TKM 3

2660 Words
Huminga sya ng malalim bago siya bumaba ng service car na mula sa hotel. Hindi na siya nagpahatid pa sa looban ng barangay. At ng makarating na siya sa looban ay may iilang mga nakatingin sa kanya. Kahit sa ganitong oras ay laging may mga tao sa daan. "Pre, kumusta si aling Divina? Saan ka galing?" Tanong ng isang tambay na lalaki. "Naka confine sa ngayon si nanay. Diyan lang sa kakilala ko. Sige, mauna na ako."  At naglakad siya sa daan na makipot patungo sa kanilang bahay.  "Tol, saan ka galing? Inabot ka ng apat na oras. Nag alala ako sa'yo." Bungad na tanong sa kanya ni Danilo habang binubuksan nito ang pinto.  "Pasensya ka na tol. Sorry at naabala kita. Diyan lang. May inasikaso lang ako para kina nanay at sa kapatid ko." At napansin niyang nakatingin si Danilo sa kanyang hawak na sobre. Pero hindi niya iyon pinansin pa.  "Tol, eto na pala yung celphone salamat at pati na rin sa pagsama kina Letlet at Tristan. Uuwi ka pa ba o dito ka na matutulog?" Sabay abot niya ng kanyang hiniram sa kababata.  "Wala yun tol. Uuwi na rin ako nito para mag asikaso sa bahay, saka nakatulog rin ako kahit papaano. Babawi na lang ako ng tulog mamaya. Sige, ah? Una na ako."  "Sige tol. Ingat at salamat ulit." At saka niya sinara ang pintuan. At marahan siyang tumungo sa kung saan natutulog ang kanyang dalawang kapatid.  "Gagawin ko ang lahat para sa inyo." Nasabi niya sa kanyang sarili. At saka siya umupo sa papag sabay lapag ng sobre sa tabi ng unan. Gusto niya muna maidlip kahit ilang oras para makabalik na siya sa ospital at mabayaran ang downpayment. Kailangan niya maghanap ng trabaho o gumawa ng paraan kung saan kukuha ng buong kabayaran sa ospital. At saka niya ipinikit ang kanyang mga mata.  Nagising siya sa ingay sa labas. At medyo mataas na ang sikat ng araw. Kaagad siyang bumangon para mag ayos. Babalik na siya ng ospital upang malaman ang lagay ng kanyang ina at kapatid na si Neil.  Paghawi niya ng lumang kurtina na nagsisilbing harang sa kanilang tulugan ay nakita niyang gising na ang kanyang dalawang kapatid na sina Letlet at Tristan.  "Letlet eto ang pera. Bumili ka na muna ng pandesal sa labas." Sabay abot niya ng twenty pesos.  "Kuya, sigurado ka na bibili tayo ng tinapay? Ayos lang kami. Itago ninyo na lang po iyan. Pandagdag sa kakailanganin sa ospital."  "Letlet, sige na. Ako na ang bahala. Ang mahalaga malamanan ang mga sikmura natin kahit iilang piraso ng tinapay. Pagkatapos natin mag almusal, maligo na kayo at maghanda pabalik sa ospital."  "Opo kuya."  At kaagad na tumayo si Tristan para samahan si Letlet. "Kuya, sama ako kay ate."  "Sige, pero bilisan ninyo ah? Kailangan makabalik tayo ng ospital ngayong umaga."  "Opo kuya."  At sabay na naglakad palabas ng kanilang maliit na bahay ang dalawa. Saka siya nag init ng tubig gamit ang lutuan na nilalagyan ng uling.  "Tatay Dante, sana lagi mo kaming gabayan nina inay at mga kapatid ko. Huwag mo kaming papabayaan." Nasabi niya sa kanyang isipan ng kanyang maalala ang namatay na step father.  "Kuya, kailan ba lalabas sina nanay at Neil?" Tanong ni Letlet habang nag aalmusal sila. "Letlet, hindi ko pa alam. Kapag magaling na sila. Huwag kayo mag alala. Gumagawa ng paraan si kuya para kina inay at Neil. Makakasama natin sila kapag bumuti na ang kanilang lagay. Kaya bilisan na ninyo ang pagkain para makabalik na tayo roon." Utos niya sa dalawang kapatid.  Matapos ang kanilang pag aayos ay kaagad na silang magkakapatid lumabas ng bahay. At sa daan naman ay hindi na bago sa kanya ang mga eksena sa kanilang lugar. "Hoy, Marta! Anong pinagkakalat mo sa mga tao dito na ninakaw ko ang singsing mo? Hoy! Bakit ko pag iintresan ang singsing na tanso?" Sigaw ng babaeng naka duster at may karga na batang paslit.  "Hoy Gina! Bakit mo alam na tanso ang nawawala kong singsing? Eh di ibig sabihin ikaw ang nagnakaw!" Bwelta ng aling Marta.  At nagbatuhan pa ng mga salita ang dalawa at kapwa nagsisigawan. Hindi na iyon pinansin pa ni Troy at patuloy sila sa paglalakad na magkakapatid.  Sa Ospital.  "Dok, kumusta na ho sina inay at kapatid ko?"  "Troy, paprangkihin na kita. Naalis namin ang bala sa katawan ng kapatid mo pero, under observation pa siya sa ICU. Kaya magdasal na lang tayo. Ang nanay mo naman ay bumuti na ang kanyang kondisyon. Pero maipapayo ko na manatili na muna siya kahit three days para ma monitor rin namin siya. Regular ba siyang umiinom ng gamot niya?" "Hi-hindi ho." Nahihiyang tugon niya sa doktor.  "Troy, mahalagang araw araw siyang umiinom ng kanyang gamot. Iyon ang kanyang kailangan. Sige, mauna na ako. Pero pwede ninyong puntahan ang inyong kapatid mamaya. Basta sabihan lang ninyo ang nurse na naka assign sa nanay ninyo."  "Salamat ho dok."  At tumabi siya sa kanyang mga kapatid na nakaupo habang nakatingin ang mga ito sa kanilang inay na natutulog. Naramdaman niyang papatak na ang kanyang mga luha at hindi niya iyon itinuloy. Nilakasan niya kanyang loob.  "Inay, magpagaling na kayo ah? Kayo ni Neil. Gagawa ako ng paraan para sa inyo. Para magkasama sama na tayong muli." At dahan dahan kumilos ang kanyang mga kamay at hinawakan ang kamay kaliwang kamay ng ina at hinagkan niya iyon at sabay pikit ng kanyang mga mata.  Sa isang ICU room.  Kapwa ang tatlo nakasuot ng mask at lab gown habang pinagmamasdan ang bunsong si Neil. May mga aparatong naka kabit sa katawan nito. Napaiyak si Troy ng makita ang kalagayan ng kanilang bunso at pati na rin sina Letlet at Tristan.  "Bunso, nandito na si kuya. Nandito rin sina ate mo Letlet at kuya mo Tristan. Lumaban ka ah? Nandito lang kami. Si nanay maayos na siya. Kaya ikaw, magpagaling ka na ah? Miss na miss ka na namin." At gaya ng ginawa niya kanina sa kanilang ina, ay hinawakan niya ang munti nitong mga kamay at hinagkan niya iyon habang lumuluha.  Nasa loob sila ng kanyang dalawang kapatid sa chapel. Doon sila tumuloy matapos nilang bisitahin sa loob ng ICU ang kanilang bunsong kapatid. Diretso ang kanyang tingin sa altar. Nagmamakaawa at nakikiusap na sana ay magkamalay na si Neil.  ******** "Sir, I am sorry but he is not an escort. And we don't even have a contact details of him." Napakunot noo si Levi sa kanyang kausap sa celphone habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan. Kakatapos lang ng lunch meeting niya sa mga kasamahan niyang architect. "Are you sure?" Paninigurado niya.  "Yes sir."  "Well, can I speak with one of your manager? Or supervisor?"  "Hold on sir, I will transfer your call."  "Thank you." At ilang segundo siya naghintay.  "Hi sir, this is Yna. How can I help you?"  "Hi Yna, I just wanna know if the male model of the male escort section is an escort too."  "By the way, sir may I know your name?"  Saka si Levi nag isip ng ibang pangalan.  "I am Victor."  "Sir Victor, I am sorry but he is not an escort." Saka si Levi napahinga ng malalim. Hindi siya papayag na hindi niya makuha ang kanyang nakita.  "Well, convince him to be an escort just for me. I am willing to pay."  "Sir, I will call you back to give you an update. For now, I can't guarantee that he will be an escort."  Nauubos na ang kanyang pasensya. Pero kinalma niya ang kanyang sarili. "Okay. Just call me to this number. Thanks." At saka niya binaba ang linya.  "s**t!" Pasigaw nyang nasabi dahil sa inis.  ******** "Tol, maraming salamat sa tulong. Huwag ka na mag abala dahil sobra sobra na ang tulong mo. At saka nakabayad na ako kanina." Pagtanggi ni Troy sa sinabi ni Danilo na nag uumpisa na raw itong mangalap ng pera. Nandoon ito ngayon sa ospital.  "T-tol, saan ka kumuha ng pera?" Kitang kita ni Troy ang labis na pagtataka at pagkagulat sa mukha ng kababata.  "Tol, hindi na iyon mahalaga. Basta ang importante, naibigay ko na ang downpayment." Alam ni Troy na kailangan niya pa ng malaking pera.  "P-pero tol, tanggapin mo pa rin ang alok ko. Makakatulong rin kahit papano. Kumusta na pala sina inay mo at Neil?"  Napakagat labi siya. At napayuko.  "Si Neil, ayun inoobserbahan pa siya. Nasa loob siya ng ICU. Ang daming naka kabit sa kanyang katawan. Si inay naman maayos na ang kanyang lagay. Kailangan niya rin manatili muna dito sa ospital para matignan ng maayos ang kanyang lagay."  "Tol, basta manalig lang tayo sa Taas. Magkakamalay rin si Neil. Tignan mo si inay mo maayos na siya. Basta tiwala lang."  Kitang kita at ramdam ni Troy ang pagbibigay ng kaibigan sa kanya ng lakas ng loob ng tapikin siya nito sa balikat.  "Salamat tol. Buti lagi kang nandiyan para sa akin simula pagkabata."  "Ayan ka naman tol. Puro ka pasalamat. Syempre, kasabay kita mula bata hanggang paglaki. Kaya hindi ka na iba sa akin. Maiba pala ako, nag abot ng tulong ang ex-girlfriend mong si Pamela. Nakasalubong ko kanina. Umuwi pala siya kaninang madaling araw galing sa Japan."  "Tol, pakibalik sa kanya iyan. Hindi ko kailangan. Salamat na lang kamo." Ayaw niya ng may ugnayan pa sila ng kanyang dating nobya na sa kasagsagan ng kanilang pagdadalamhati nung isang taon sa pagkamatay ng kanyang amain ay nakipag hiwalay ito sa kanya. Pinagpalit siya sa isang mapera.  "Tol, sa ganitong sitwasyon itabi mo muna ang kung anuman ang nakaraan ninyo ni Pamela. Ang isipin mo ay kung paano makakalikom ng perang pambayad dito sa ospital."  "Tol, pasensya na pero ayoko talaga kung sa kanya lang galing." Pagmamatigas niya.  Hindi na siya napilit pa ng kaybigan. Saka siya nagpaalam palabas upang bilhin ang mga gamot na kakailanganin ng kanyang ina. At sumunod sa kanya si Danilo.  Mga mahal ang bawat gamot na nasa reseta ng doktor. Umaabot iyon sa dalawang libo. Aabot iyon para sa isang linggo. Iyon daw dapat ang iniinom ng kanyang ina para mapabilis ang pag galing nito.  "Ang mahal naman niyan tol." Puna ni Danilo.  Buti na lang at naabutan siya ni Danilo kagabi ng anim na libo kung kaya may pambili siya ng gamot para sa isang linggo. At paano na kapag naubos iyon? At ang pambayad pa sa ospital? Tila kailangan niya muli ang tulong ni Yna. Kung sakaling humiling ito ng kapalit ay hindi siya magda dalawang isip na ibigay ang kanyang katawan para makaraos sa kinasasadlakan ng kanyang pamilya. Lulubos lubusin niya na.  "Wala ako magagawa tol. Kailangan eh, para mapabilis ang pag galing ni inay."  At bumalik na sila sa ospital upang maibigay ang gamot na kailangan ng kanyang inay.  Pagbalik nila ay nadatnan nila ni Danilo na gising na ang kanya ina. At kausap nito sina Letlet at Tristan.  "T-troy, anak.. ang aking panganay.." sambit ng kanyang ina.  "I-inay.. mabuti at gising ka na." At dali dali siyang lumapit sa ina at niyakap niya ito.  "Anak, si Neil nasaan? Anong sinasabi ng mga kapatid mo na marami naka kabit sa kanyang katawan? Anak, gusto ko makita kapatid mo." Maluha luhang pakiusap ng kanyang ina.  "I-inay, huwag ho kayo mag alala. Maayos ang lagay ni Neil." Pagtatakip niya. "Nagpapahinga lang ho siya. Kapag bumuti na ang inyong pakiramdam saka natin siya pupuntahan."  At niyakap niya na lang ang kanyang ina. At itutuloy niya mamaya ang kanyang plano. Tatawagan niyang muli si Yna upang humingi ng tulong.  Sa loob ng isang fast food chain.  "Troy, seryoso ka ba sa sinabi mo kanina sa akin kanina?"  "Oho mam Yna. Kung sakali ba magkano ang kikitain ko?"  "Troy, may karanasan ka na ba? Nagka girlfriend ka na ba? Kasi depende sa performance ng escort at kung in demand sya." "Wala pa ho. Pero girlfriend nagkaroon na ho ako."  "So you are a virgin. Wow. Pero eto ah, may tumawag sa akin kanina. Willing magbayad sa presyo na gusto ng agency basta makuha ka lang. Magkano ba kailangan mo?"  Naalala niya ang sinabi sa counter sa ospital. Aabot raw sa two hundred thousand ang babayaran niya lahat kung sakaling aabot sa one week ang kanyang kapatid sa ICU.  "Mga one hundred fifty thousand ho."  Tinignan siya ni Yna sa kanyang sinabi na presyo. At ilang segundo ang nakalipas bago ito nagsalita.  "Troy, hindi na ako magtatanong kung saan mo gagamitin ang pera. Pero sa halagang one hundred fifty thousand, marami ang kukuha sa'yo sa itsura mong iyan. Lalo na wala ka pa palang karanasan."  Nakaramdam siya ng kakaiba sa sinabi ni Yna.  "Troy, bago ko tawagan ang gustong kumuha sa'yo gusto ko sabihin sa'yo na lalaki ang may gustong kunin ka."  Nabigla si Troy sa sinabi ni Yna.  "H-ho? B-bakla?"  "Troy, hindi na sa akin mahalaga ang sexuality ng kliyente. Basta kayang magbayad, tapos ang usapan. Ngayon, nasa sa'yo ang desisyon kung papayag ka o hindi."  Humugot siya ng malalim na hininga at nag isip. Sabagay, isang beses lang naman. At siya ang tatrabahuhin.  "S-sige ho mam Yna. Pumapayag na ako."  "Okay. Ngayon din ay tatawagan ko ang gustong kumuha sa'yo." ****** Tuwang tuwa si Levi matapos siya tawagan ni Yna. Kaya sinabi niya ang lugar kung saan magkikita, kailan at oras. At kinabukasan ay nagbayad siya sa pamamagitan ng online deposit na halagang two hundred thousand pesos. Kasama na roon ang commission ng escort agency.  "Honey, I will be back tomorrow morning. Marami akong aasikasuhin regarding sa bago kong project para sa de Ayala."  "Okay honey. Take care." Sagot ng isang magandang housewife na dating isang interior designer.  ****** Mabilis na nai set ang araw, lugar at oras ng pagkikita nila ng kanyang magiging customer. Ayaw siya paalisin sa ospital ng mga oras na iyon ng kanyang ina. Pero nagpumilit siya at gumawa ng dahilan. Hindi niya na hiniram pa ang celphone ng kanyang kaibigan na si Danilo. Kinuha niya na lang ang mga detalye sa pagtawag niya kay Yna sa pamamagitan ng payphone.  Sa isang tagong hotel sa hindi kalayuan sa Manila. Dakong alas otso ng gabi.  Ramdam ni Troy ang panginginig ng kanyang buong katawan habang nasa loob siya ng elevator. At napapikit pa siya ng kanyang mga mata at saka siya nagsalita ng mahina.  "Patawad inay, at mga kapatid ko sa gagawin ko."  "Ting!"  Tunog ng huminto ang elevator sa pinaka mataas na bahagi ng hotel.  Suot niya ang isang white polo, isang black na fitted jeans at isang black leather shoes. First time niya makasuot ng ganoong klaseng damit at maglagay ng isang mamahalin na pabango. Lahat iyon ay mula kay mam Yna. At sinundo siya ng isang sasakyan papunta sa hotel.  Naglakad siya ng marahan palabas ng elevator. Hinanap niya ang room number. Pero iisang pintuan lang ang kanyang nakita. At tugma iyon sa sinabi ni mam Yna bago siya umalis.  Sunod sunod ang mga malalakas na kaba ang kanyang naramdaman.  Tila gusto niya ng umatras.  Pero hindi pupuwede! Nasa kanyang mga kamay nakasalalay ang lahat.  Saka siya huminto saglit. At huminga ng iilang malalalim na hininga.  At saka siya naglakad papunta sa pintuan. At ng makatapat na siya sa pinto ay saka siya kumatok.  Maya maya ay nagbukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng isang itim na polo, at tila matanda sa kanya ito ng mga sobra sa sampung taon.. Hindi siya makapag salita o makakilos.. tila napako siya sa kanyang kinatatayuan.. "Troy why did you knock? You don't know how to use the doorbell? Or hindi mo lang nakita?" Medyo painis na tanong ni Levi sa kaharap. Pero, mas guwapo sa personal ang kanyang kinuha. At inosente ang mukha, at nasa early twenties ang edad.  "H-ho?" Maang na tanong ni Troy sa kaharap.  "Nevermind. Come in."  Hindi kaagad makakilos si Troy. Nabigla siya sa sunod sunod at bilis ng pangyayari.  "What are you waiting for? Come in."  At saka si Troy natauhan muli.  "Si-sige ho."  At saka siya marahang pumasok sa loob ng silid... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD