Simula nang makaalis ang mga pulis kanina sa building, kanina pa kami nagkatitigan. Walang bumibitaw sa tingin namin sa isa't-isa. Magkaharap kaming dalawa na nakaupo sa sofa at tanging ang pag-ikot ng electric fan lang ang ingay na naririnig ko.
"Ano ka ba talaga?" nakakunot ang noo ko habang tinatanong ulit sa kaniya.
"I am named as Triple Zero McKenly. An artificial intelligence anthropomorphic robot doll, manufactured by Quadro X Robotic Technologies series of 2019 under project code 23578963254, whose task is to be your personal AI partner and to perform s****l favors only for you that will ensure a satisfactory performance and a s*x life with pleasure and excitement," sagot niya na naman ulit habang nakangiti pa rin nang nakadilat.
Shit.
Napakacreepy talaga pag ngumingiti siya na hindi kumukurap ang mga mata. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko habang nagsasalita siya.
"A-Ang ibig kong sabihin paano mo maipapaliwanag ang mga ginawa mong nakakabigla kanina?" sumasakit na ang ulo ko sa s*x doll na ito.
Kanina ko pa siya pinapahanapan ng sagot sa kung papaano naging posible ang mga nangyari kanina. Dumagdag pang pinagpapawisan na ang mga kamay ko kaya mas kinakabahan na ako.
Nanatili lang siyang nakangiti. Ilang segundo pa matapos ang mahabang katahimikan, muli na rin siyang nagsalita. Parang naglalag siguro siya habang naghahanap ng kasagutan kaya natahimik siya ng ilang segundo, "I apologise but my system says that access is denied."
Tuluyan ko nang naisampal ang palad sa mukha ko dahil sa inip, "Access denied? Bakit?"
"The question is not programmed in my data base. Would you mind telling me the answer to that question so that I would know what to say anytime someone might ask that same question to me again, babe?" sagot niya.
Napapikit ako. Papaano ba naging ganito ang mga nangyayari?
Bumuntong hininga muna ako bago idinilat ang mga mata. Sana naman kahit itong huling katanungan na lang maisasagot niya n-Putangina!
Tumindig yata ang lahat ng balahibo ko nang pagkatapos ko lang pumikit ng ilang sandali ay nalaman ko na wala na pala siya sa harapan ko.
N-Nasaan na siya?!
Kinakabahan kong nilinga ang loob ng apartment at maingat kong pinuntahan ang kwarto para hanapin siya pero wala siya doon.
Hinanap ko na rin siya sa banyo dahil baka trip niyang pumunta roon kahit na parang wala namang dahilan para gumamit siya ng comfort room. Kaso nga lang nang buksan ko ang ilaw ng banyo, wala akong nahanap na isang creepy at matangkad na s*x doll.
Doon na ako mas kinabahan. N-Nasaan na siya? NASAAN NA YUN?!
Halos lumabas na ang mga mata ko sa gulat nang makarinig ako ng pagbasag ng bagay sa labas. Hindi na rin yata ako makagalaw dahil nanginginig na ang mga tuhod ko.
Shit. s**t. s**t. Bakit ko pa ba tinanggap ang package na iyon?!
Inabot ko ang trophy na nasa itaas ng cabinet at hinawakan ito nang mahigpit dahil baka anong oras mula ngayon ay may biglang umatake sa akin at saktan ako.
Sa oras na ganun nga, may ihahampas ako sa kanya para mailigtas ko ang sarili ko.
Tumakbo ako sa pinanggalingan ng ingay at napag-alaman kong galing iyon sa kusina.
"S-SINO ANG NANDIYA-" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nagulat ako nang husto sa nadatnan ko sa kusina pagdating ko.
What. . .the f**k.
Kahit madilim at tanging ang bukas-sinding ilaw lang ang nagsisilbing liwanag dito, nakakasiguro ako sa nakikita ko.
Pinagpawisan ako nang malamig at hindi makapag-isip nang maayos sa kung ano ba dapat ang gagawin ko sa mga sandaling ito.
Ang alam ko lang nanlalaki ang mga mata ko habang nakatutok ako sa suot niyang plain white shirt na nadudungisan na ngayon ng malapot na pulang likido.
At sa kaniyang kanang kamay na may bitbit na isang kutsilyo.
Nagkalat na rin sa sahig ang pulang likido at ang mga bubog ng basag na plato. Nakangiti pa siya sa akin na nakadilat ang dalawang mga mata habang minamasdan ako.
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin, "PUTANGINA HUWAG NA HUWAG KANG LUMAPIT SUBUKAN MO LANG SIGI SUBUKAN MO LANG!"
Ngunit hindi siya sumunod kaya nahihisterikal na naitapon ko na sa kaniya ang matigas na trophy at tumama ito sa dibdib niya.
Kaso imbes na masaktan siya at rumeak, walang emosyon na napahinto lang siya dahil tumunog na parang ingay ng bakal ang tinamaan niyang dibdib. Dahan dahan pa siyang yumuko at tiningnan ang tropeyo na nasa sahig na animo pinagtakhan niya pa kung bakit ito tumilapon papunta sa kaniya.
FUCK f**k f**k f**k f**k!
Napapamura ako ng ilang beses nang biglang abutin ng kabila niyang kamay na hindi nakahawak sa kutsilyo ang trophy at kinuha ito bago lumakad ulit papalit. Nakatitig pa siya nang nakangiti habang papunta sa akin.
"P-PUTANGI-ANO BA! S-SABI KONG SUBUKAN MO LANG EH!" naiiyak ko nang tili at napapikit na lamang sa takot at tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang palad ko.
Mamamatay na yata ako sa takot nito!
Napapahikbi na ako sa sindak. Ayaw ko na ayaw ko na! Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa takot! s**t! Wala na akong magawa kung hindi ang mapahagulgol na lang habang nakapikit pa rin!
"Why are you crying, babe?"
Ikinatayo ng balahibo ko ang monotonous niyang boses na sa asumpsiyon ko ay sobrang lapit na sa akin. N-NASA HARAPAN KO NA SIYA!
Ayaw ko siyang tingnan! May hawak pa siyang kutsilyo! ANONG GAGAWIN KO! ANONG GAGAWIN KO! NAPAPANGUNAHAN NA AKO NG TAKOT!
"Hey, do not cry please. I am sorry. I did not mean to make a mess. The bottle of ketchup slipped out of my hand because I was holding too many things at once and it hit the pile of plates that was on the table. I promise to clean it up and find a way to replace the plates I destroyed as soon as possible."
Napahinto ako. Hindi dahil sa napakamonotous ng boses niya na parang style ng pagsasalita ng isang robot, kung hindi dahil hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
"S-SINABI KONG SUBUKAN MO LANG EH!" naiiyak ko na namang sabi nang pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha.
Nagtagumpay naman siya dahil kusa ko na itong binaba dahil ayaw kong hawakan niya ang kamay ko. Pumikit na lamang ako para kahit papaano ay hindi ko siya makita.
Humahagulgol pa rin ako sa sobrang nerbyus.
"And I did. Sinubukan ko dahil sinabi mo," hindi ko alam kung sa anong dahilan bakit ako mas lalo pang napaiyak, dahil ba sa seryosong pagkasabi niya sa kabila ng nakakabobo niyang sagot o dahil nagsalita na naman siya na nasa lenggwaheng filipino.
"You said that I should not go near you. But you added that I could try though, so I did."
Napahinto ako at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Kaso lang nung makita ko ang pagmumukha niya na sobrang lapit sa akin at nakatutok pa nang masinsinan ang dilat niyang mga mata, sinaniban na naman ulit ako ng takot at napaiyak na pumikit na lamang.
"T-TANGINA IYAN! T-TAMA NA TAMA NA!" humihikbi na ako dahil para na akong aatakihin sa puso sa sobrang takot.
Dumagdag pa ang patay-sinding ilaw ng kusina na nagpapatakot sa atmospera kaya walang patid talaga ang palahaw ko!
Nanigas ako sa kinalalagyan ko nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
Nakasandal pa ang baba niya sa ulo ko dahil matangkad siya kaya dama ko ang paggalaw ng bibig niya sa bawat salitang binibigkas niya,
"Whether it is a big old bear hug, a pat on the back, or a hand on your shoulder, physical touch leads to physical healing. So next time you are feeling seriously stressed, do not be afraid to ask me for a hug. Based on studies, hug really do have the power to make humans feel better."
Sandali akong natulala. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang prinoproseso ang mga nangyayari at ang mga sinabi niya kanina.