CHAPTER 5

980 Words
Nanatili akong nanigas sa kinalalagyan ko. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkagulat habang minamasdan ang bawat pagsubo niya ng pagkain sa bibig niya. “Are you okay?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang hindi ako kumikibo. “A-Anong ginagawa mo?” gulat na gulat kong tanong habang nakatitig sa pinggan na hawak niya. B-Bakit siya kumakain?! P-Paanl!? Palipat-lipat siya ng tingin mula sa plato na tinitingnan ko at sa akin, “I am eating with you, babe.” Lalo akong natahimik dahil sa sagot niya. AY SORRY HA! KUMAKAIN KA PALA! HINDI KO LANG YATA PANSIN! HINDI NGA TALAGA OBVIOUS NA NILUNOK MO LANG NAMAN ANG PAGKAIN NA HINDI NAGAGAWA NG ISANG ROBOT HINDI BA?! Putik! Hindi na talaga normal ang mga nangyayari dito! Hinding hindi na talaga simula kagabi pa! “Do you not know what is eating, babe? Eating is an act of consuming food and—” “—ALAM KO ALAM KO!” napatayo ako nang wala sa oras. Balak pa yata nitong iparamdam sa akin na ang bobo ko dahil pinapaliwanag niya pa sa akin kung ano ang salitang 'eating'! Gago lang eh! Nagmamadali akong umatras palayo mula sa pinagkainan namin at pumunta sa likuran ng sofa at tinuro siya. “B-BAKIT KA GANIYAN!? HINDI PUSIBLE ITO! I-ISA KANG s*x DOLL DIBA?! KAYA BAKIT KA KUMAKAIN? P-PAPAANO?! ISA KANG s*x DOLL! s*x DOLL? ISANG ROBOTIC s*x DOLL NA NI LAWAY AY WALA PA NGA!” nagpapanic na sabi ko sa kaniya. Naririnig ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba at mas tumindi pa ang sindak ko nang gumalaw ang s*x doll sa harap ko upang ibaba ang hawak niyang pinggan sa mesa tsaka ako tiningnan nang mabuti. Tangina! Heto na naman siya! Hindi na naman siya kumukurap! Nakakailan ka nang hinayupak ka! “I do have saliva, babe.” A-Ano?! “As a matter of fact, though I may not have salivary and mucous glands or parasympathetic nervous system that causes humans like you to salivate, I am built with micro processors on all of my inside parts such as my artifical tongue, my passage tube and on my digestive motor. The processor converts the water that I intake into lubricants and metal additives that other than preventing my parts from the rust, also helps me move swiftly with the amount of friction I desire. Other than lubricants and metal additives, I also have the ability to convert the water into clear transparent liquid that contains enzymes that partly breaks down the food that I eat like the saliva you humans have.” Kumunot ang noo ko habang pinoproseso ang lahat ng sinabi niya. Putang ina! Mas lalo lang akong walang naintindihan! Ano raw?! Matapos ang ilang segundong pagsarado ng bibig ko, nanlaki ang mga mata ko nang magets ko ng konti ang paliwanag niya, “N-Naglalaway ka kapag umiinom ka ng tubig?” Kumurap siya sa pagkakataong ito, “Technically, yes. But I do not salivate automatically everytime I drink water. I could manually choose whether to or not since I have the option to convert it into lubricants and metal additives or to a clear liquid. Particularly in eating, I need the enzyme of the clear liquid to start the breaking down process of the food before it goes down to the digestive motor.” Mas lalong sumakit ang ulo ko. Pinagloloko ba ako nito? “Anong digestive motor ang sinasabi mo?!” nagmamadali ko nang tanong dahil kinakabahan na talaga ako! “It could be compared to the stomach that you humans have that is responsible for the conversion of the food into absorbable substance,” sagot niya naman. Napahawak ako sa dulo ng suot kong jacket. Hindi ito maaari! “A-Anong kinokonvert ang pinagsasabi mo? Hindi mo naman kinakailangan ng pagkain dahil wala ka namang mga organs na binubuhay! At isa pa! Papaanong pusible iyon? Robot ka! Saan napupunta yung pagkain sa katawan mong gawa sa bakal!” naituro ng kamay ko ang katawan niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, umangat ang dulo ng labi niya at ngumiti. Putik. WRONG TIMING ANG PAGNGITI NIYA! PAPAANO NIYA NAKAKAYANG NGUMITI HABANG NAGHIHISTERIKAL AKO DITO?! “The digestive motor that I have is an anaerobic digester which make use of microorganisms to break down and convert organic waste into a fuel such as biogas, biodiesel or ethanol. When organic material like food or animal waste breaks down, it releases methane, a potent global warming gas. But if that waste breaks down in an anaerobic digester, the methane can be captured and used to produce electricity.” Natahimik na naman ang paligid.“A-Ano?! paliwanag mo naman sa akin sa mas madaling salita!” “The food waste inside my body produces electricity when converted. I use the electricy for me to stay awake and function.” Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Magkatinginan kami to be exact. Hindi ko maiwasang magtaka. At sa nalaman ko kahit papaano, nasaniban na ako ng takot. Nakakatakot dahil sinong timang ang magpapadala sa akin ng isang napakahightech na robotic s*x doll na tulad nito? Nangunot ang noo ko, “S-Sino ba talagang nagpadala sa iyo sa akin? B-Bakit ka pinadala? ” Tinitigan niya lamang ako. Tumayo siya at nagsalita, “Why, babe?” Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Inaasahan kong access denied ang sasabihin niya pero hindi. Bakit parang may sarili talaga siyang pag-iisip?! “Sagutin mo na lang.” “Did you not read the name of the recipient from the package?” sagot niya na ikinalabog ng puso ko. Humakbang siya papalapit kaya napaatras ako. “Alam ko! Pero ano ba tinatakot mo ako! Nagdadalawang isip na ako kung s*x doll ka ba o hindi dahil napakahigh tech mo!” Napahinto siya at ngumiti dahil sa sinabi ko. “That is good news, babe. You are now confused with my authenticity as a s*x doll. Can you rate my performance as a human s*x doll from 1 to 100? Your feedback will help me to improve,” sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD