CHAPTER 4

896 Words
Nanlaki ang mga mata ko, “Nilabhan mo? Ano? Marunong kang manglaba?!” Pinakita niya sa akin ang mapuputi niyang mga ngipin at ngumiti, “Yes. I was programmed to do household chores.” Putik. Bakit ang gwapo ng gagong ito. Napaiwas ako ng tingin nang mapagtanto kong titig na titig na pala ako sa mukha niya. “Punta nga tayo sa kwarto,” nilagpasan ko siya at sinundan niya naman ako papunta sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang kulay itim na bathrobe na nakahanger. “Pupunta dito si Manong Toto kaya hindi ka niya pwedeng makitang nakaganiyan. Suotin mo ito,” binigay ko sa kaniya ang bathrobe na agad niya namang kinuha. Tinulungan ko siyang maisuot niya ang robe dahil malapad ang mga balikat niya at nahihirapan siyang maipasok ang robe sa kabilang kamay. Nang tuluyan niya na itong maisuot, ako na lang rin ang nagtali sa belt ng bathrobe niya. Nang matapos ako, tumingala ako sa kaniya at kumunot ang noo ko nang malaman kong nakatitig na naman pala siya sa akin, “Sige sige! Subukan mong manakot ulit. Ikakahon na talaga kita!” Imbes na makinig siya at itigil ang pagkakatitig niya, nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin nang masinsinan. Doon na ako mas lalong nabahala kaya aalis na lang sana ako sa harapan niya ngunit bigla niya akong hinawakan sa braso. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong hinalikan nang mabilis sa labi! “I love you,” sabi niya pa at hinaplos ang buhok ko. Gulat na gulat naman ang tarantadomg si ako sa ginawa niya at hindi makapagsalita. Napahawak ako sa labi ko, “B-Bakit mo ako hinalikan?!” “Can not I?” inosente niyang tanong. What the. Anong can not I? Can't I yun diba? Napaiwas ako ng tingin at nangunot ang noo, “Zero. Huwag kang tumulad sa mga tao ha? Lalong lalo na sa mga gagong lalaki na nakakalat sa kung saan. Kailangan mong humingi ng permiso sa babae kapag may gagawin ka sa kaniya. Respetuhin mo siya. Naiintindihan mo ba ako?” Tahimik lang siya. Hindi naman ang paghalik niya ang isyu dito dahil sino ba naman ako para magmalinis gayong ang dami nang lalaki ang nakahalik sa mga labi ko. Gusto ko lang naman na sana may maging sensitibo sa nararamdaman ko. Matapos ang ilang sandali, ikinagulat ko nang yakapin niya ako, “I am sorry. Zero was being a jerk.” Natawa ako at naihampas ang balikat niya. Tangina. Ang corny. Ang linyahan talaga ng s*x doll na ito. Daig pa ang totoong lalaki eh. Napabuntong hininga ako. Oh well. Hindi ko man mabago ang mga tarantadong lalaki sa mundo, kahit itong s*x doll na lamang na ito ay matutunan man lang akong respetuhin bilang babae. Kahit sa isang tulad niya na lang. Nakarinig ako ng pagdoorbell ng pinto kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya at lumabas ng kwarto. Sinundan naman ako ni Zero. Ang sarap niyang yumakap. Nakakawala ng stress. Multi-talented tong s*x doll na ito. Galing. Pinagbuksan ko ng pinto si Manong Toto at binati niya ako, “Magandang tanghali, Miss Angeles.” Nginitian ko naman siya at pinapasok sa apartment. Napatingin pa siya kay Zero na nakatindig sa tabi ko at tahimik lang. “May kasama ka na pala sa apartment mo ngayon, Miss? Hindi ka nagpapapasok ng basta basta dito noon ah, ” natutuwa niyang tanong. Tumango ako, “Si Zero nga po pala.” Nang tingnan ko si Zero, napakunot ako ng noo nang makitang nakatitig na naman siya sa akin. Huwag mong sabihing hahalikan niya na naman ako? Bigla niya akong inakbayan at tiningnan si Manong Toto, “Good afternoon, Sir. I am Zero McKenly. Her boyfriend.” Nadama ko ang pagsilab ng mga pisngi ko dahil sa pagpapakilala niya sa sarili niya. Biglang bumilis ang tikbo ng puso ko. Sino ba naman ang hindi! May proud na nagpakilala lang naman na boyfriend ko siya at hindi man lang nababahala na prostitute ang girlfriend niya. Ganito ba ang feeling na maipagmalaki ka? Natawa si Manong Toto, “Buti naman at may nobyo ka nang magbabantay sayo, Miss. Delikado pa naman ang panahon ngayon. Mahirap na at mag-isa ka lang parati sa apartment mo.” Napakagat ako ng labi at tumango dahil sa kaba. Ang s*x doll na ito. . .bakit. . .bakit siya ganiyan? Tumungo kami sa kusina at pinapindot sa akin ni Manong Toto ang switch ng flourescent light upang makita niya kung ano ang problema. “Kailan ba noong huli mong pinalitan ang ilaw dito, Miss?” tanong ni Manong Toto habang nakatingin sa patay sinding ilaw. Napakamot ako ng ulo, “Ang tagal na ho eh. Hindi ako sigurado. Four years ago ho yata? Sabay sabay hong ininstall lahat ng ilaw dito eh.” “Kaya naman pala. Naku Miss, kailangan mo nang palitan ng bago ang lahat ng ilaw mo kung ganun. Baka isang araw lahat ng ilaw mo dito, hindi na iilaw nang maayos o di kaya masisira na talaga,” suhestiyon niya sa akin. Napakagat ako ng labi, “Magkano ho ba ang presyo niyan ngayon kung bibili ako?” “Mga nasa three thousand plus yata iyan lahat ngayon,” sagot niya na ikinagulat ko. “Ang mahal naman po pala. Wala na bang mas mura?” namomroblema kong sabi. “Naku Miss, by set kasi binibili ang ganitong uri ng ilaw.” Napatango ako. Kailangan ko na naman ng apat na libo. Magbabayad pa ako ng kuryente at tubig ng apartment ko. Aish. “Sige. Thank you po,” wika ko na lang at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD