CHAPTER 11

1095 Words
Ngumisi siya at umiling, “May nauna na namang nakakuha sa iyo? Kailan ka ba mababakante. Alam mo namang requested kita parati.” Ngumiti ako nang pilyo at pinulupot ang braso ko sa balikat niya, “Alam mo naman ang golden rule dito. First come, first serve. Bawi na lang ako next time 'pag ikaw na.” Nilapit niya ang mukha niya at nagkadikit ang mga noo namin, “You better not disappoint me.” Tumawa ako nang mahina at hinaplos ang katawan niya, “Kailan pa ba kita dinisappoint, Dave.” “That's why gustong gusto kita eh,” ngumisi siya at inilapit ang labi niya upang halikan ako. Ngumiti ako bago ilapit rin ang sarili sa kaniya at tumugon sa halik niya. Nadama ko ang malikot niyang kamay na pinapasok ang palad sa ilalim ng suot kong spaghetti strap. Sa bawat sandaling ganito, kailangan matatag ang isipan ko. Iyon lang ang natatanging paraan para makayanan kong manatili sa tamang katinuan sa buong gabing ginagawa ko ito. “See you later,” bulong niya bago ako umalis sa harapan niya. Nararaanan ko ang mga parokyano habang papunta sa VIP rooms. Nakatitig pa rin ang ilan sa akin kahit na may tinable na silang mga babae. Umakyat ako sa itaas ng hagdan at huminto sa tapat ng isang kwarto. Ito ang isa sa limang VIP rooms ng bar namin. Bumuntong hininga ako at ininom ang isang beer bago ngumiti ng nakakaakit. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito. “Did I keep you waiting?” sabi ko sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa na natatakpan ang mukha dahil nagbabasa siya ng dyaryo. Nakasuot siya ng tuxedo kaya pumasok agad sa isipan ko na baka isang businessman ang VIP customer ni Esmee. “You're not Esmeralda,” sabi niya. Tumango ako tsaka sinara ang pinto, “Seems like you're really fond of Esmeralda. Boses pa lang, alam mo nang hindi siya.” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Binaba niya ng konti ang dyaryo at nakita ko ang kulay itim niyang mga mata na nakatutok sa akin, “If I'm not mistaken, you're Apple. I remember listening from the talks of the girls here that you're one of the best in this bar. They said you were given that name because of the enchantments you do in bed, making you the apple of every man's eyes.” Napangisi ako. Inilapag ko ang dalawang beer sa mesa at umupo sa sofa na katabi siya, “Don't make me sound so adorned by every men. We both know that prostitutes in heaven are the same prostitutes in hell.” Tumawa siya at binaba ang dyaryo. Doon ko tuluyang mas nakita ang pagmumukha niya. Nawala ang mga ngiti ko sa labi at napalitan ng isang seryosong tingin sa kaniya. Napangisi siya sa naging reaksiyon ko, “What's with the face, darling?” “Nothing. It's just amusing to find out that one of the VIPs we have here is no other than the governor of Santa Cruz himself.” Ngumiti siya at pinakita ang mapuputi niyang ngipin, “Why? Do you hate me now because of that?” “Not at all,” inabot ko ang necktie niya at nilaro ito ng daliri ko, “I'm just concerned as to why I didn't know so soon that we have someone like you here.” Tinitigan ko siya nang nakakaakit, “I could've given you the best night you could ever have in this bar.” Napangisi siya sa sinabi ko. Inabot niya ang beer na nasa mesa at nilagok ang alak. Mas lumapit pa ako sa kaniya at inilapit ang mukha ko hanggang sa ilang pulgada na lang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Nakatitig siya sa mga labi ko kaya napakagat ako ng labi. Natawa siya sa ginawa ko. Pinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng coat niya at hinimas ang dibdib niya. Ilang sandali pa, sinimulan niya na akong halikan. Nalalasahan ko ang beer na ininom niya bago lang lalo na nang maglaro ang dila naming dalawa habang nakahawak siya sa bewang ko pababa sa mga binti ko. Bumaba ang mga halik niya patungo sa leeg ko kaya napahawak ako sa kurbata niya. Habang pababa nang pababa ang mga halik niya papunta sa nga dibdib ko, bigla siyang tumigil at tiningnan ako, “You're going to give me the best night I ever had. Correct?” Sinunggaban ko siya ng halik bago sumagot, “Whatever you want, Sire.” Ngumisi siya tsaka tumayo, “The not here. Let's go somewhere else where we'll both have the best night.” Ngumiti ako ng pilyo. —Φ— Umaga na nang makarating ako sa building ng apartment ko ng madaling araw. Ting! Dama ng buo kong katawan ang pagod at kagustuhang makatulog nang maayos kaya pagkatunog pa lang, lumabas agad ako ng elevator upang tumungo sa apartment ko at hanapin ang susi ng pintuan na nasa purse ko. Tahimik ang loob ng apartment nang makapasok ako. Bukod sa aking pagbuntong-hininga, wala nang ibang ingay na mariring. Papunta na sana ako sa kwarto nang mapahawak ako sa isa sa cabinet dito sa sala dahil muntikan na akong madulas. Nang tingnan ko ang sahig na ikinadahilan nito, halos manigas na ako sa nakikita ko. P-Putangina!? A-Ano 'to?! Bakas sa sahig ang nagkalat na dugo papunta sa kwarto ko. Nanginginig ang buo kong kalamnan na ikinagising ng pagod kong katawan. Sinundan ko ang dugo sa kwarto at nakita kong papasok pa ito sa banyo. Nagdadalawang isip pa ako ngunit kinuha ko ang payong na nakasabit sa gild ng pintuan at pinatatag ang sarili upang malaman ang mga nangyayari. Hawak hawak ko nang mabuti ang payong na panghampas sa kung sino mang aatake sa akin. Nang makapasok ako sa loob ng banyo, nagmistula akong bato at hindi na nakahakbang pa papasok. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Ang alam ko lang, halos sumabog na ang puso ko sa kaba dahil sa naabutan ko. Nang umangat ang mukha ni Zero na nakaupo ngayon sa sahig upang tingnan ako, hindi ko na mawari kung ano ba dapat ang gagawin ko sa mga oras na ito. Lalo na nang makita ko ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin na animo papatayin ako. Nanginginig na dahan dahan akong napatingin sa likuran niya kung saan may isang duguang katawan ng isang lalaki na hindi ko kilala na nakalupasay sa sahig. “Who the f**k are you?” malalim na tanong ni Zero. Dahan dahan akong napaatras lalo na nang pilitin niyang tumayo na may hawak hawak na patalim. PUTANGINA. PUTANGINA. PUTANGINA. PUTANGINA. “I SAID WHO THE f**k ARE YOU?!” At sa sigaw niyang iyon kasabay nang pagsugod niya papalapit sa akin na may hawak hawak na kutsilyo, tuluyan na akong napatili at tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD