Halos hindi na makagulapay si Y ng iuwi ito ni Dale. Ang kotse nito ay nauna ng makauwi ng ipahatid niya sa tauhan niya. Tulog na si Y ng mga oras na iyon habang binabagtas nila ang daan patungong bahay ng mga ito. Napailing na lang siya sa isiping, paano niya ipaliwanag sa mga taong nandoon ang biglaang pagbalik ni Y galing business trip. Tapos ang biglaang pag-alis ni Yago. Minsan naguguluhan na rin siya. Sa naging takbo ng mga bagay-bagay. Daig pa niyang may kaibigang may dual personality. Kaya lang ito literal. Pisikal na anyo na nakikita ng mata ang magkaiba, ugali din minsan. Matapos niya buksan ang gate ay ipinasok na niya ang kotse sa loob. Mukha naman tulog na ang mga taong nandoon, ng magulat siya ng bumukas ang pintuan ng bahay. "Bakit gising ka pa?" tanong kaagad ni Dale ng

