Napakabilis ng mga pangyayari. Halos magkandarapa na ako kakatakbo papunta sa sala matakasan lamang ang dadambanang pagsaksak sa akin ng isang s*x doll mula sa likuran ko, ngunit dahil mas mabilis siya ay naabot niya rin ang mga braso ko.
Nang mahawakan niya ito nang mahigpit ay agad niya akong tinulak nang napakalakas na ikinatumba ko.
Napaungol ako sa sakit nang tumama ang dibdib ko sa sementadong sahig.
Pinilit ko namang bumangon mula sa pagkakabagsak dahil nababanaagan ko sa likuran ko na papalapit na siya.
Lumingon ako at dumagundong ang puso ko nang makita ang mukha niya na desididong papatayin na yata ako ano mang oras mula ngayon.
“Z-Zero. . .h-huwag. . .” nagkakandautal kong pagmamakaawa habang nakatingala sa kaniya dahil tila ba wala nang lakas ang mga paa ko na tumayo dahil sa sobrang panginginig. Nakatutok naman nang mabuti sa akin ang kaniyang mga mata.
“State your name. Who are you?” malalim niyang utos kaya nanginginig akong napaatras.
Nang hindi ako sumagot, nagkasalubong ang mga kilay niya at sinigawan ko, “WHO THE f**k ARE YOU?”
“AKO ITO! SI PAULETTE! SI PAULETTE! PUTA MAAYOS NAMAN KITANG INIWAN DITO KANINA! TAMA NA! ZERO! TAMA NA! PLEASE! NATATAKOT NA AKO! ” napapikit ako na napaiyak dahil takot na takot na ako.
Dama ko ang nginig ng kalamnan ko habang paulit ulit na sinasabi sa kaniya ang pangalan ko para huwag niya lang akong patayin.
Ito na nga bang sinasabi ko kaya kailangan kong ibalik ang tulad niya!
Kung nagawa ko lang sana nang maaga, hindi na ito nangyayari ngayon! Mas lalo akong napaiyak nang maisip ko na baka ito na nga ang huling araw ko.
Papaano si Gino? Papaano na ang kapatid ko? Kailangan niya pa ako! Hindi ako pepwedeng mamatay ng ganito!
Naramdaman ko ang presensiya niya na lumapit sa akin. Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita kong nakaluhod na siya sa harap ko para magkalebel kami. Nakatitig siya sa akin nang masinsinan, “You are Paulette Angeles?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil naging mahinahon na ang boses niya. “Your name is Paulette Angeles?”
Tumango ako nang marahan.
Tinitigan niya ako nang mabuti at ilang segundo pa, palipat lipat na ang tingin niya sa hawak niyang patalim at sa robe na suot niya na nababahiran ng dugo.
Dahan dahan akong umatras mula sa kaniya habang nakapokus pa ang atensiyon niya doon.
Nang mapansin niyang gumagalaw ako, napatingin siya sa gawi ko kaya agad akong huminto. s**t.
“Stay here.”
Tumayo siya bigla kaya nagulat ako nang wala sa oras.
Sinundan ko siya ng tingin habang pabalik siya sa kwarto. Nang makapasok siya nang tuluyan doon nagkukumahog akong tumakbo papunta sa pinto at lumabas ng apartment.
Tulong! Tulong! Tulong!
Sigaw ko sa kaloob-looban ko na hindi ko maisatinig dahil sa sobrang kaba.
Tumatakbong pumunta ako sa elevator at nadatnan kong nakasarado pa ito. Nagmamadali kong pinindot ang button habang nababalisa na lumilingon dahil baka papalabas na siya ng apartment ko at maabutan niya ako.
Nasa third floor pa ang elevator kaya napaiyak na ako. Bigla akong nakarinig ng ingay kaya napatingin ako sa pinto ng apartment ko. s**t. s**t. s**t. Maaabutan niya ako!
Pagtingin ko sa elevator at nakitang nasa fourth floor pa ito, tumakbo na ako papunta sa room 124 na kaharap ng apartment ko. Ito ang apartment na pinangyarahin ng krimen at alam kong delikado ang ginagawa ko ngunit mas delikado kung mahahanap ako ng s*x doll na iyon!
Agad kong napihit ang door knob ng pinto na ikinagulat ko. Hindi ba't dapat ay nakalock to?!
Nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa mula sa apartment ko hudyat na nasa sala na siya kaya isinawalang bahala ko na ang pagtataka ko at pinasok na nang tuluyan ang apartment 124.
“It has been fifteen minutes. What's taking him so long?”
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng boses na nanggagaling sa sala ng apartment na pinapagitnaan lamang ng isang pader mula sa akin at sa kanila. B-Bakit may tao dito? Hindi ba't restricted area ito?!
Nagdadalawang isip ako kung babalik ba ako sa apartment ko.
“We have to report back to Chief. Try to follow him.”
Nanlaki ang mga mata ko. Chief? Report? Mga pulis ba sila kaya nandirito sila sa apartment na 'to?! Ligtas na ako! Ligtas na ako!
“Sir! Sir! Tulong! Tulungan niyo po ako!” halos mapaiyak na ako bago tuluyang pumunta sa sala na pinanggalingan ng mga boses nila.
Nang tuluyan akong makapasok, nakita kong nakatayo sa harap ng bintana ang isang lalaki na naka coat na itim habang ang isa naman ay nasa sofa at nakaupo.
Napalingon sila sa akin at nakita kong ikinagulat nila ang pagdating ko. Napatayo pa nga ang lalaking nakaupo sa sofa at napatingin sa kasama niya sa bintana.
“T-Tulungan niyo ako sir may papatay sa akin! Papatayin niya ako please!”
Nagkatinginan pa kaming tatlo at halos mapatili ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto na pinanggalingan ko kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kanila at nagtago sa likuran nila.
“S-Sir! Iyan na po siya! Tulungan niyo po ako! May gusto pong patayin ako!”pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa nang makapunta na ako sa likuran nila.
Nakita kong may hawak na pala silang baril na tinatago nila na nakita ko dahil nasa likuran nila ako. Pansamantalang nangunot ang noo ko dahil bakit parang may balak talaga yata silang barilin dahil nakahanda na agad ang mga baril nila sa likuran. Hindi ko na ito lubusan pang naisip at napalitan ang pagtataka ko ng takot nang tuluyan ko nang makita si Zero sa tapat namin na kakapasok lang.