“Mrs. Gonzales? Si Paulette ito. Nandiyan ba kayo?” tatlong beses akong kumatok sa opisina ni Mrs. Gonzales bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
“Oh Paulette! Tamang tama! Papunta sana ako sa apartment mo buti na lang dumating ka! May sasabihin ako sa iyo!” nagmamadaling bungad ni Mrs. Gonzales sa akin tsaka niya ako hinila papasok sa loob ng opisina niya at pinaupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng kaniyang office desk.
“Bakit Mrs. Gonzales?” nagtataka kong tanong.
Umupo siya sa swivel chair at pinatong sa desk ang kamay niyang magkahawak sa isa't-isa, “Ganito kasi iyan. Hindi ba't kinausap mo ako last week na baka hindi ka makakabayad ng renta mo para sa susunod na buwan kasi may bayaran sa school na kapatid mo. Tama, iha? Matagal ka ng tenant sa apartment ko kaya ayos lang sana sa akin na sa susunod mo na lang ako mababayaran, pero nagkaproblema kasi ako sa apartment dahil sa patayan sa taas.”
Napakurap ako, “Anong ibig niyong sabihin?”
Ngumiti siya ng pilyo, “May iooffer sana ako sa iyo. Hindi na kita sisingilan sa susunod na tatlong buwan ng renta mo sa apartment. Bale libre na lang yung three months. Pero, gusto ko sanang lumipat ka doon sa apartment 124, yung apartment na katapat mo.”
“Yung apartment na tinitirahan ng pinatay?” napanlakihan ako ng mga mata.
Tumango siya, “Panigurado kasing walang kukuha ng apartment na iyon dahil sa insidente. Malulugi naman ako kapag ganun.”
Natahimik ako.
Malapit nang grumaduate ang kapatid ko sa kolehiyo. Kinakailangan kong mabayaran ang graduation fee at iba pang gastusin sa paaralan niya.
Kinakabahan ako sa offer ni Mrs. Gonzales pero mas naiisip ko ang kapakanan ng kapatid ko.
Baka kasi hindi makakagraduate ang kapatid ko dahil kulang ang perang maipapadala ko ngayong buwan, “Pero pagkatapos ba ng three months pwede na akong bumalik sa apartment ko?”
“Oo naman. Ayaw ko lang na maging dahilan yung insidente para mawalan ako ng mga tenant. Pagkatapos ng tatlong buwan, siguro naman makakalimutan na ng mga tao ang krimen sa apartment 124.”
Napatingin ako kay Mrs. Gonzales nang masinsinan.
Tangina Paulette, huwag ka ngang duwag. Ngayon ka pa matatakot sa dami ng mga nangyari sa iyo. At least, wala na akong babayaran sa susunod na tatlong buwan.
“Oo nga pala, ano nga pala ang pinunta mo dito?” tanong niya kaya napatingala ako at tiningnan siya.
“Ano kasi. . .yung ilaw ko kasi sa taas, yung sa kusina patay sindi kahapon pa, baka naman pepwede niyo sanang ipaayos yun kay Manong Toto,” sabi ko sa kaniya.
“Ah sige. Tatawagan ko si Toto para ayusin yung ilaw sa kusina mo,” biglang umiba ang aura niya at ngumiti siya nang mapang-asar, “Tsaka oo nga pala iha. Sino yung kasama mo sa apartment? Ang gwapo gwapo naman nun. Mukha pang mayaman. Costumer mo ba iyon sa bar at tinake out ka kagabi? Magkano binigay niya sa iyo?” usyoso niya sa akin.
Nakakainsulto. Porke't ba pokpok ako, kapag may lalaki akong kasama, customer ko agad iyon?
Walang emosyon na sinagot ko siya.
“Syota ko ho iyon,” pagsisinungaling ko. Gusto ko lang
Nagulat siya at natahimik ng ilang sandali. Nakita kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
“Bakit?” tanong niya pa.
Napakunot ako ng noo, “Anong bakit?”
Kahit alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya, nagtanong pa rin ako. Sabagay, nakatatak na sa isipan niya na prostitute ako.
“Iha hindi naman sa nanghuhusga ako, pero ayos lang sa nobyo na na gabi-gabi iba't-ibang lalaki ang nakakasex mo?”
Napangisi ako. Nakakainsulto pakinggan pero ganun na talaga.
Madumi at nakakadiri. Iyan ang tingin nilang lahat sa amin.
Hindi na magbabago ang pananaw na iyon.
Kami raw yung uri ng babae na hindi worthy mahalin at respetuhin. Pinaparamdam sa amin na wala na talagang lalaking tatanggap at magmamahal sa amin. Totoo naman kasi, hanggang pang kama lang kami.
“Hindi naman siguro seryoso ang relasyon ninyo kaya ayos lang sa kaniya, diba? Kung sabagay, sino bang lalaki ang hindi gugustuhin kang makasama sa kama na pang matagalan at kahit kailan niya gusto. Baka naisip niyang syotain ka na lang para parati ka niya—” sumabat na ako bago pa mas lalong kumulo ang dugo ko.
“Tanungin niyo na lang siya. Sige babalik na ako, may gagawin pa ako sa taas,” plastik akong ngumiti at tumayo na.
“Teka lang, iha.”
Aalis na sana ako nang bigla siyang may naalala at binuksan ang drawer ng desk niya, “May tenant pala na gusto ang serbisyo mo. Baka gusto mo ng extra income? Ito raw calling card niya.”
Inabot niya ang kamay ko nang walang pahintulot at pinahawak sa akin ang calling card na kinuha niya sa drawer kanina, “Tawagan mo na lang daw siya.”
Tumango ako at umalis na sa harapan niya. Nang makalabas na ako ng opisina ni Mrs. Gonzales, napatitig ako sa maliit na papel.
———————
Caleb F. Geronimo
+63921542********
Gold Merchandising
Branch Manager
———————
Walang emosyon akong lumakad papunta sa elavator habang pinupunit ang calling card at tinapon ito sa basurahan na nasa gilid ng hallway.
Ting!
Napatingala ako sa CCTV camera na nasa sulok dahil sa biglang pagtunog ng elevator hudyat na nasa floor na ako ng apartment ko.
Bumukas sa gitna ang pinto at nakita kong kaharap ko na ang hallway. Nagmamadali akong lumabas dahil sa nakakakilabot ang pagbungad ng malamig na hangin sa akin na ikinatayo ng mga balahibo ko.
Binilisan ko ang paglalakad papunta sa apartment. Pinilit kong hindi tingnan ang Room 124 na katapat lang ng apartment ko, ngunit tuluyan na akong napasulyap dito nang mapansin kong hindi nakalock ang apartment dahil may siwang pa ang pintuan.
Tila ba nalulon ko ang dila ko at hindi na makapagsalita habang napapanic na pinipindot ang doorbell ng apartment ko.
Bigla ko kasing nakita ang paggalaw ng mga anino mula sa siwang na para bang may mga tao sa loob.
Pagbukas ng pinto ng apartment ko, agaran na akong pumasok sa loob at inilock ang pinto na kabadong kabado.
May tao ba doon?
Napatili ako nang may humawak sa balikat ko.
Nang tingnan ko kung sino ang gumawa nun, gulat na gulat ako nang makita ko ang s*x doll na nasa harapan ko na pala at binabandera ang katawan niya sa akin na walang saplot.
“Bakit ka nakahubad?!” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. Aatakihin yata ako sa puso dahil sa ginagawa niya.
Kumurap pa siya ng ilang beses bago inosenteng tiningnan ang katawan niya, “Sorry. The clothes had ketchup stains.”
Naiilang na napangiwi ako, “Pagtiyagaan mo na lang yun. Wala ka nang ibang damit. Suotin mo na lang ulit!”
Umiling siya, “I could not. I already laundered the clothes. It is still wet so I have to wait for it to dry before wearing it again.”