CHAPTER 34 - B NAGISING ako mula sa pagkakatulog. Nakatulog talaga ako sa pagod. Sobrang sakit nang katawan ko at ang dungis dungis ko na. Hindi ko muna minulat ang mata ko at pinakiramdaman ang nasa paligid ko. Naamoy ko pa ang amoy nila Hermes sa loob nang silid kaya sigurado akong andito pa sila. "I think hindi na talaga na po-protektahan ni Kentaro si Dolly ngayon." narinig kong sabi ni Gucci. Kentaro? Ang kuya ni Kenji? Bakit niya naman ako po-protektahan? At kanino niya ako po-protektahan? Sa ama niya? Sigurado ako isa sila sa may pakana nito, pero hanggang hindi nakikita nang mga mata ko ay hindi ko muna ito ipipilit sa utak ko. Lalo na't sangkot si Kenji sa usapang ito. "Tama ka, mula nung nalaman ni Dolly na sangkot si Kenji sa sitwasyong to ay hindi na nagpakita satin s

