“Will you?”
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagsalubong ang kilay niya na ngayon ko lang nakita sa kaniya ever.
What the. . .seryoso ba siya? Seryoso ba siya nang sabihin niyang bibilhin niya ako?!
“H-Hoy. . .bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?!”
“I was programmed to look at someone like this during a serious negotiation. Will you not send me away?”
Puta! Akala ko nagbibiro lang siya!
Holy s**t. Matatakot na siguro ako pero ang gwapo lang rin talaga ng hinayupak na ito.
“B-Bakit may pera ka ba?” kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Seryoso pa rin ang mukha niya. Putakte! Para na talagang tao itong kausap ko!
Nagulat na lang ako nang bigla niya sanang huhubarin ang robe niya kaya dali-dali kong sinuot pabalik sa kaniya, “Gago ka! Ngayon agad?! Anong ginagawa mo?! Alam kong nakita ko na iyan pero manners naman! Manners! May pagkain sa harap natin oh!”
Magkasalubong pa rin ang kilay niya nang hawakan niya ang kamay ko na nakakapit sa robe niya, “I just want to show you something.”
“Nakita ko na iyan, maawa ka sa pagkain! Huwag mong babuyin!” kinakabahan kong sabi dahil hindi talaga pangkaraniwan na seryoso ang mukha ng isang robot na tulad niya.
“You did? How?” tanong niya na bumalik sa bored na look.
Anong how?
Nangunot ang noo ko, “Edi sa tuwing binabandera mo yan dahil wala kang saplot sa katawan!”
Sa pangalawang pagkakataon ay nagsalubong na naman ang kilay niya.
“I am not talking about my crotch.”
Napahinto ako at natawa sa sarili kong kapraningan, “Ay. Hindi pala iyan ang ipapakita mo? ”
“No. I am talking about this,” hinubad niya na ang robe niya.
Nangunot ang noo ko habang pinoproseso ang ginagawa niya.
Tinalikuran niya ako at nakita ko nang mabuti ang likuran niya. Wala akong ibang masabi kung hindi napakamasculine lang talaga ng katawan niya.
Hindi ko mapigilan ang kamay ko na gustong hawakan ang likuran niya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinitrace na ng daliri ko ang likod niya.
Napalingon siya sa akin. Siguro dahil naramdaman niya ang kamay ko.
“Is this enough?” hinawakan niya ang kamay ko at may pinahawak sa akin.
Nang tingnan ko kung ano iyon, nanlaki ang mga mata ko.
“A-Ano ito? S-San mo ito nakuha?” gulat kong tanong.
Tinuro niya ang dibdib niya, “All of my personal things are inside here.”
Nangunot ako. Personal? Kaya ba tumalikod siya?
“B-Bakit hindi mo pinakita sa akin habang kinukuha mo?”
“Access denied.”
Nagugulumihan ako. Access denied?
Napatingin na lamang ako sa hawak kong ATM Card.
Tangina. Nakapangalan ito sa kaniya. Zero McKenly.
“T-Teka nga, bakit ka may ganito? Bakit mo binibigay sa akin ito? At bakit bukod sa VISA, paano ka may ganito? Teka lang naguguluhan na talaga ako!”
Napaatras ako. A-Ano ba talaga ang nilalang na ito?!
“Will you let me stay with you? That card has ten thousand dollars stored. It would equivalent to half a million pesos. Your day costs ten thousand pesos. That amount will let me stay with you for the next fifty days. Let me stay with you. So please do not send me away.”
Joke ba ito? Hindi na talaga nakakatuwa.