Sa pagkakataong ito, naisip ko na baka hindi naman talaga ako sasaktan ng s*x doll na ito. Napaparanoid lang ako dahil sa nangyaring krimen sa katapat kong apartment at ang kababalaghan na ginawa niya kanina noong nandirito pa ang mga pulis.
"G-Gago. Nakakaya mong gumawa ng kwento kanina sa mga pulis pero hindi mo gets ang sarcasm kapag sinasabihan kang subukan mo lang. Kapag sinabihan kang ganun na nahihisterikal yung tao o emosyonal, ibig sabihin nun wag mong gawin. Kabaliktaran yung gawin mo," nauutal kong sabi.
"I am sorry. I did not know how the system of sarcasm works," sabi niya.
Lumayo na ako mula sa kaniya at dahan-dahan ko siyang tiningnan, "Tangina kasi niyan. Napakacreepy mo kasing tumingin lalo na pag ngumingiti ka."
Natahimik pa siya ng ilang sandali habang nakatingin sa akin bago nagsalita, "I was not aware. You could try to teach me how to act like a human effectively."
Tumikhim ako at tiningnan siya nang mabuti, "H-Huwag mo kasing ididilat ng ganiyan ang mga mata mo. Tas paminsan-minsan, kumurap ka para hindi ka mukhang mamamatay na tao na anytime sasaksakin ako ng kutsilyo."
Tinitigan niya na naman ako. Anak ng tupa naman oh. Huwag ka nang ganiyan please. Nakakatakot ka.
"Okay, babe."
Ipinikit niya nga ang mga mata niya gaya nang sinabi ko. Nang imulat niya na ang mga ito, laking gulat ko nang hindi na siya nakadilat kung makatingin sa akin, bagkus. . .nagmistula siyang totoong tao na nakakaakit kung makatitig. Putik.
Kinukurap niya na rin ang mga mata niya. Oh my golly gow. Para na talaga siyang totoong tao!
Hindi ko napigilan ang sarili at naitakip sa pagmumukha niya ang palad ko, "Ang gwapo gwapo mo para sa isang s*x doll. Tangina ka!"
Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi at natatawa sa sarili dahil sa pag-iiyak ko kanina.
Ayaw ko lang talaga kapag tinatakot ako.
Takot ako sa multo at sa mga bagay na walang kasagutan. I have a phobia with the fear of the unknown. Kaya dapat lang na tulad ng mga bagay na ganito, hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan yung s*x doll kaya natatakot ako. Hindi kasi ako kumportable kapag ganun.
Hindi naman siya gumalaw at nanatiling nakatingin sa akin at ngumiti, "Do you want to eat, babe?"
Tinuro niya ang mesa gamit ang hawak hawak niyang kutsilyo. Kahit patay sindi ang ilaw, nangunot pa rin ang noo ko na napatingin doon sa tinuturo niya dahil nababanaagan kong may nakahandang mga pagkain sa mesa at mukhang doon niya rin pinatong ang trophy na tinapon ko sa kaniya kanina na inabot niya.
Akala ko pa naman itatapon niya sa akin pabalik ang trophy.
Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Pero nakakamangha lang ang nakikita ko kaya lumapit ako sa mesa.
"N-Nagluluto ka rin?" nagulantang kong tanong sa kaniya.
Tumango siya nang nakangiti. Napatitig ako sa kaniya, "Ang weird lang. . .nagmumukha ka nang totoong tao. Hindi ka na rin creepy kapag tumingin at ngumiti sa akin."
Napailing ako at inilipat ang tingin papunta sa mga pagkain, "Don't tell me ito ang dahilan kung bakit hindi kita mahanap sa sala paggising ko kanina. Nasa kusina ka pala?"
Lalapit sana ako sa kabilang side ng mesa nang hawakan niya ang kamay ko at hilain ako pabalik, "Careful, babe. You might step on the crystals and hurt yourself."
Napatingin ako sa sahig. Oo nga pala. Nakalimutan kong may mga bubog pang nakakalat.
Sumasakit na ang mga mata ko sa pagpatay sindi ng ilaw kaya napatingala ako sa bombilya sa kisame, "Kaurat itong light bulb na ito ah. . .teka ano s*x doll. . .ano nga ulit pangalan mo?"
"Triple Zero McKenly, babe."
Tumango ako at tiningnan siya, "Ah oo. . . Zero punta muna ako sa landlady. Papaayos ko lang tong ilaw sa mga tao niya. Bantayan mo tong bahay ha. Doon mo na pwedeng gamitin iyang pandidilat mo para matakot ang ibang tao na papasok dito. Takutin mo at nang makarma."
Nilagpasan ko na siya at kinuha ang jacket na naiwan sa sofa na pinag-upuan namin kanina at sinuot iyon. Nang makabihis na ako, lalabas na sana ako ng apartment nang lumabas siya sa kusina at pumunta sa lalagyan ng mga walis.
Natawa ako nang kunin niya ang bimpo, walis tingting at dustpan.
Mukhang liligpitin nga niya ang nabasag niyang mga plato tulad ng sinabi niya kanina.
Pwede ko pa lang gawing katulong 'to eh.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtawa ko nang lumapit siya sa kinalalagyan ko at siya ang bumukas ng pinto para sa akin, "Take care, babe. I will wait for you. Let us eat together after."
Napangisi ako ako habang papalabas, "Mas tao ka pa sa ibang tao."