Sa sinabi niyang irate ko ang performance niya bilang isang human s*x doll from 1 to 100, nasasabi kong robot pa rin ito. Dahil walang tao sa tamang katinuan ang magsasabi nun. At hindi siya matino kaya robot ito, maliban na lang kung may sira ito sa utak.
Napabuntong hininga ako. Nakakagulat naman kasi siya kanina.
“Nakakagago ka na ha. Nagustuhan ba talaga ng Armageddon na iyon ang performance ko sa kaniya at pinadala ang isang tulad mo?”
Vin Armageddon kasi ang pangalan ng nagpadala sa kaniya. Iyon ang nakasulat sa sticker na nakadikit sa box. At wala akong Vin Armageddon na kilala sa buhay ko.
Natatanging maiisip ko lang ay isa siya sa mga mayayamang customer ko na niregaluhan ako ng tulad ni Zero. Nasasabi kong may koneksyon nga siguro ang trabaho ko dahil s*x doll pa ang natanggap ko.
“Do you not like me? You can help me to improve and be a better partner for you,” humakbang siya papalapit kaya tinaas ko ang palad ko na naghuhudyat na huwag niyang itutuloy ang paglapit sa akin.
Sinunod niya naman ako at huminto.
“Zero. Alam mo kasi, pokpok lang ako pero may utak pa rin ako. At hindi ako bobo para hindi maisip na nagkakahalaga ng malaking pera ang isang tulad mo dahil napaka high tech mong uri ng s*x doll. . .” nangunot ang noo ko, “. . .kaya bakit ibibigay sa isang prostitute 'lang' ang mamahaling tulad mo? Bakit niya ibibigay ang mamahalin na tulad mo sa pokpok lang na tulad ko na walang class at breeding?”
Tinitigan ko siya nang mabuti, “Kung sa computer pa nga lang na ordinaryo, nagkakahalaga na ng ilang daang libong piso. Paano pa kaya ang isang tulad mong napakahightech na nang sobra sobra?”
Kumurap lamang siya at blangkong nakatingin sa akin.
“Ibabalik kita kay Armageddon o kung saan ka man nanggaling. Hindi ba't kailangan mo ring kumain? Hindi ko maipapangakong mapapakain kita dito dahil isang kahid isang tuka lang ako. Wala rin akong pera na pang maintenance sa isang tulad mong hightech masyado lalo na pag nagkaproblema ka dahil malamang kinakailangan ng dalubhasang technician para mapaayos ka. Huwag kang mag-alala, ibabalik kita sa nagmamay-ari talaga sa iyo para maalagaan ka. Wag ka dito dahil hindi magtatagal buhay mo dito,” bumuntong hininga ako tsaka bumalik sa pagkakaupo sa sofa at nagpatuloy sa pagkain.
Nabanaagan kong nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin.
“I will be a better partner, babe. Please do not send me away.”
Napahinto na naman ako.
Monotonous man ang boses niya, pero naging dahilan na ito para mapatingin ako sa kaniya.
Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain sa bibig ko nang umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako nang mabuti.
“I will not eat. I will not drink. I will not ask for anything. I could also repair my own body. You do not need to pay for my needs. Just do not send me away. Please, babe.”
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko. Tumindig yata ang lahat ng balahibo ko dahil sa ginawa niya. Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ang gwapo ng hinayupak na to. Pero hindi ito ang tamang oras para malinlang ako sa pagpapakyut ng gagong ito.
Dahil unang una pa lang, walang s*x doll ang nagpapakyut ng tulad nito. Hindi normal.
Naputol na lamang ang pagtitig ko sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Dali dali akong kumalas sa pagkakahawak ng kamay niya sa akin.
Inabot ko ang cellphone at sinagot ang tawag nang malaman kong kapatid ko ang tumatawag.
“Gino? Ano yun? Bat napatawag ka? Ang aga-aga oh, inaantok pa ako,”nagpanggap akong bagong gising.
“ ...”
Nangunot ang noo ko nang hindi siya sumagot,
“Bakit? Anong nangyari sa iyo?”
“. . .Nag-away kasi kami ni Mama. . .yun pinalayas ako kagabi. . .” natahimik ako nang ilang sandali habang nairirinig ko ang pagpipipigil ng kapatid ko dahil namamaos na siya.
“Putangina naman kasi eh. Pinoprotektahan niya pa yung basubas na yun!” patuloy niya pa.
Napa-ayos ako ng upo, “Ba't ka pinalayas? Ano ba kasing ginawa mong katarantaduhan?”
“Hindi naman kasi ganun eh! Kasi yung pera kasing pinadala mo sa akin last month, kinuha ni Tito Ravin sa drawer ko nang walang paalam! Nung malaman ko sabi niya utang niya na lang daw iyon tas babayaran niya ako sa susunod na linggo. Gago! Isang buwan na hindi niya pa rin ako binabayaran. Para sa kalahati ng bayarin ko para sa graduation ang perang yun. Tas ngayon, pinoprotektahan pa siya ni Mama?! Alam mo ba anong sabi pa ni Mama sa akin? Kasalanan ko raw kasi bakit raw di ko binayaran noong pasukan pa lang ng second sem! Ako pa may kasalanan, ganun?! Putangina! Ang sarap sumumbat ate kung pwede lang! Huwag siyang magmagaling dahil hindi naman siya ang nagpapaaral sa akin kung hindi ikaw! Ako pa pinalayas! Puta! Bakit hindi si Tito Ravin!”
Napabuntong hininga ako.
“Eh gago ka pala eh! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” nag-aalala kong sabi sa kaniya.
Natigilan ako nang may humawak sa isang kamay ko.
Nang tingnan ko si Zero, nakatitig lang siya sa akin.
“Alam ko kasing pinaghirapan mong kitain yung perang iyon! Ayaw kong isipin mong hindi ko yun iningatan! Pero ang tanga ko lang talaga kasi! Bakit ko pa kasi iniwan iwan pa sa bahay yung pera eh alam ko namang may malikot ang kamay dun!”
Napabuntong hininga na naman ako, “Saan ka nakikitira ngayon kung ganun? ”
“. . .Dito. . .”
“Hoy Gino. Sagot san ka nakikitira ngayon?”
“Ate. . .sorry. . .sorry talaga ha. . .” napakagat ako ng labi dahil sa malungkot na boses ng kapatid ko.
“San ka nga kasi ngayon?” tanong ko ulit.
“Dito. . .ako sa bahay ng tropa ko. Buti na nga lang pinayagan ako ng mga magulang nito.”
Hindi ko mapigilang hawakan na rin nang mahigpit ang kamay ni Zero, “Pero may allowance ka pa ba diyan hanggang sa susunod na dalawang linggo?”
“Oo. . .bitbit ko yung allowance ko parati. Iniwan ko lang naman kasi sa bahay yung pambayad sa graduation kasi natatakot akong baka mawala sa labas o di kaya manakaw. Ayun nanakawin rin pala sa loob ng bahay.”
Napapikit ako, “Oh sige. Maghahanap na lang ako nang paraan. Try kong manghiram sa mga kapwa ko call center agents.”
“Ate. . .sorry talaga. . .”
Humahapdi na ang gilid ng mga mata ko.
Ramdam ko kahit nakapikit na ako na anytime, maluluha na ako.
“Oo sige na. Papadalhan na lang ulit kita. Baka sa susunod na dalawang linggo ko na maipapadala sa iyo kasama ng allowance mo para sa panibagong isang buwan. Mag-ingat ka diyan ha, bugok ka pa naman. Kapag may extra ako papadalhan kita ng pera. Gamitin mo muna iyang allowance mo at kumuha ka ng mapagrerentahan mong kwarto. Padalhan kita para doon next week. Tinatawagan na rin ako ng team leader ko kaya babye na.”
“Ate wait lang—”
“Sige bye bye na sasagutin ko muna itong tawag. Text mo na lang sasabihin mo. Di kita mahal. Babye.”