CHAPTER 7

349 Words
Nagmamadali kong pinatay ang tawag at matagal na napatingin sa hawak kong cellphone. Utang na loob Tito Ravin. Kailan ka ba mawawala sa buhay namin. Nagvibrate ang cellphone ko kasabay ng ringtone ng text message. Binuksan ko ang text message na pinadala ni Gino. From: Bugokgok Ate. c*m Laude raw ako. Pambawi ko na lang sa iyo yung medal ko sa graduation. Kaya pumunta ka ng graduation ko ha. Huwag kang mag-alala, promise ko di ka na magpupuyat diyan sa call center pag nakatrabaho na ko. Papabalikin rin kita ng pag-aaral. Ako babayad ng pangmatrikula mo. Sorry talaga. Hindi rin kita mahal. Mag-ingat ka rin diyan. Received 12:28 PM Bumagsak na nang kusa ang mga luha sa mga mata ko. Natawa pa ako na parang timang dahil sa nabasa ko habang umiiyak. Nadama ko bigla na may pumulupot na bisig sa balikat ko at dahan dahan akong pinalapit sa kaniya upang yakapin ako. Hinayaan ko na lamang na madama ko ang yakap niya dahil umiiyak na ako nang tuluyan. “I did not mean to listen but I just can not help it since I could hear ten times more than a normal human could.” Natawa ako kahit na umiiyak dahil sa sinabi niya. Bukod sa pagiging tsismoso, ano pa kaya ang kayang gawin ng s*x doll na ito. “Alam mo. . .sabi ng kapatid ko c*m Laude raw siya. Sabi niya pa hindi niya na raw ako papatrabuhin ng call center pag grumaduate na siya. . .kawawa siguro ng kapatid ko pag nalaman niyang mula sa pagiging pokpok ng ate niya ang perang ginastos para sa pag-aaral niya sa for the past five years,” malungkot na kwento ko sa s*x doll. “Natatakot ako sa araw na iyon. Na malaman niya ang totoo. Ayaw kong layuan niya ako. Pandirihan tulad ng iba. Ayaw ko na naman talagang gawin ito. Ayaw ko na. . .ayaw ko nang pagpasapasahan ng iba't ibang lalaki. . .diring diri na ako sa sarili ko. . .” sabi ko nang mahina sa kaniya. Punasan ko man ang luha sa mga pisngi ko, panibagong luha naman ang bumabagsak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD