s**t. s**t. s**t. May hawak na siyang baril at hindi ko alam kung saan niya yun nakuha!
“Stay back, Miss Angeles,” sabi ng isa sa mga lalaking pulis sa akin. Nangunot muli ang noo ko.
A-Ano?
Tinutukan nilang dalawa ng baril si Zero, “Don't move an inch or we'll shoot.”
Papaanong. . .papaano nila nalaman ang pangalan ko? Wala akong naaalalang pinakilala ko ang sarili ko sa kanila.
Naging seryoso ang atmospera sa loob. Napatingin sa akin si Zero nang napakaseryoso. Napaatras ako hanggang sa naramdaman kong cabinet na ang nasa likuran ko.
Sasabog na yata ang puso ko sa sobrang kaba.
“I think I know the reason why Stockholm's not back yet,” rinig kong sabi ng lalaki sa katabi niya.
“Yeah. Let's wrap it all up before this turn to a bigger mess. You get him, I'll take care of the girl,” sagot naman ng isa bago hinawakan nang mahigpit ang hawak niyang baril.
Sa isang iglap, biglang tinutok ng isa sa mga pulis ang baril niya sa akin na ikinapanlakihan ko ng mga mata.
BAKIT AKO ANG PAPATAYIN NIYA!?
Hindi na ako nagdalawang isip na mapayuko nang wala sa oras at mapatili nang marinig ko ang pagputok ng baril.
PUTANGINA! HINDI SILA MGA PULIS!
Hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari basta ang alam ko lang ay sa kalagitnaan ng pagpalitan ng putok ng mga baril ay tumitili na kumaripas ako ng takbo papasok sa isang kwarto na nandirito sa apartment at agad itong nilock.
Hinihingal na nasapo ko ang noo ko.
ANONG NANGYAYARI!? ANONG NANGYAYARI?! PUTANGINA!? SINO ANG MGA TAONG IYON?! BAKIT NILA AKO GUSTONG PATAYIN!?
Bawat putok ng baril na naririnig ko ay napapatili ako.
Nagtago ako sa likod ng kama at doon napadausdos. Hinanap ko ang purse ko upang kunin sana ang cellphone ko ngunit naalala kong nabitawan ko nga pala iyon sa apartment ko kanina nang tumatakas ako mula kay Zero.
Putik. Putik. Nanginginig na talaga ako. Putik.
Kailangan ko pang mabuhay! Kailangan pa ako ng kapatid ko!
Nanigas ako nang biglang tumahimik ang paligid. Pinakinggan ko pa ng ilang sandali ang mga nangyayari ngunit tumahimik na talaga sa labas.
Akala ko doon na magtatapos ang lahat ngunit napasigaw ako nang makarinig ulit ako nang malakas na putok ng baril sa labas at kasunod nito ang ingay ng pagbukas ng pinto dito sa kwarto.
Shit. s**t. s**t.
Sino ang nakapasok?! Si Zero ba?! O yung dalawang lalaki na akala ko mga pulis!?
Naghanap ako ng makakapa sa kama at ang tanging naabot ko lang ay isang unan. Putik. Anong magagawa nito?!
Natigilan ako nang mabanaagan ko sa peripheral vision ko na may tao na sa harap ko na nakatayo. Napalunok ako.
Marahan akong napatingin sa lalaki sa harapan ko.
“I told you to stay there. Why did you run away?”
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksiyon ko sa mga sandaling ito.
Lalo na sa sinabi niya.
Lumapit siya kaya napaatras ako ngunit naalala kong wala na pala akong maatrasan dahil pader na ang nasasandalan ko.
“I am not going to hurt you. I promise.” sabi niya pa sa akin.
ANONG HINDI?! HALOS MAMATAY NA NGA YUNG SUSO KO SA SAKIT NANG ITULAK MO AKO SA SAHIG KANINA?!
Gusto ko sanang sabihin iyon kaso baka patayin niya na ako nang tuluyan.
Lumuhod siya upang magkalebel kami at inilahad niya ang kamay niya, “I am sorry if I scared the hell out of you. I would never hurt you. I promise you that, babe.”
Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya sa akin. Bumalik na ba sa tamang pag-iisip ang s*x doll na ito?!
Nagdadalawang isip pa akong tanggapin ang kamay niya ngunit nakita ko kung papaano niya ako titigan na ara bang isa akong isang babasaging bagay na dapat ingatan.
This is so freaking weird.
Tumayo ako nang mag-isa nang hindi tinatanggap ang mga kamay niya, “P-Papatayin m-mo ba a-ako!?”
Umiling siya, “If I could, I should have already killed you.”
Namuo ang luha sa mga mata ko at tuluyan na akong napahagulgol matapos ang ilang sandali.
Napaupo na naman ulit ako sa sahig dahil sa sobrang trauma ng mga nasaksihan ko.
Mababaliw na ako nito. Baliw na yata ako ngayon! Mababaliw na yata ako ngayon!
Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat kaya agad akong napatayo at lumayo sa kaniya, “PUTANGINA SUBUKAN MO LANG AKONG HAWAKAN ULIT! SUBUKAN MO LANG!”
Lalapit ulit sana siya sa akin ngunit bigla siyang napahinto at nagdadalawang isip kung lalapitan niya ako o hindi, “Was that sarcasm or not?”
Naiinis na mas napahagulgol ako at hinampas sa kaniya ang unan. May oras pa siyang itanong sa akin iyan?! Malamang Paulette hindi tao iyan!
Napalingon siya bigla sa likuran niya, “I can hear someone calling the police on their phone. They will be here any moment from now.”
Napanlakihan ako ng mga mata. Ngayon ko lang narealize ang mga maaaring mangyari pagdating ng mga pulis.
“A-Anong sasabihin ko sa kanila?! At sa. . .sa lalaking. . .sino yung lalaking nasa apartment ko? Bakit. . Anong nangyari doon?! Bakit mo siya punatay! ” nahihisterikal kong tanong.
“He was trespassing your apartment. I found him planting an evidence in one of your drawers. That person might be with the men in this apartment,” patungkol niya sa mga lalaking inakala kong mga pulis kanina.
Nanlaki ang mga mata ko.
Magkasama sila? Ano? Ebidensiya? May mga tao bang balak na ipasa sa akin ang krimen na hindi ko naman ginawa?! May kinalaman ba ito sa babaeng pinugutan ng ulo dito?! Sila ba ang pumatay sa kaniya?! Teka?! Bakit ako nadadamay?! Makukulong na ba ako nito?!