May halos ilang minuto na lang bago matapos ang palabas kung kaya minabuti niya na lang na maghintay sa labas ng sinehan. At maya maya ay nakita niyang nagsisimula ng lumabas ang mga tao sa loob ng sinehan at nakita niya ang kanyang mga kapatid kasama si Danilo na akay ang kanyang kapatid na bunso at kumaway siya sa mga ito. Nakita siya agad ni Tristan at tumakbo ito palapit sa kanya. "Ano maganda ba pinanuod ninyo?" Tanong niya na nakangiti. "Opo kuya! Ang ganda! At ang astig!" Tuwang wika ni Tristan. "Sayang di ka sumama manuod. Ang ganda sobra." "Hayaan mo, papanuorin ko rin sige." At saka niya ginulo gulo ang buhok ng kapatid. At tinignan niya ang papalapit na sina Danilo, Letlet, at ang bunsong kapatid. "Maganda raw tol ang pinanuod ninyo." Nakangiting bungad niya sa kababata. "O

