyak habang nagsasalita.)
Everybody's changing playing on the back ground while throwback na masayang kumakain ang pamilya ni Dale sa labas at malaya silang maging affectionate at kung ano sila ngayon
* Gabi, tulog na ang mga bata. Si Dale ay lumabas ng kanyang kwarto, nakabihis at may dala-dalang maleta. Pabukas na siya ng pinto nang magsalita si Ford.
Ford: "Sa'n ka pupunta?"
Dale: "Kuya, *hikbi* K-kuya, n-nagpasya na po ako. S-sasali po ako sa grupo ng nag-aaral kung ano ang mga halimaw at kung paano nga ba sila mapupuksa."
Ford: *Medyo galit* "Ayaw ko Dale. 'Di ako papayag. Paano pag mapahamak ka? Wala kami roon. Please, wag mo na ituloy ito, Dale."
Dale: "P-pero Kuya... Wala ng ligtas ngayon. Mas gugustuhin kong mapahamak ng may ginagawa. Ayaw kong lumaki ang mga pamangkin ko sa ganitong mundo. Please, Kuya payagan mo po ako."
Ford: "Sige na nga. Pero please, mag-iingat ka. Mag text at tumawag ka sa amin ng ate mo."
3rd Scene:
* Nagmamaneho si Dale patungong facility at tugtog ang Himala sa radyo. Magdadasal siya ng "Lord, kayo na pong bahala sa amin. Gabayan niyo po kaming lahat. Amen."
Nang makarating sa Facility...
(Voice over) Dale: At sa facility/lab na yun ko nakilala si Dr. John na nasawi ang Kapatid (na tanging natitirang pamilya niya) . Ate niya pala yung babaeng pinagproposan sa EK, that Valentine's that changed our lives. Kaya ngayon, ginugugol niya ang oras niya sa pag-aaral... Kung ano nga ba yung mga yun at kung paano mapupuksa ang mga halimaw, para wala ng matulad sa kanya.