"Hindi ka ba muna kakain," masuyong tanong ni Jean ng lumabas sila ng library matapos makapag-usap. Nasa kusina na rin si Dale. Naiwan naman sa library si Hector. "Depende," sagot ni Yago. Napasunod pa sila ng tingin ng makita nila ang pagdadabog ni Hareya pabalik sa kwarto nito. Bago pa maisara ang pintuan ay narinig pa nila ang malakas nitong sigaw, gawa na rin siguro ng sobrang frustration. Nagkatinginan pa silang lahat ng hindi nila napansin na nandoon na rin pala si Hector sa may kusina. "Kakausapin ko lang ang anak mo Harlene. Hindi pwedeng siya ang magmamaneho ng kotse. Wala pa siyang lisensya dito sa Pilipinas. Kailangan niyang pumayag na maipagmaneho siya ni Yago." "Sige, sayo lang naman nakikinig ang batang iyon. Mula ng spoiled mo ay tumigas na ang ulo." "Naaawa lang ako d

